Chapter 24

35 3 0
                                        

"Bagyo II"

Kenneth's PoV

Nagising ako sa malalim na pagkakahimbing. Napalingon ako kina Luke na natutulog katabi ang mga kapatid ko. Lumipat kami dito noong maghahating gabi dahil biglang tinuklap ng malakas na hangin ang yero sa kwarto ko. Tumayo na ako at pumunta sa banyo para ayusin ang sarili. Pupunta muna ako sa social hall at baka may pinamimigay na relief goods. Lalo na at wala akong naimbak na pagkain. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay namin. Bakas ang hagupit ng bagyo sa kasulukuyang estado ng bahay namin. Napabuntong hininga akong lumabas ng bahay. Bumungad sa akin ang kalsadang puno ng dahon at nagbagsakang puno ng papaya.

Napalingon ako sa bahay ni Luke na mukhang wala namang masyadong sira marahil dahil gawa ito sa semento. Pumasok ako sa bakuran niya para kunin ang bike niya. Siguro naman hindi siya magagalit na kinuha ko ang bisekleta niya.

Isinara ko ang maliit na gate ng bahay ni Luke pagkatapos kong mailabas ang bisekleta. Nagsimula na akong magpedal at tiningnan ang sirang gawa ng bagyo sa purok namin. Mukhang masamang ideya na nagdala ako ng bisekleta dahil kada kanto ay may nakikita akong bumagsak na puno kaya wala akong choice kundi maglakad. Bago paman ako pumunta sa baranggay ay binisita ko muna si Jay.

"Bruha!" Tawag ko sa kaniya na abala sa pagwawalis sa loob ng bahay niya. Mukhang napasukan ito ng tubig.

"Oh Bruha kumusta kayo?" Nag alala niyang tanong habang lumalapit sa akin.

"Heto, sa awa ng diyos ay nakaligtas. Sobrang lakas ng bagyo no? Ikaw kumusta ka? Napasukan ba ng tubig itong bahay mo?"

"Oo, kaya wala akong choice kundi walisin palabas ang tubig." Napapailing niyang ani.

"Ang hirap maging mahirap" magkasabay naming sambit.

"Mabuti nalang maganda ako" muli naming sambit dahilan para magkatinginan kami at matawa.

"Bruha ka, kaya tayo binabagyo ang hilig mo kasing magsinungaling" hirit niya.

"Tologo? Sayo talaga yan galing. Hindi ka manlang kinilabutan sa sinabi mo?"

"Bakit? Hindi ako nagsisinungaling. I'm an independent, nice, gorgeous, pretty, beautiful, and magnificent lady" hirit niya na parang nasa kontest ng baranggayan.

"Gusto mong isampal ko sayo yung bike?" Mapagbiro kong sambit at tinuro ang bike ni Luke.

"Bisekleta yan ni Luke diba? Bakit nasa 'yo yan?" Usisa ni bruha.

"Hiniram ko" pininliitan niya ako. Pilit kong inilalayo ang paningin ko sa kaniya.

"Ano yan? Bakit hindi ka makatingin sa akin?"

"Ang panget mo kasi"

"Tse!" Inis niyang sambit na kinatawa ko. "Sa bahay niyo siya natulog?" Napalunok ako sa sinabi niya.

"Bruha ka! Ang harot harot mo. Kinalimutan mo na ba ang pagiging dalagang Pilipina?"

"Baliw! Natulog lang siya sa bahay dahil sinabihan siya ni Tito na samahan kami." Depensa ko.

"Natulog lang ba talaga?" Bigla niyang hinampas ang pwetan ko dahilan para mapa aray ako. "Confirm na isuko na ang yungib" nakangisi niyang ani.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon