-Chapter 10 : The New Neighbor-
Kenneth's PoV
Abala ako sa pagtatali ng sintas ng sapatos ko nang may malamig na bagay ang idinikit sa pisngi ko. Tila nakuryente ang buo kong katawan dahil sa lamig. Inis kong binalingan ang bagay na iyon at bumungad sa akin ang isang iced coffee na hawak hawak ni Luke. Otomatikong nawala ang kunot sa noo ko at gumuhit ang ngiti sa labi.
"Naks naman Tanda, Thank you" abot langit ang ngiti kong sambit sa kaniya habang inaabot ang iced coffee na binili niya. Humigop ako ng kaunti na nagbigay ng kakaibang kilig sa buong katawan ko. Nagtataka akong napatingin kay Luke na patuloy paring nakatayo sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko sabay sabing,"60 pesos plus delivery fee na 10 pesos, 70 pesos lahat bata" Mahina akong napamura ng mapansing seryoso siya sa sinasabi niya.
"Ayan saksak mo sa lalamunan mo!" inis kong iniabot sa kamay niya ang isang daan. Otomatikong gumuhit ang ngisi sa labi niya, isinuksok niya sa bulsa ang isang daan at umupo sa tabi ko. Nakataas ang kilay kong binaling ang paningin ko sa kaniya.
"Sukli ko?" inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Halos kumawala sa dibdib ko ang puso ko nang makita ko ang sunod niyang ginawa. Mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa palad ko at hinalikan ito. Tila may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan na nagbigay ng kakaibang saya. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa kamay ko. Ano ba ang ginagawa ng lalaking to? Bakit niya paulit ulit na binabaliw ang mga gay hormones ko?
"Bente para sa sightseeing mo kanina at sampo para sa halik ko. Dapat nga may utang ka sa akin dahil mahal yang halik ko." mayabang niyang sambit at sumipsip ng inumin niya.
"Kung isaksak ko kaya itong straw sa mata mo!" inis kong ani at itinutok sa kaniya ang straw ng inumin ko.
"Kung ikaw kaya tusukin ko?" makahulugan niyang ani at kinindatan ako.
"Che!" mataray kong ani at tumayo.
"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Luke. Hindi ko siya nilingon sa halip ay itinaas ko ang kaliwa kong kamay at iwinagayway ito hudyat na nagpapaalam na ako sa kaniya.
Matapos kong ibaba ang kamay ko ay nakangiti akong naglakad paalis. Pasimple akong napatingin sa likuran ko nang tila may sumusumunod sa akin. Humarap ako kay Luke dahilan para mapahinto siya.
"Sinusundan mo ba ako?" nanliliit ang mata kong sambit.
"Asa" walang gana niyang ani at nakapumulsang naglakad paalis.
Nakakunot ang noo ko habang nakapako ang buong atensyon ko sa malapad na likod ni Luke. Bakit pareho yung lugar na dinadaanan niya sa lugar na palagi kong tinatahak pauwi sa bahay? Nakatira ba talaga siya malapit sa amin? Habang papalapit nang papalapit kami sa bahay ay mas lalong nagsasalubong ang dalawa kong kilay. Napaawang ang bibig ko ng huminto si Luke sa bahay rentahan na katabi ng bahay namin.
"Ikaw yung bagong lipat?" Hindi makapaniwala kong ani at naglakad sa tabi ni Luke. Abala siya sa pagbukas ng kandado ng gate, nakangisi naman akong napatingin sa rinentahan niyang bahay. Pagkaharap na pagkaharap ni Luke ay bumungad sa kaniya ang nakangisi kong mukha. Nakakunot ang noo niyang napatingin sa akin. Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi ko. Itinapat ko ang kanan kong kamay sa dibdib ko at magalang na yumuko sa harap ni Luke.
"Good evening Sir, ako nga pala ang tutulong sayo para ayusin ang bahay mo" masigla kong ani at parang sundalong sumaludo kay Luke. Hindi makapaniwalang napapikit si Luke at tila napamura sa isipan niya.
"Let's just do it tomorrow" mahina niyang sambit at akmang isasara na ang gate ng bahay niya nang bigla kong iharang ang kamay ko.
"May gagawin po ako bukas Sir. Ngayong gabi lang po ako may oras" pilit ang ngiti kong ani habang isiniksik ang katawan ko papasok ng bahay niya.
