❝Chapter 21: The Beginning❞
Kenneth's PoV
"Bwesit ka Luke!" Inis kong sigaw at napaupo sa gilid ng daan. Halos mag-iisang oras narin akong naglalakad pauwi. Hindi ko nga alam kong tama itong kalyeng dinadaanan ko dahil hindi naman ako palagala. First time ko palang nga ata pumunta doon sa dagat na iyon. Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom.
"Nasaan na ba ako? Malayo pa ba yung bahay namin? Bakit kasi ako iniwan ni Luke? Pwede niya naman iwanan ako malapit sa school! Nakaka-asar talaga! Huwag talaga siyang magpapakita sa akin dahil gigilitan ko ang leeg niya!" Bakit ba kasi ako sumama sa kaniya!? Gutom na nga ako, basa pa ako dahil nagtampisaw kami kanina sa tubig. Wala rin akong pamalit kaya wala akong choice kung hindi suotin yung pinanligo kong uniform. Napapikit nalang ako dahil sa labis na inis at yumuko.
"Mukhang maling desisyon atang binalikan kita." iniangat ko ang tingin ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Luke. Nakasakay ito sa kaniyang bike at nakangisi habang nakatingin sa akin. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang sapatos ko at ibinato sa kaniya. Agad niya naman itong hinarang gamit ang kamay niya dahilan para ito ang matamaan."Mabuti at naisipan mo pang bumalik! Alam mo ba kung ilang minuto na akong naglalakad!?" inis kong bulyaw sa kaniya.
"53 minutes"
"Huh?"
"53 minutes ka nang naglalakad" nakangiti niyang ani habang nakatingin sa relo niya.
"Ay pisti!" Madiin kong mura dahil sa labis na inis na nararamdaman ko.
"Sasakay kaba o hindi?" Tanong niya.
"Tinatakot mo ba ako?" Nakataas ang kilay kong ani.
"Ah ayaw mo?" Ani niya at aakmang magpepedal na. Agad akong umangkas sa bike niya dahilan para lumitaw ulit ang nakakainis na ngisi niya.
"Bakit kasi iniwan mo ko kanina!?" mahihinuha sa aking boses ang labis na inis.
"May importante lang akong inasikaso" sagot niya.
"May nangyari ba sa girlfriend mo?" agad siyang napahinto sa pagpedal dahilan para tumama ang noo ko sa likuran niya.
"Paano mo nalaman?" taka niyang tanong.
"Narinig ko lang" sagot ko habang hinihimas ang noo ko.
"It was nothing—you don't need to think about it." English? Mukhang seryoso yung nangyari sa kanila.
"Sino ba kasing nagsabing iniisip ko'yon?" dipensa ko.
"Baba" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano? Bakit iiwan mo na naman ako? Hindi! Ayaw ko! Hindi pwede! Magkamatayan na tayo!" Madiin kong pagtanggi at niyakap siya nang mahigpit. Ganoon ba ka sensitive yung issue nilang magjowa para pababain niya ako dahil lang nabanggit ko iyon?
"Ano bang pinagsasabi mo? Bumaba ka at magpalit." Nakakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. Ngumuso siya kaya napalingon ako doon sa nginunguso niya. Nakita ko ang isang public Cr, napa-"ah" ako at napatango.