Chapter 32

29 1 0
                                        

—Risk—

Kenneth's PoV

[Year 2023]

"Kumusta na si Tita?" Bungad sa akin ni Jay nang sagutin ko ang tawag niya. Kasalukuyan akong nasa labas ng hospital room ni Nanay dahil ayoko siyang magising. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gilid ko.

Ano ba kasing ginagawa niya dito?

Sinabi ko naman sa kaniyang umalis na siya at sapat na na hinatid niya ako.

"Okay na si Nanay. Mabuti nga at nadala agad siya sa ospital kundi mas malala yung magiging lagay niya."

"Mabuti naman. Bet mo bang puntahan ka namin ni Brian diyan?" Sasagot na sana ako kay Jay nang biglang kunin ni Luke ang telepono ko.

"Don't worry, I'll take care of him." He said and ended the call.

"Ano yun?" Inis kong ani at inagaw sa kaniya yung telepono ko. "Umalis kana nga"

"Hihintayin kita"

"Hindi kita kailangan dito kaya umalis kana." Hinintay ko siyang gumalaw ngunit wala siyang kibo at sumandal lang sa pader.

"Bahala ka" inis kong sambit at pumasok sa hospital room ni Nanay.

[Year 2014]

"Hindi parin talaga ako makapaniwala na naging jowa ni Francine si Luke. Iba talaga ganda ni bakla—" Nahinto si Jay sa pagsasalita dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Pero siyempre mas panget ka!" Mapang-asar niyang sambit dahilan para matawa ako. "Mas maganda talaga siya bruha—hindi ko kayang magsinungaling."

"Maganda naman talaga siya kaya bagay sila." Ani ko at pilit na ngumiti.

"Akala ko talaga straight yang si Luke. Hindi pala street—street light pala, medyo straight." Napatingin ako sa kaniya na pinipigilang matawa sa sarili niya hindi dahil nakakatawa yung joke kundi dahil corny ito.

"Ang corny mo na bruha. Huwag na tayong mag-usap. Nagbago kana. Friendship over!" Bira ko dahilan para matawa kaming dalawa.

"Huwag mo akong inookray! Ginagawa ko lahat para matawa ka."

"Alam ko. Salamat." Nakangiti kong ani at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Drama~ kiss mo nga pw3t ko"

"Kadiri bruha parang hindi matanda—dun tayo sa likod." Umalingawngaw ang tawa namin sa hallway dahilan para pagtinginan kami ng ibang mga estudyanteng nakapila. Kasalukuyan kaming nasa Labrador para magenroll. Hinihintay nalang naming ma-officially enrolled.

"Jokes aside bruha, bakit hindi mo nalang kaya sagutin si Brian. Its a great way for you to move on from Luke."

"Sasagutin ko siya para lang maka-move on kay Luke? Ang unfair naman nun sa kaniya."

"Edi ba sabi mo gusto mo na siya. So~ Huwag mong isipin na sasagutin mo lang siya para makalimutan mo si Luke. Think of it like you're opening your heart for him to occupy it leaving no room for Luke."

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon