—Complicated—
Kenneth's PoV
"Anong ngiti yan?" Nabaling ang paningin ko sa katabi ko.
"What?" Halata sa boses ko ang pagkataranta. Pinipigilan ang sariling ngumiti.
"Anong what ka diyan? You know what I'm talking about."
"I never seen you smille like that. It feels like you're into him" dagdag ni Au na kakarating lang.
"Ako? Kanino?"
"Dakilang in denial si Bakla. Baka is4ksak ko tong straw sayo."
"I really don't know what you're talking about." Depensa ko sa sarili ko.
"So sino sa kanilang dalawa?" Usisa ni Au habang ang mga mata namin ay bumaling kina Luke at Brian na kasalukuyang naglalaro ng basketball.
Ilang linggo narin ang nakalipas pagkatapos nung nangyaring pag amin ni Brian sa akin.
Are we together?
No. Sinabi ko sa kaniya na hindi pa ako ready.
Did I forgave him for what he have done to me when I was in junior High?
Still no—but I'm slowly starting to.
Malaki ang pinagbago ng relasyon namin ni Brian.
We became closer.
And I can say I'm starting to like him.
Naging daan rin siya para unti unting mawala ang nararamdaman kong paghanga kay Luke.
Hindi ko naman sinasabing wala na. I'm trying to supress it. Maling magkagusto sa lalaking may jowa na.
"Si Luke?"
"No!" Mabilis kong tanggi.
"So si Brian?"
"No"
"Si Brian nga" sabay na sambit ni Au at Jay nang mapansin ang kaba sa boses ko ng banggitin nila ang pangalan ni Brian.
"Sigurado ka ba sa nararamdaman mo bruh4? Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo?" Nag aalalang sambit ni Jay.
"I still haven't forgive him."
"But you like him?" Nakataas ang kilay na tanong ni Au. "That's another level of—sorry for the word—katangahan."
"I know. But—"
"But what?"
"He told me he like me"
"What!?" Napalingon sa gawi namin ang ilang estudyanteng nanunuod nang sumigaw sa gulat sina Au at Jay.
"Kailan?"
