❝Chapter 20 : The Line between Friends and Lovers❞
Kenneth's PoV
"Bata!" napalingon ako sa likuran nang marinig ko ang sigaw ni Luke. Nagmamadali siyang lumapit sakay ang bisekleta niya. "Sakay!" nakangiti niyang alok nang huminto siya sa harapan ko. Walang pagaanlinlangan naman akong umangkas sa likuran ng bisekleta. Humawak ako nang mahigpit sa upuan nang magsimula na siyang magpedal.
"Katatapos lang ng practice niyo?" tanong ko.
"Oo. May inaasikaso daw kasi si Coach, kaya pinauwi kami ng maaga." sagot niya. Napatangotango naman ako at tumahimik nalang.
"Bakit ang tahimik mo?" basag ni Luke sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa..
"Magdedeadline na kasi para sa bayarin ng kuryente, pero hanggang ngayon wala parin akong pera pambayad." walang gana kong lintaya.
"Hindi ba kakasweldo lang natin?" tukoy niya sa sweldong nakuha ko mula sa pagpapart-time sa café.
"Alam mo naman maliit lang ang sinasahod ko doon dahil part-time lang ako." Paliwanag ko.
"Wala ka bang ibebenta ngayon?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"I mean talong-gulay---Hindi ba nagtitinda ka nun" dugtong niya ng mapansing natahimik ako sa tanong niya. Napa-ah naman ako habang tumatango.
"Wala...Ubos na yung paninda naming gulay." Nagulat ako nang biglang hininto ni Luke ang bike at inilihis ito sa kaliwang banda. Pagkatapos ay agad siyang nagpedal at lumiko sa kaliwang daan.
"Saan mo ko dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa atin." Nagtataka kong ani.
"Kalimutan mo muna yang problema mo."
"Huh?-Ano bang pinagsasabi mo? Hoy!-" ani ko habang hinahampas ang likuran niya.
"Kumapit ka!" nakangiti niyang sigaw at mabilis na nagpedal.
"Luke! Bagalan mo!" gulat kong sigaw dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Napalunok ako ng mahawakan ko yung matigas at humuhulmang abs sa tiyan niya. Hindi ko maiwasang mamula at kabahan. Tanging ang malakas na kabog ng puso ang naririnig ko.
"Saan ba tayo pupunta?" ramdam ko ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Ilang minuto ang lumipas ay naaninag ko ang baywalk at ang kumikinang tubig dagat. Agad kong hinampas ang braso ni Luke.
"Hoy! Bakit nandito tayo?"
"Para magenjoy! You need to de-stress." Ramdam ko ang saya sa boses niya. Napatampal nalang ako sa noo ko.
"Anong de-stress? Hindi pa ako stress Luke. Namromroblema lang naman ako dahil malapit na ang deadline ng bayarin hindi pa ako stress."
"So you'll wait until you're stress before you have fun? Take a break. You need it." Napalunok ako ng maramdam kong sinsero siya sa kaniyang sinasabi.
"Pero-"
"No buts---" ani niya at mabilis na nagpedal. Muli akong napayakap sa kaniya. Napapikit ako at inihiga ang ulo ko sa likod niya kasabay nito ay pagguhit ng matamis na ngiti sa labi ko. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong huminto na siya sa pagpepedal.
"Nag-eenjoy ka yata sa pagyakap sakin" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at agad na humiwalay sa kaniya. Sunod ko naramdaman ang pagtama ng pwet ko sa buhangin. Pagmulat ko ay nakita ko ang nakalahad na kamay ni Luke. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumisi si Luke.
