❝Chapter 12 : Napkin❞
Kenneth's PoV
"Shota ko tol!" mayabang na ani ni Luke na ikinakuyom nang kamao ko.
"Nagjojoke lang siya, pinagsasabi mo?" malakas kong siniko si Luke dahilan para mapaatras siya.
"I know. Kilala ko tong gagong to, loko loko to plus babaero." natatawang ani ni Troy habang nilalapitan si Luke. "But you got me their for a second. I thought you were serious"
"Ulol! Hindi ako papatol diyan" napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Luke.
"Che! As if naman type kita" sambit ko sa sarili ko.
"By the way how's Leah?" nagsimula silang maglakad paalis ng airport. Habang ako ay nasa likod nila at abala sa pakikinig sa pinaguusapan nila.
"Hiwalay na kami" kaswal na sagot ni Luke. Napailing nalang ako sa isipan ko habang nakikinig sa pinaguusapan nila.
"Bakit naging two timer ka na naman? Tng ina mo tol! Kailangan ka ba magbabago? Babaero ka parin?" pangangaral ni Troy. Paano ba kasi naging kaibigan ni Troy yang gagong lalaking yan. Ang lakas na ngang manigarilyo tapos babaero pa pala! Jusme! Bad influence!
"Bakit gusto mo manlalaki ako?" pabirong sambit ni Luke dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at napatingin sa gawi ko si Luke.
"Gago ka talaga" mura ni Troy.
"Nga pala Kenneth, may girlfriend kana?" tanong ni Troy out of nowhere.
"I'm gay" walang pagaalinlangan kong ani. Napatango tango naman si Troy. I guess hindi na nakakagulat sa kaniya ang sinabi ko since baklang bakla talaga ko kahit noong bata pa. Hindi ko lang gets kung bakit hindi parin alam nila Nanay. Curious nga ako. Do they really not know that I'm gay? or are they pretending to not know? Napabuntong hininga ako sa biglaang pagsulpot ng mga tanong na iyon sa isipan ko.
"Tinatanong niya kung may girlfriend ka, hindi kung bakla ka" I rolled my eyes after Luke butt in.
"Kaya nga, naging bakla pa ako kung babae din jojowain ko" mataray kong sambit.
"Malay ko ba sa trip mo."
"Anong akala mo sa pagiging bakla trip trip lang? Natripan ko lang maging bakla, yun ba ang ibig mong sabihin? Trip mo rin bang maging lalaki?" sarkastiko kong sanggit.
"Hindi ikaw lang trip ko" nakangising sambit ni Luke na ikinakuyom ng kamao ko. Nakangiti akong bumaling kay Troy.
"I'm really glad to meet you again Troy but I can't stand another minute with this man. Goodbye, I'll just tell Au about this." paalam ko at walang pagaalinlangang linampasan sila.
"Wait. Can I get your number?" napahinto ako sa sinabi ni Troy.
"Next time" hindi ko siya nilingon sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Big applause with standing ovation for me. Sa wakas nagtagumpay ang pagiging dalagang pilipina ko */wink.
Napapikit ako at napahinto sa paglalakad. "Just ask Au for my phone number" nilingon ko si Troy at ngumiti ng mataas. Sorry, marupok lang! */wink
©introvert_wizard
"Au!" masigla kong sigaw sa pangalang ni Au at inilingkis ang kamay ko sa braso niya.
"Bakit parang good mood ka?" nagtataka niyang tanong.
"Si Troy--I mean yung kapatid mo." pigil ang ngiti kong ani.
