—Chapter 11 : Shuta!—
Kenneth's PoV
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng tumama ang sinag ng araw sa maliliit na butas ng aming lumang yero. Nakangiti akong bumangad at nagunat-unat. Pagkatapos kong magunat ay naglakad ako papauntang bintana para buksan ito. Saktong pagkabukas ko ng bintana ay tumama sa mukha ko ang isang bola. Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakatama sa mukha ko. Inis akong tumayo at tiningnan kong sino ang nakatama sa akin. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Luke.
"Sorry" bulong niya sa hangin.
"YAH! Hintayin mo akong makababa diyan makakaisa ka talaga sa akin!" ilang beses akong napamura habang naglalakad pababa at mahigpit ang pagkakahawak sa bola ni Luke.
"Morning Na--" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Nanay dahil humarorot ako palabas para sugurin si Luke. Ang aga aga bwinebwesit niya ako.
"Sorr-" agad kong ibinato ang bola niya sa tiyan dahilan para matahimik siya.
"Tng ina naman! Nagsorry na nga yung tao." inis na ani ni Luke habang iniinda ang sakit.
"Bakit kasi naglalaro ka niyan umagang-umaga? Alam mo nang may natutulog pa!" pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi makapaniwalang napangisi si Luke at dahan dahan akong nilapitan. Sa bawat paghakabng niya palapit sa akin ay ang pagatras ng aking paa. Namalayan ko nalang na nakasandal na pala ako sa pader ng makaramdam ako ng malamig na semento. Napalunok ako ng mapagtantong walang pangitaas na damit si Luke. Mas lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko nang makita ko ang tumutulong pawis sa hubad niyang katawan.
"It's already 10 and you still call this early in the morning?" he said in gritted teeth. He locked me between his two hands at both sides. Pag may makakita sa posisyon namin ngayon for sure pagpyepyestahan kami ng mga chismosa. Mabuti nalang at mataas ang bakod ng bahay ni Luke at kahit ang gate niya ay walang kung anomang butas. "Kung ayaw mong madisturbo yung pagtulog mo, sa bundok ka tumira"
"Lumayo ka nga sa akin! Ang lagkit ng pawis mo!" nauutal kong sambit at malakas siyang tinulak.
"Baka nga hinubad mona pati shorts ko diyan sa isipan mo" mayabang niyang ani. Pinadilatan ko naman siya.
"ASA KA! HINDI KITA TYPE!" bulyaw ko sa kaniya.
"Huwag kang magalala, dahil kahit type pa kita hindi ako pumapatol sa bakla" tila may bombang sumabog sa harapan ko na nagpabingi sa akin nang marinig ko ang sinabi niya. Tila huminto ang utak ko sa pagproseso at napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Tanging ang malakas na kabog nalang ng puso ko ang nariririnig ko. Nakapako ang paningin ko sa mga mata niyang tila inaakit ako.
"Nak?" otomatikong humakbang palayo kay Luke ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Nanay. Sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ni Nanay, nakangiti namang lumapit siya.
"Ikaw ba yung bagong lipat?"
"Ah Opo" magalang na sagot ni Luke.
"Sumabay kana samin kumain" yaya ni Nanay napatingin naman sa gawi ko si Luke.
"Sige Nay, susunod nalang kami doon" hinila ko papasok ng bahay niya si Luke.
"Magbihis ka" ani ko.
"Bakit? Mas komportableng kumain nang nakahubad." dahilan niya.
"Sasabay sa pagkain natin sina Lolo at Lola. Matatanda nayun ayokong may makuha silang kung anong mikrobyo sayo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo maliligo at magpapalit ka ng damit." hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong umangal sa halip ay pilit ko siyang hinila papasok ng banyo.
