—Chapter 26: Do people change?—
[Year 2013]
Kenneth's PoV
"Now go to your assigned seats" deklara ni Teacher Mikee matapos kaming magbunutan.
Agad namang sumunod ang mga kaklase ko. 21. 21. Paulit-ulit kong sambit habang hinahanap ang pangdalawapu't isang upuan. By pair yung seating arrangement namin at may limang column. Umupo ako nang mahanap ko ang upuan ko. Nagkatinginan kami ni Jay nang mapagtantong nasa likuran ko lang siya.
"Alams na" makahulugang niyang ani habang umaaktong kumukopya sa akin. Napatawa naman ako sa ginawa niya. Napalingon ako sa tabi ko nang may umupo. Naglaho ang ngiting gumuhit sa labi ng mapagtanto kong sinong katabi ko.
"Hi" nakangiti niyang ani at umupo sa tabi ko. Inirapan ko lang siya at ibinaling ang atensyon ko kay Jay.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Jay nang makita niyang tumabi si Brian sa akin.
Yeah. Siya. Sh!t. Kung minamalas ka ba naman sa tatlongpu't siyam na kaklase ko siya talaga ang nakatabi ko. Mas gugustuhin ko pa atang makatabi si Tanda kaysa ditong sa homophobic na lalaking to. Unang araw ng pasukan stress agad ako. Hindi pa nakatulong na ang sakit sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay sisipunin ako.
Tinanguan ko lang si Jay bilang sgaot sa tanong niya. Napalingon ako sa tabi niya nang umupo doon si Luke.
"Mabuhay! Kung hindi kapa nakakakilala ng dyosa sa buong buhay mo, pwes may kilala kana ngayon. I'm Jay and I want you!" Maharot na pakilala ni Jay na ikinatawa ni Luke.
"Luke" simple niyang sagot. "So you're my seatmate?"
"Katabi mo. katulong mo. kargador mo. Kahit anong gusto mo gagawin ko para sayo. Kahit gawin mo pa akong upuan gagawin ko para sayo. Sit on me daddeehh" bulalas ni Jay na ikinatawa ko nang malakas. Kahit kailan talaga.
Napalingon ako sa likuran ko ng may tumapik. Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko nang makita ko si Au.
"Au!" Masigla kong sambit at mahigpit na niyakap siya.
"It's been so long. I've missed you." Saad niya.
"Ako rin. Miss na kita" sagot ko pagkatapos ng aming yakap.
"Bakit ka nga pala nalate?"
"Eh kasi"
"Kasi ang bagal niyang mag-ayos. Anak ng tet3ng isang oras ba naman akong paghintayin." Naiinis na sambit ni Troy na kakarating lang. Natawa ako dahil halata ang inis sa buong mukha niya.
"Nga pala, Au, Troy, si Jay" pakilala ko. Agad namang napatayo sa kinauupuan niya si Jay ng makita niya si Troy. Naku~Naku~Naku~
"Mabuhay! I Am-"
"What's with all the noise?" saway ni Teacher Mikee dahilan para agad na tumahimik ang buong klase. Sinenyasan ko naman sina Au at Troy na umupo nalang sa likod dahil wala naman sila noong nagbunutan. Napatingin naman ako kay Jay at napatawa.