—Chapter 4 : Friend and Insecurities—
"Kenny, crush mo na ba siya?" nagulat ako nang biglang magsalita si Aurora na nasa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang kasabay ng pagtawag sa akin ni Au ay ang paglingon sa aking gawi ni Luke. Mabilis pa sa kidlat kong ibinaling ang atensyon ko kay Au na ngayon ay nakakunot ang noo. Halos magdadalawang linggo narin matapos magtransfer si Luke at matapos yung nangyari sa ice cream pati yung video ko na kinuhanan niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" mahina kong sambit.
"Kanina kapa kasi nakatingin kay Luke. Akala ko ba hindi mo siya bet? Jusme nahulog kana ba sa taglay niyang kakisigan?" mapagbirong sambit ni Au. Lumingon ako sa harapan nang mapansing tapos nang magsulat si Ma'am sa blackboard.
"Aminin mo nalang Kenny na may gusto karin kay Luke. Hindi naman maipagkakailang ang hot hot niya. Ang sarap--rawr~" halos pabulong na niyang pang aasar. Nakatuon rin ang pansin niya sa harapan upang hindi kami mahuli ni Ma'am.
"Nagiisip lang ako ng paraan para makabawi sa ginawa niya sa akin. Huwag kang maissue Au." paliwanag ko kay Aurora.
"Before I dismiss you, let me remind you na malapit na ang midterm exam niyo. Make sure to study especially those scholars?" baling ni Ma'am sa akin. "Luke, I had already seen your report card. So the only reason you got into Labrador is because of your basketball skills. But dear, you also need to maintain your grades or else you'll be kick out in the varsity and in our Univ." baling ni Ma'am kay Luke at agad naman siyang tumango bilang sagot.
"Kenny, alam mo bang malapit sa inyo nakatira yang si Luke?" rinig kong sambit ni Au.
"Malapit sa amin? Hindi ko alam. Kahapon ba siya lumipat malapit sa amin? Nakikitulog muna ako kina Jay kaya hindi ko alam." sagot ko sa kaniya, napatango tango naman siya.
"Recess na pala Kenny. Tara punta tayo cafeteria" yaya niya sa akin na agad ko namang tinanggihan.
"Bakit na naman? Kahapon hindi karin nagrecess. Huwag ka ngang magalala, lilibre kita kaya samahan muna ako" pangungumbinsi niya sa akin.
"Masama kasi pakiramdam ko Au kaya matutulog muna ako dito" itinulak ko siya palabas ng room. Nagaalinlangan naman siyang maglakad paalis kaya tumango ako para kompirmahing okay lang ako. Walang choice si Au kundi ang pumunta sa cafeteria mag-isa. Paglingon ko sa pwesto ko napansin kong kami nalang ni Luke ang nasa loob ng room. Walang gana siyang nakatingin sa akin habang naglalakad ako palapit sa upuan ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa pagtitig niya. I really feel nervous and uneasy everytime he looks at me. I feel intimadated. Pagkaupong pagkaupo ko ay inilubong ko ang ulo ko sa desk at ipinikit ang mata ko.Habang nakapikit ang mata ko ay kinapa ko sa bag ko ang earphone at cellphone ko. Pagkatapos ay isinuksok ko sa kaliwa kong tenga ang isa sa earphone at nagpatutog.
"Are you really friends?" naimulat ko ang aking mga mata at napalingon kay Luke. Nakatuon ang tingin niya sa kung saan. Tingnan mo, kinausap niya ako pero hindi manlang niya ako magawang tingnan.
"Ako ba kinakausap mo?" panigurado ko. Natigil ako nang bigla siyang humarap sa akin. The ray of light coming from the sun was as if kissing his face that made him look dashing. I don't mean to exaggerate it but his face seems to be sparkling. It was as if a scene from a romantic comedy as a song titled "Close to You" coincidentally played through my earphone.
What the hell is happening to me?
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Bakla ka! Huwag mong sabihin infatuated kana sa lalaking to! Jusme! Bakla! Huwag! Hindi pa nga nakakalipas ang isang buwan simula nang magkakilala kami tapos mahuhulog na agad ako sa kaniya. No! Maybe, I'm just attracted with his looks. Yes, I admit it. He really is attractive.