Chapter 22

26 2 0
                                    

❝Chapter 22 : Warning❞

Kenneth's PoV

"It's Summe-LECHE!" umalingaw-ngaw ang mura ko nang tumama sa ulo ko ang isang bola. Inis akong napatingin sa labas at nakita ko si Luke at Troy.

"Luke! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang maglalaro pag-umaga!" naiirita kong ani.

"Sorry" paghingi ng paumanhin ni Troy habang kumakamot sa ulo niya. Cute~

"Ilang beses din ba kitang sinabihang isara yang bintana mo? Tsaka alas-dos na ng hapon." Agad akong napatingin sa orasan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 02:16 PM na. Napatampal nalang ako sa noo ko. Anong oras narin kasi akong natulog dahil sa kakapanood ng korean drama.

Isang linggo narin ang nakalipas simula ng matapos ang klase namin hudyat nang pagsisimula ng summer. Sa awa ng diyos ay nagawa ko na namang manguna sa klase. Isang taon nalang at tatapak na ako sa kolehiyo. Hindi ko nga alam kong ready naba ako para sa college. Hindi ko rin alam kong ano ang kukunin ko sa kolehiyo.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Sabi ni Nanay mag-education nalang ako dahil yun lang ang kaya namin. Pero, hindi ko alam kong gusto ko ba talagang magturo, ni hindi ko nga alam kong ano talaga ang gusto ko.

"Kenneth, baba ka!" Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Tito.

"Po?" Ang naisagot ko. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong nasa bahay siya ni Luke.

"Magbasketball kayo nina Luke" Tila tumigil sa pagproseso ang utak ko ng marinig ko iyon. Basketball? Ako? Napafacepalm nalang tuloy ako sa isipan ko.

"Opo, baba napo" Mabigat ang mga papa akong bumaba pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush. Nakabagsak ang aking balikat na lumabas ng bahay at naglakad papunta sa bahay ni Luke. Isang ngiting pilit ang aking ipinanbungad kina tito.

"Sabi kong bilisan mo. Bakit ang tagal mo?"

"Naghilamos at nagtoothbrush pa po ako Tito"

"Luke, sigurado namang kilala niyo natong si Kenneth. Wala itong masyadong kaibigan kundi yung baklang-"

"To?" Usal ko ng babangitin niya na si Jay.

"Bakit may mali ba?-Asan na ba ako? Ah...Pakiusap ko lang sana na turuan niyo naman itong si Kenneth ng basketball para hindi lumampa-lampa. Isama niyo siya sa liga ngayong taon mukhang malapit narin naman yun magsimula." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tito. Liga? Mukhang mapapasabak ang kagandahan ko.

"Tito, alam niyo namang pumapasok ako sa restaurant. Ngayon summer ko lang mababawi lahat ng absent ko noong pasukan. Hindi pwedeng hindi ako pumasok." Pagdadahilan ko.

"Katrabaho mo naman tong si Luke diba?" tumango naman ako bilang sagot. "Pero sasali siya sa liga?" Agad akong napalingon kay Luke, binigyan ko siya ng makahulugang tingin upang ipabatid na ayaw kong sumali.

"Opo, sasali kami" nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Luke. Nako gusto ko siyang sapakin ng malakas. Hindi niya ba magets na ayaw kung sumali.

"Mabuti naman kung ganoon. Oh siya aalis na ako para makapag-ensayo na kayo." Masayang ani ni Tito. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang itulak ang wheelchair. Sinamahan ko siya hanggang sa labasan at sinabihan akong kaya na niya mag-isa.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon