Chapter 18

22 4 0
                                    

❝Chapter 18 : Mamboboso❞

Kenneth's PoV

"What was that?" tanong ni Luke sa akin na ikinapikit ko, tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Anong what was that?" inis kong tanong. "Tinulungan kita. Bakit nagtatanong kapa? Kailangan mong iimprove yung grades mo at sadyang gusto akong utusan ni Ma'am na itutor ka, kaya umoo ako. Anong hindi mo magets doon?"

"Why are you helping me?" Napafacepalm nalang ako sa isipan ko dahil sa kakulitan ni Luke. Bakit ba dumadagdag pa siya sa iniisip ko? I'm already frustrated, dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Troy.

"Tutulungan kita para pambawi sa ginawa mo kahapon."

"But--" Agad kong tinakpan ang bibig niya ng kaliwa kong kamay at hinila sa sulok nang makita kong paparating sa gawi namin si Troy. Hinihingal akong humarap kay Luke at napalunok nang mapagtantong tanging ang kamay kong nakatakip sa bibig niya ang naghihiwalay sa mukha namin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin. Doon ko lang napagtanto na sobrang ganda pala ng mata ni Luke at tila hinihigop ako nito palalapit sa kaniya. Agad akong humiwalay sa kaniya at nahihiyang tumalikod. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pasimple akong sumilip para tingnan si Troy. Nang mapansing wala siya ay agad akong tumakbo papuntang room.

Papasok na ako ng room nang bumungad sa harapan ko si Troy dahilan para manlaki ang mata ko. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok dahlil sa kaba. Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng ilang butil ng pawis mula sa noo ko.

"Kenne--"

"Troy, Let's talk about it next time" putol ko sa sasabihin niya at agad siyang nilampasan.

"I was just going to ask you what happened yesterday" napahinto ako sa sinabi niya at hinarap siya.

"Ano? Anong sabi mo?"

"Tatanungin sana kita kong anong nangyari kahapon. The truth is, I was drunk yesterday. Uminom ako kahapon bago maglaro kaya nga mabilis akong pinalitan ni Luke." nahihiya niyang ani habang kumakamot sa ulo niya. Tila bumagsak ang puso ko sa talampakan ko kasabay nang pagbukas ng bibig ko dahil sa gulat. All this time, I was hiding from him because of what happened yesterday pero hindi manlang niya iyon maalala. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kagagahang ginawa ko. The only good thing, is that I didn't take what he did yesterday seriously. Muntik na akong umasa. Good thing I was in my sane mind.

"Ganoon ba" I uttered with a bit of disappointment. Hindi ko naman maiiwasang hindi maramdaman iyon. After all I'm just a human. "Wala namang importanteng nangyari." Liar. I plastered a fake smile and went on my seat feeling defeated.

"Kenny, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Au.

"Ang tanga ko" bulalas ko at sinubsob ang mukha ko sa desk.

Buong klase ay wala akong ganang makinig sa discussion. Mabuti na nga lang ay wala ni isa sa mga teacher ang nagpaquiz dahil kung nagkataon ay baka bumagsak ako. Kasalukuyan akong magisa sa room dahil recess time. Niyaya ako ni Au pero tinanggihan ko dahil wala akong ganang kumain. Paulit ulit kong tinatama ang noo ko sa desk ngunit mahina lamang ang ginagawa ko. Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang may kamay na humarang sa noo ko. Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko ang nakakunot ang noong si Luke.

"Nababaliw kana ba?" seryosong ani niya.

"Baka" walang gana kong ani at tinapik ang kamay. Muli kong isinubsob ang mukha ko sa desk.

"Akala ko ba ay itutor mo ako" bigla akong napalingon sa kaniya na hindi parin iniaangat ang ulo ko mula sa desk.

"Bukas--bukas nalang tayo magsimula" sagot ko.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon