-Chapter 07 : ASA!-
Kenneth's Pov
"Nak, pinapaalalahan lang kitang malapit na yung due date ng kuryente" bungad ni Nanay sa akin paglabas ko ng kwarto.
"Opo Nay. Susweldo rin naman ako ngayong sabado." sagot ko habang inaayos ang uniform. Nakangiti akong lumapit sa mga kapatid ko.
"Asan si Tito, Nay?"
"Nandoon kina Pareng Baldo" sagot niya at nagpatuloy sa pagkain."Nga pala Nak. Bakit hindi ka magsideline diyan sa kapitbahay natin?"
"Kapitbahay? Wala namang tumitira diyan sa tabi Nay." ani ko habang tutok ang atensyon ko sa bunso naming kapatid na si Aldrin. Nakangiti ko itong sinusubuan ng pagkain at ng ulam naming itlog.
"May lilipat diyan sa linggo, naghahanap daw ng taong maglilinis sa bahay niya. Naisipan kong ikaw nalang ang gumawa lalo na't hindi pa sapat yung kinikita mo sa pagtratrabaho mo sa restaurant" inilapag ko ang kutsara at napatingin kay Nanay na patuloy paring kumakain.
"Ganoon po ba? Sige, pagiisipan ko po" nakangiti kong ani. Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko.
"Gusto mo pa?" sambit ko at gigil na gigil na kinurot ang pisngi ni Aldrin. Nakangiti naman itong tumango habang pinapahiran ang pisngi niyang may kanin.
"Huwag ka nang magisip. Sinabi ko nang ikaw talaga ang gagawa ng trabahong iyon. Bakit ka pa mag iisip? Alam mo namang kapos tayo sa pera kailangan mo kumayod ng doble." nakaramdam ako ng kunting kurot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi Ni Nanay.
"Ganoon po ba..." sagot ko."Alis na po ako" pahabol ko at tumayo na. Ginulo ko ang buhok ni bunso dahilan para mapabungisngis ito.
"Hindi ka ba kakain?" rinig kong sigaw ni Nanay.
"Hindi na po" pabalik kong sigaw. Malalim akong huminga pagkatapak ko sa labas ng bahay namin.
GOOD MORNING KENNETH! sambit ko sa isipan ko at gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Sinabayan ko ito nang pag-unat ng kamay ko, pagkatapos ay naglakad na ako papasok sa paaralan ko.
Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad ako papuntang Labrador. Malalim akong nagiisip habang nakayuko nang bigla akong bumangga.
"Sorry" hinimas himas ko ang noo ko dahil medyo malakas ang pagkakatama ko sa likod ng taong mabunggo ko. Naramdaman kong humarap sa akin ang lalaking nabunggo ko. Napatingala ako at otomatikong nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mukha ni Luke.
"Bulag ka?" sambit niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ano sa tingin mo?" problema niya ba? Umagang umaga ang init ng ulo niya. Para rin tong babae si Luke, kahapon lang ay ang ganda ng pakitungo niya sa akin tapos NGAYON---ARRGHH! Ang sarap talagang tirisin ng lalalaking ito. Akala ko ay sasagot pa siya sa akin pero walang pagaalinlangan niya akong tinalikuran pagkatapos ay naglakad siya paalis.
Inihiga ko ang sarili ko sa damuhan at ginawang unan ang kaliwa kong kamay. Napapikit ako dahil bahagyang tumatagos ang sinag ng araw sa mga dahon ng puno. Ang sarap talaga sa pakiramdam kung nag iisa kalang sa isang tahimik na lugar. Lalo pa at pagod na pagod ako dahil tatlong oras yung PE namin. Sa lahat talaga ng subject sa PE talaga ako kulelat dahil hindi ako sporty na tao. Idagdag mo pang may pasayaw sayaw sa PE, yan talaga yung pinakakahinaan ko. Alam mo yung feeling na yung sasayaw ka nalang para sa grades. Hayst~ Naramdaman kong may tumabi sa akin. Iminulat ko ang aking mata at napatingin sa gilid ko. Hindi ako nagkakamali sa hinala ko, si Au nga yung tumabi sa akin.