Chapter 29

23 2 0
                                    

Disclaimer: Didn't have the time to proofread this chapter so expect typographical and grammatical errors ahead! Enjoy reading(〃゚3゚〃)

-Pressure-

Kenneth's PoV

"Bruha!" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Jay.

"Oh?" Hinintay ko siyang makalapit sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka lumilingon, muntikan ko nang ibato tong libro sayo." bahagya akong natawa at nagpatuloy maglakad, sumunod naman siya. "Kabog! Silent night!" Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad "Ano bang iniisip mo? Pumunta ako sa inyo kanina, tinanong ni Tita kong sa amin kaba natulog dahil umaga kana nakauwi."

"Uh-Uhm-Kase-Ahm"

"Ano natatae kaba o umuungol?"

"Baliw!"

"So ano? Nasaan ka kagabi?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Sa bahay ni Luke."

"Pvke!" Gulat niyang sigaw na sinundan nang matinis na tili.

"Kumalma ka nga bruha!"

"P0kp0k ka! Magdamag kang nasa bahay ni Luke? Nilalamangan mo na ako! Nakakaproud!" Eksaherada niyang lintaya na umaarteng naiiyak. "I'm very proud of you, certified p0kp0k kana."

"Kung ano ano sinasabi mo! Sinamahan ko lang siya dahil ang taas ng lagnat niya. Walang nangyari sa iniisip mo." Humiwalay ako sa kaniya at nagsimulang maglakad.

Sa bawat hakbang na ginagawa ng mga paa ko ay gumuhit sa aking isipan ang nangyari kagabi.

Napadaing ako ng malakas pagkatapos kong ihiga si Luke sa kama niya.

"Ano bang nagyari dito? Bakit ang taas ng lagnat?" Tanong ko sa kawalan. Muli kong nilapat ang kamay ko sa noo niya at nakompirmang sobrnag taas ng lagnat niya.

Pumunta ako sa kusina ng bahay ni Luke para kumuha ng maaligamgam na tubig at face towel. Pagkakuha ko ay agad akong bumalik sa kwarto niya para punasan siya.

Iniloblob ko ang face towel sa maaligamgam na tubig at pinahirang mukha niya. Tila may kuryenteng dumadaloy ss buong katawan ko sa bawat lapat ng panyo sa mukha niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa taglay na kagwapohan ni Luke. Kapansin pansin ang pagbabago sa kulay ng labi niya dahil ngayon ay bahagyang mapula na ito.

Hindi ko namalayang na hinahaplos na pala ng daliri ko ang mukha niya na wari'y ginuguhit ito.

Bahagya akong napatawa sa ginagawa ko.

"Kung alam mo lang tong ginagawa ko ngayon. For sure aasarin mo ako."

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon