"The Last Year"
[Year 2013]
Kenneth's PoV
Napalingon ako sa likuran ko ng makarinig ako ng tunog ng bicycle bell. Napairap ako ng makita ko si Luke na ang unang bungad sa akin ay ang nakakainis niyang ngiti at kindat.
"Sakay" anyaya niya.
Hindi narin ako nagpakipot pa at agad na umangkas sa likuran ng bike niya. Unang araw ng klase ngayon. Grabe ang bilis ng panahon. Akalain mo isang taon nalang at matatapos ko na ang highschool. Hindi ako makapaniwala na sa susunod na taon ay magkokolehiyo na ako. Hindi ko nga alam kung handa na ako para doon.
Pakiramdam ko sobrang bilis lang nung summer break namin. Wala rin naman akong masyadong ginawa kundi magtrabaho during the break. Pero looking forward ako sa last year ko as a high school student. Lalo na at nakapasa si Jay, bonus pa na magkaklase kami.
"Natapos mo na ba yung pinapasagutan ko sayo?" Tanong ko kay Luke. Hindi ko pa pala nasabi na bukod sa pagtratrabaho ko sa café naging tutor rin ako ni Luke. Mukhang takot si Tanda na malaglag sa basketball team.
"Nasa bag ko. Kunin mo nalang" Agad kong binuksan ang bag niya. Napatigil ako ng may makapa ako. Dahan dahan ko itong inilabas at gumuhit ang nakakalokong ngisi sa mga labi ko.
"Ano to?" Nanunukso kong tanong kay Luke habang pinapakita sa kaniya ang isang rosas na nakadikit sa isang box ng chocolate.
"Anniversary namin ni Leah ngayon. Regalo ko sa kaniya." Otomatiko naman siyang napangiti at tila iniisip si Leah.
"Naku. Naku. Naku. Hindi ko alam na romantic ka pala." Ani ko habang pinipigilan ang sariling hindi tumawa. Ibabalik ko na sana yung rose at tsokolate nang aksidente kong mabitawan ang rosas. Agad na tumagilid ang katawan ko para abutin ang rosas. Dahil sa bigla kong pagtagilid ay naout of balance yung bisekleta. Ilang segundo kaming nagpagiwang giwang nang biglang may nakabunggo sa amin. Ang sunod ko nalang naramdaman ay ang pagdausdos ng katawan ko sa kalsada.
"Okay kalang?" Nag aalalang tanong ni Luke sa akin. Napatitig ako sa kaniyang matang nilamon ng pag-aalala. Napalunok ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Umayos ako ng upo at linayo ang tingin ko sa kaniya.
"Sorry pre. Okay lang ba kayo?" Rinig kong sambit ng isang lalaki, mukhang siya yung bumunggo sa amin.
"Ayos lang pre. Kami naman yung may kasalanan." Tugon ni Luke. Napalingon ako sa lalaki at nagulat ako na si Brian pala iyon. Nagkatitigan kami ngunit agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Tinalikuran niya kami at mabilis na umalis sakay ng bisekleta niya. Kita mo walang modo ang gago!
"Dito ka lang bibili lang ako ng gamot" binalik ko ang atensyon ko kay Luke ng magsalita ito.
"Huwag na" pigil ko sa kaniya. "Yung kamay mo" gulat kong ani sabay hawak sa kamay niyang dumudugo. Inilayo niya ang kamay niya sa akin at nilagay sa likuran niya.
"I'm fine. Just stay there. I'll buy some band aid."
"Pero malalate na ta—" napatigil ako sa pagsasalita nang panlisikan niya ako. Tinalikuran niya ako at itinayo ang bisekleta niya. Pagkatapos ay nagbisekleta na siya papuntang drug store. Pa-ika ika naman akong gumilid. Mabuti nalang at may malapit na waiting shed kaya doon ko napagdesisyunang umupo.
Ilang minuto ang lumipas at dumating si—Brian? Bakit siya bumalik? Tsaka ano yung dala niya? Bakit siya lumalapit sa akin? Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Nakaramdam ako ng pag-kainis. Sa tuwing nakikita ko kasi si Brian ay naalala ko ang lahat ng panlalait na ginawa niya sa akin. He was one of those people who would constantly make you feel that being gay is wrong. I hate him! I hate his kind!