Chapter 03

28 3 0
                                        

-Chapter 3: Ice Cream-

"BENTE?" hindi makapaniwala kong ani nang makita ko ang bente pesos na ibinigay niya sa akin. "Seryoso ba siya?BENTE!" inis kong tiningnan ang pigura niyang unti unti nang nawawala.

"Hoy! Tumigil ka! HOY!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kaniya. Agad ko siyang hinarang nang maabutan ko na siya. Napahinto siya at nagtataka akong tiningnan.

"Ano to?" itinaas ko at ipinakita sa kaniya ang benteng ibinigay niya sa akin.

"Bente" direkta niyang ani at pinukulan ako ng walang ganang titig.

"Alam kong bente to! Ang pinagtataka ko kung bakit bente lang yung ibinigay mo? Isang bilao! ISANG BILAONG TALONG YUNG NASAYANG DAHIL SAYO TAPOS BENTE LANG IBIBIGAY MO!" inis kong bulyaw sa kaniya.

"Sa pagkakaalam ko dalawa lang yung nadurog ko yung iba nasayang dahil sa katangahan mo" hindi makapaniwala akong natawa dahil sa sinabi niya na walang bahid ng pagaalinlangan ang mararamdaman.

"Anong sabi mo?"

"So you aren't just stupid you're also deaf" naikuyom ko ang bente pesos na ibinigay niya dahil sa sobrang inis.

"Sumusobra kana!" sigaw ko. Nagpakawala ako ng suntok pero agad siyang nakailag. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang kamay ko. Sa isang iglap ay bigla niyang inikot ang kamay ko kasabay nang pag angat ko sa ere, pagkatapos ay inihagis niya ako sa kalsada. Nakaramdam ako nang sobrang sakit sa aking likuran dahil sa malakas na pagkakatama ko sa kalsada. Agad siyang pumaibabaw sa akin at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Kung susuntukin mo ako, siguraduhin mong tatamaan mo ako dahil sa oras na magkamali ka at maubos ang pasensya ko kaya kitang lumpuin." mahina niyang bulong na nagbigay nang kakaibang kilabot sa aking katawan. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko nang tumayo na siya. Mula sa kinahihigaan ko ay kitang kita ko ang kakaibang awra na bumabalot sa kaniya habang nakatayo siya at walang emosyon na nakatitig sa akin. Walang boses na lumalabas sa aking bibig---labis din ang pawis na lumalabas sa akin---rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng aking puso--ang lahat ng ito ay nararamdaman ko dahil sa nakakatakot na presensya ng lalaking nasa harapan ko. Nakapako ang paningin ko sa kahit anong kilos na gagawin niya. Dinukot niya sa bulsa niya ang isang wallet at kumuha ng limang daan dito. Inihagis niya sa aking mukha ang perang iyon kasabay ng nakakatakot na ngisi. "Ayan panggamot mo. I don't want to hear you whining again over money. Huwag na huwag mo na akong lalapitan, naiinis ako sa mga katulad mo" walang pagaalinlangan siyang naglakad paalis hindi alintana ang kalagayan kinakaharap ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa sinabi niya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at namimilipit sa sakit na tumayo.

"Akala mo naman lalapitan kita ulit. Sayo nayang bente at limang daan mo." sigaw ko at ibinato ko sa kaniya ang naikuyom kong bente at limang daan. Akala ko ay hihinto siya dahil sa ginawa ko subalit nagpatuloy lang siya sa paglalakad paalis. Napasigaw at napasabunot nalang ako sa sarili ko out of frustration and anger. Paikaika akong naglakad, dinukot ko ang lumang cellphone ko na basag na ang screen mula sa bulsa ko. "Bruha?" nanghihina kong bungad kay Jay.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang nanghihina ka?" nagaalala niyang tanong. Narinig ko ang kalabog ng mga pinggan at kalansing ng mga kubyertos. Mukhang nasa trabaho pa siya.

"Pwede bang sa inyo muna ako makitulog?" tanong ko habang inaalalayan ng kamay ko ang balakang kong napuruhan sa malakas na pagkakabagsak ko.

"O--Oo naman---Pero---Ano bang nangyari sayo? May problema ka ba?" nauutal niyang ani. Halata sa tono ng pananalita niya ang labis na pagaalala.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon