Chapter 16

20 3 0
                                    

❝Chapter 16 : Just Another Ordinary Day❞

Kenneth's PoV

Papunta ako ng school ngayon. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Luke na hawak hawak ang bike niya. Nilapitan ko siya para magpasalamat sa pagbili niya ng bag.

"Luke!" nakangiti kong tawag ko sa kaniya. "Good morning!" parang bata kong sigaw at inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Not in the mood" seryoso niyang ani at inilayo ang mukha ko.

"Anyare?" nagtataka kong tanong. Sumakay siya sa bike niya.

"Nothing" ani niya at mabilis na nagpedal paalis.

Problema nun?

Minsan talaga hindi korin maintindihan yung ugali ni Luke. Minsan mabait, minsan naman ang sama ng ugali. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko yung nangyari at masiglang naglakad papuntang school.

"Kenny! Good Morning!" bungad ni Au sa akin.

"Taas ng energy" natatawa kong ani.

"Syempre umaga. Wait---Bago yang bag mo?" curious niyang tanong ng mapansin niya ang suot kong bag ko. Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo.

"Ah oo" nagaalangan kong ani habang nakatingin kay Luke na nakasubsob ang ulo sa desk niya. Mukhang natutulog na naman siya.

Hindi na namin nagawa pang makapag-usap ni Au dahil biglang dumating si Ma'am. Ang lahat ng kaklase ko ay tahimik at naghihintay sa sasabihin ni Ma'am.

"So the results for your exam is out now" nakangiting bungad ni Ma'am na sinundan ng kabi-kabilang bulungan.

"As usual, Mr. Yasu aced the exam and ranked 1 among your batch. Congrats Kenneth, you only got one wrong. Next time, I'll be expecting a perfect score." mapagbirong hirit ni Ma'am na ikinangiti ko. Umalingawngaw ang palakpak ng aking mga kaklase at ang kabi-kabilang papuri para sa akin. Tanging kasiyahan lang ang namamayani ngayon sa puso ko. Atlast, my hardwork paid off. After the sleepless night, I did it.

"And---Well---I never expected that I'll be seeing this kind of score. 25 over 100, the lowest score belongs to---Mr. Lacson. You better study hard, your position for the basketball team is at risk if you'll continue receiving low scores." ang lahat ng mata ay nakatuon sa direksyon ni Luke. Makikita sa mukha ni Luke ang pagkawala ng interes.

"I'll do better Ma'am" walang ganang sambit ni Luke at inabot ang answer sheet niya. Nagpatuloy si Ma'am sa pagannounce ng mga scores ng mga kaklase ko. Ang lahat ng kaklase ko maliban sa akin ay nakatuon ang pansin sa harapan habang ako ay inoobserbahan ang bawat kilos na ginagawa ni Luke. Nakita ko ang paglakumos niya sa answer sheet at inilagay niya ito sa ilalim ng desk niya.

Bakit parang ang sama ng mood niya ngayon?

Jusme! Bakit ba nangingialam ako? I need to focus on myself. Hindi ko kailangan ng distraction. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang pagaalala at itinuon ang pansin sa harapan.

©introvert_wizard

"Hindi ata kayo magkasama ngayon ng stepsister ko?" napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Troy na papalapit sa akin.

"Mukhang busy siya with her English Club duties" simple kong sagot at itinuon ang pansin sa daanan.

"Are you okay?" napalingon ako kay Troy nang magtanong siya.

"Yeah" ang tanging nasagot.

"Hanggang ngayon, you're still not good at lying" nakangising ani niya. Nanlaki ang mata ko sa walang pasabi niyang pag-akbay. "Spill it out"

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon