Disclaimer: Didn't have the time to proofread this chapter so expect typographical and grammatical errors ahead! Enjoy reading(〃゚3゚〃)
—Drifted—
~Year 2013~
Kenneth's PoV
Lumingon ako sa likuran, sa harap, sa kaliwa, sa kanan. Napabuntong hininga ako nang masiguradong wala si Luke. Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Luke nakatulong na hindi siya masyadong pumapasok dahil papalapit na ang basketball tournament kaya puspusan ang ensayo nila. Hindi ko alam kung napansin niya na ilang ako sa kaniya—na pinipilit kong layuan siya—na tinataguan ko siya.
Bahala na! Basta alam ko tama itong ginagawa ko. I need to stay away from him. I need to focus on myself. Hindi ko hahayaang mawala ang scholarship ko.
Rumehistro sa isipan ko ang mga pangyayari kung saan sinesermunan ako ni nanay at pinagsasabihan kung gaano kahalagang makapagtapos ako sa pag-aaral. Mahirap kami pero malaki ang kagustuhan ng pamilya kong matapos ako sa pag-aaral. Kaya ganito nalang kahalaga sa akin ang scholarship na ito dahil nagpapagaan ito sa gastusin namin.
Akmang hahakbang na ako nang biglang may pumarang motor sa harapan ko. Napamura ako sa isipan ko nang mapantantong si Luke ito. Anong gagawin ko? Talk about timing. Kung kailan ayaw ko siyang makita ngayon naman siya sumulpot.
Anong gagawin ko? Should I just walk straight as if hindi ko siya nakita? Tama! Tama! Tumango tango ako sa isipan ko.
Napapikit ako nang may humawak sa likuran ko dahilan para mapahingo na naman ako sa paglalakad. Pikit mata kong liningon si Luke na ang maaninag lang ay ang kaniyang mata dahil sa suot nitong helmet. Mahihinuha sa tingin niya ang pagkalito marahil dahil sa inasta ko.
"Oh Luke! Andyan ka pala hehe" awkward kong sambit.
"Are you avoiding me?"
"Hindi" mabilis kong pagtanggi.
"Ganoon ba. Sabay na tayong umuwi." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bag ko at napalingon sa motor niyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
"Wag na" tinalikuran ko siya pero bigla niya akong hinatak papalapit sa motor niya.
"Ano ba! Sabi nang ayaw ko!" Bigla akong nakaramdam ng labis na inis.
"Sorry" sinsero niyang sambit na nagbigay ng kirot sa puso ko.
"Just give me space. Need kong magfocus sa sarili ko." Mahinahon kong sambit at tinalikuran siya.
"Is this your way of saying that you don't want to see me anymore." Natigilan ako sa sinabi niya. Tila mga espadang nagpapaunahang tumusok sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya.
"Kung yan ang gusto mo. Have it your way." He said with a cold tone. Sunod ko nalang napansin ay ang paghururot ng motor niya sa gilid ko.
I watch as his figure fade, the way he slowly fade away from my life.
~Year 2023~
"The end~" buong sigla kong sambit sa harapan ng klase. Bahagya akong natawa nang makita sa mukha ng mga estudyante ko ang gulat.
"Sir, yun na yon? What happened to Luke?" tanong ni Alexa, isa sa mga estudyante ko. Senegundahan naman siya ng mga kaklase niya sa pamamagitan nang pagtango.
"What happened to Luke? Ewan. Teka bakit mas curious pa kayo kay Luke kesa sa akin. It was the story of my youth not Luke's." Pabiro ko silang pinandilatan. "Luke was just a part of my youth. A small fragment of a bigger part of my youth—of my life."