Chapter 33

22 0 0
                                    

—Luckiest Gay—

[Year 2014]

Kenneth's PoV

Nakangiti akong bumangon sa kinahihigaan ko nang dumampi sa balat ko ang init na nagmumula sa sinag ng araw. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko tuwing naalala ko ang nangyari kahapon.

I just confessed to him.

He confessed to me.

And were together.

Us—the two of us—magjowa na kami.

Ako.

Kyaaahhhhh

Mababaliw na ata ako.

Napalingon ako sa may bintana at dahan dahang lumapit dito nagbabasakaling masilayan si Luke.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko siyang nagbabasketball.

Napalunok ako ng titigan ko ang hubad niyang katawan.

Hindi ko namamalayang kinakagat ko ang kuko ko habang tinitingnan siyang maglaro.

Pakiramdam ko luminaw ang mata ko na kahit ang pinakamaliit na butil ng pawis niya ay nakikita ko.

I froze when he suddenly winked at me and shot a three pointer—which he successfully did.

Nakaramdam ako ng pang-iinit sa pisngi kasabay ng malawak na ngiti.

Gusto niya bang maging baliw ako.

Natatawa ko siyang tinarayan at tinalikuran. Gumuhit sa isipan ko ang nakangiti niyang imahe.

Napagdesisyunan kong bumaba na at baka ano pang magawa ko habang tinitingnan siya.

" Bakit abot langit yang ngiti mo? Sumahod kana ba?" Napahinto ako sa paghuhugas ng pinggan.

"Ah hindi Nay. May naisip lang po."

"Anong inisip? Babae ba yan?" Umiling nalang ako bilang sagot sa sinabi ni Nanay. "Siguraduhin mo lang na hindi babae yan. Magfocus ka muna sa pag-aaral mo. Wala munang lablayp—lablayp. Lalo na at mahirap pa tayo."

"Naku Melding, ano namang masama sa pagjojowa eh malaki na yang anak mo. Noong araw nga eh sampu sampu jowa kong babae." Napalingon ako kay Tito nang bigla itong sumulpot.

"Huwag po kayong mag-alala Nay. Wala pa po sa isip ko yung pagjojowa." Pilit ang ngiti kong sambit. Tuluyan ng naglaho ang mga ngiti sa labi ko. Napalitan ng lungkot at takot ang puso ko na kanina lang ay nag uumapaw sa galak.

Naging kami ng ni Luke eh hindi ko anamn maipagsigawan sa buong mundo na jowa ko siya.

Bakit dapat ganito kahirap magmahal?

Ang hirap na nga nang pinagdaanan ko bago ko maamin kay Luke na gusto ko siya. Tapos mas malaki pa pala akong suliranin na dapat lampasan—ang umamin sa pamilya.

Sa totoo lang parang wala akong balak na umamin sa pamilya ko na bakla ako. Alam ko kung paano sila magrereact, lalo na si Tito. Iniisip ko palang nahihirapan na akong huminga. Marahil ibabaon ko hanggang sa hukay ang totoo kong pagkatao. 

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon