❝Chapter 15 : Weird Feeling❞
Kenneth's PoV
"Bata" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Luke. Inis akong tumingin sa kaniya at hinintay kong ano man ang sasabihin niya.
"Sama ka sakin" nahihiya niyang ani.
"Saan?"
"Palengke" napakunot ang noo ko sa sagot niya.
"Ano naman gagawin natin doon?" taka kong tanong at naglakad papunta sa kaniya.
"Bibilhan kita ng bag mukhang nasira ko" napapakamot sa ulo niyang ani.
"Mukha lang? Nasira mo kamo!" inis kong ani at ipinakita sa kaniya ang bag kong may iba't ibang tapal na tela dahil sa dami ng butas nito. Pabiro naman siyang natawa at hinablot ang bag ko.
"Naks marunong ka palang magopera" pagaasar niya habang tinitingnan ang mga itinapal kong tela.
"Che! Tara na, hindi ko tatanggihan yang alok mo." inabot ko yung bag ko na agad niya naman binitawan. Hindi ko naman ikakaila na kailangan ko ang bag. Dapat lang na si Luke ang magbayad dahil siya naman ang nakasira at isa pa nagtitipid ako ngayon. Nakangisi kong sinukbit sa balikat ko ang bag at naglakad papuntang palengke.
Muli akong napahinto nang humarang sa harapan ko ang bisekleta ni Luke. Nagtatanong naman ang aking mga mata na tumingin sa kaniya.
"Sakay" ani niya at ininguso ang likuran ng bisekleta niya.
"Hindi ako marunong umangkas nang nakatayo--" napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin kong may upuan na pala sa likuran ng bisekleta niya. Madalas kong makita yung bisekleta niya na nakaparada sa bakuran niya at hindi ako nagkakamali na wala itong angkasan. Nakapagtataka na biglang nagkaroon ito ngayon.
"Angkas na" muli niyang anyaya. Nagaalangan naman akong lumapit sa kaniya at patalikod na umangkas.
"Let's Go!" excited kong sambit na nakataas ang kaliwa kong kamay sa ere habang ang kanan ay nakahawak sa upuan.
"Bakit ka nakatalikod?" takang tanong ni Luke. Hindi ko naman siya magawang lingonin dahil nakatalikod ako sa kaniya.
"Gusto ko lang iappreciate yung view dito sa likod. Huwag ng madaming tanong! Larga na!" naeexcite kong utos na bahagyang tinatapik pa ang upuan na parang kabayo. Narinig ko naman ang mahinang pag-tssk ni Luke. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magpedal.
"Bibili lang ba tayo ng bag?" tanong ko habang abala sa pagtingin sa paligid.
"Bibili narin ako ng gamit ko sa bahay" naalala kong kaunti lang pala yung gamit ni Luke sa bahay niya.
"Para! Para! Itigil mo muna!" tumama ang likuran ko sa likod ni Luke dahil sa biglaang pagpreno niya.
"Bakit?" halata ang inis sa tono ng pananalita niya. Bumaba ako at pumunta sa harapan.
"Libre mo ako" nakangiti kong ani habang tinuturo ang ihawan.
"Barbeque? Akala ko hindi ka kumakain niyan" napakunot ang noo ko sa sagot niya. Paano niya nalaman na hindi ako kumakain ng barbeque? "Kumakain kaba niyan?" pagiiba niya.
"Hindi, pero hindi naman barbeque yung ipapalibre ko. Nagbebenta rin kasi sila ng fishball at kwekwek yun sana ipapalibre ko. Pero teka nga, Paano---" bago ko paman matapos ang sasabihin ko ay agad siyang bumaba sa bisekleta niya.
"Tumahimik kana diyan. Tara na" inakbayan niya ako at naglakad kami papunta sa tindahan.
Weird---