—Mixed Signals—
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang room. Hindi parin maalis sa isipan ko ang nasaksihan kong break up ni Luke at Leah. Natigil ako sa paglalakad nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Bumungad ang nakangiting mukha ni Brian na may hawak na isang chocolate drink.
"Delivery for my special person" hindi ko namang maiwasan na mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Thank you" nahihiya kong sambit at kinuha ang chocolate drink na binili niya.
"Uhmmm—Kenneth?"
"Hmmm?" Napalingon ako sa kaniya pagkatapos kong humigop nung chocolate drink.
"Pwede bang—Kasi—Gusto ko sanang tanungin kung—If we could go out later after class." Natigilan ako sa sinabi niya. I mean mag iisang buwan narin pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako.
"A date. Just the two of us." Dagdag niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na ganito yung feeling nang may mag aya sayo sa isang date. Noon ini-imagine ko lang. Ngayon na andito. Why do I feel like it's not what I hoped for?
"I don't know, Brian. I feel like everything seems to be moving too fast." Nahihiya kong sambit. Nakita ko ang paglaho ng saya sa kaniyang mga mata. Hindi ko naman maiwasang hindi masaktan nang makita ko ang pagbabago sa mood niya.
Nagulat ako nang mapasubsub ako sa dibdib ni Brian nang may bumunggo sa akin. Tiningnan ko kung sino yung nakabunggo para pagsabihan. Ngunit hindi ko ito nagawa dahil sa matatalim na tingin na ipunukol niya sa akin—si Luke pala yung nakabunggo. Hindi kona nagawa pang pagsabihan siya at mukhang masama yung mood niya. Baka dahil ito sa nangyari kahapon.
Hindi ko namalayang humahakbang na pala ako palayo kay Brian at sumusunod kay Luke. Napahinto ako nang hawakan ni Brian ang kamay ko.
"I'll wait for you later" nakangiting sambit ni Brian. Binitawan niya ang kamay ko at maglakad papunta sa direkyson ng gym.
Agad hinanap ng paningin ko ang kinaruruonan ni Luke. Huminto ako nang makita ko siyang nakahiga sa damuhan sa ilalim ng isang malaking puno. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Care to explain kung anong nangyari kahapon?" Iminulat ni Luke ang mata niya at bumungad sa akin ang nakakatakot niyang tingin.
"What?" Mahihinuha sa boses niya ang labis na inis.
"Wow ha! Ikaw pa talaga yung galit , eh ikaw na nga itong may kasalanan." Hindi ako alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng inis. Marahil ay dahil sa malamig na pakikitungo niya sa akin ngayon at ng mga nagdaang araw. Nakaapekto nga ito sa tutoring session namin na parati lang nauuwi sa away.
"Why are you even here?"
"Ewan ko nga! Akala ko makakakuha ako ng matinong sagot sayo. Ano pa nga bang aasahan ko eh matagal kanang tarantado!" Inis akong tumayo at aalis na sana.
"You're defending him. Bakit jowa mo na ba yung gag0ng yun?" nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Mas dumagdag pa sa inis ko ang pag ngisi niya na parang iniinsulto ako.
"Oo! May pakialam ka?"
"No cause apparently I shouldn't be worried about you." Tumayo siya. "I thought we were friends?"
Friends. A word that felt like a dagger piercing right through my chest.
"Magkaibigan nga! Kaya nga tinatanong kita kung ano ang dahilan mo kung bakit mo siya sinuntok." Nararamdaman ko ang pamumuo ng kuha sa gilid ng mga mata ko.