Disclaimer: Didn't have the time to proofread this chapter so expect typographical and grammatical errors ahead! Enjoy reading(〃゚3゚〃)
—Enemies, Friends, Lovers!?and....—
[Year 2014; School Break]
Kenneth's PoV
Excited kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito. Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko nang makita ko ang message ni Brian.
"Good morning" buong galak kong basa sa tinext niya. Agad ko siyang nireplayan pagkatapos ay inilapag ang cellphone ko sa isang maliit na lamesang katabi ng higaan ko.
Nag-inat inat ako at napalingon sa kalendaryo.
"Isang araw nalang" napabuntong hininga ako nang mapagtantong matatapos na ang school break. Hindi ko akalain na dadaan lang ang dalawang buwan nang ganoon kabilis. Biglang gumuhit ang ilang larawan sa aking isipan.
"Bakit ka andito?" Nagtataka kong tanong kay Luke nang bumaba ako mula sa kwarto pagkatapos akong tawagin ni nanay.
"Tama ba yung narinig ko?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy maglakad hanggang makalabas kami ng bahaya. Ayokong marinig nina tito ang pag-uusapan namin.
"Hindi mo ba ako sasagutin?" Mahihinuha sa boses niya ang inis. Napalingon ako sa kaniya at hinila siya papunta sa bahay niya.
"Ano bang gusto mo?" Inis kong tanong. "Bakit ka pumupunta sa bahay ng ganoong oras? Tuwing sabado na ngalang itong pahinga ko sisirain mo pa."
"Are you avoiding me?"
"Eto na naman? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kita iniiwasan."
"Ilang beses mo nang sinabing hindi mo ako iniiwasan?—now tell me when was the last time you said this?" Natigilan ako sa tanong niya nang mapagtantong ilang linggo na ang nakakalipas mula ng mag-usap kami.
"Ano naman kung iniiwasan kita" nauutal kong sambit. Nakaramdam ako ng kaba nang mapansin naiinis na si Luke.
"Inamin mo rin. Bakit mo nga ako iniiwasan?"
"Gusto ko lang mapag-isa"
Narinig ko ang nakakatakot na ngisi niya. "Mapag-isa? But you're always with Brian? This is fckin ridiculous!" Umalingawngaw ang tunog ng lata nang bigla niya itong tadyakan.
"Baka tama yung narinig ko?"
"Wala akong pake sa narinig mo. Layuan mo ako. Leave me alone."
"Are you seriously avoiding me because you're scared that I'll steal your scholarship?" He uttered through gritted teeth. "Fck!—I thought you're smart. Do you really want to go to this extent just for that scholarship? HA.HA.HA. Bullsh!t!" I felt blood rushing to my head and its heat evoke anger on me.
"Oo! I would do everything para sa scholarship na yun—just a scholarship?—sa tono palang ng pananalita mo alam ko nang hindi ka nag-aalala kung may mapapatunayan kaba sa pamilya mo o responsibilidad na ihaon ang pamilya mo sa kahirapan. Its not just a scholarship to me, its my gateway to getting away from this sh!thole lifestyle we have." Nakakuyom ang kamay ko habang nanginginig ang buo kong katawan sa galit.