❝Chapter 17 : Let Me Help You❞
Kenneth's PoV
"Tito" magalang kong sambit at nagmano sa kaniya nang madaanan ko siya papuntang tindahan ni Aling Marites.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Tito pagkatapos tunggain ang iniinom niyang isang baso ng alak.
"May bibilhin lang po sa tindahan nina Aling Marites" masigla kong sagot na akmang aalis na nang tumayo si Manong Berto, isa sa kainuman ni Tito.
"Bakit hindi ka muna tumagay, kahit kunti lang" anyaya ni Manong Berto na inakbayan pa ako. Bumungad sa akin ang amoy ng pawisang matandang lalaki na hinaluan ng amoy ng alak. Bahagya akong umatras pero mas hinigit lang ako ni Mang Berto palapit sa kaniya.
"Huwag na po. Hindi kasi ako umiinom." madiin kong pagtanggi.
"Sige na Kenneth. Pagbigyan mona iyang si pareng berto, kahit isang baso lang"
"Pero Tito ayaw ni nanay na uminom ako tsaka ayoko rin pong uminom" paninindigan ko at tinaggal ang kamay ni Mang Berto na nakaakbay sa akin.
"Huwag kang magalala hindi ko naman sasabihin sa nanay mo. Huwag mo ring sabihin na ayaw mong uminom. Lumalaki kana kailangan mong uminom kagaya ng mga batang kaedaran mo."
"Sorry talaga Tito. Ayoko po" Madiin kong pagtanggi.
"Wala Pare. Bakla talaga yang pamangkin mo! HAHAHAHA" natigilan ako sa hirit ni Mang Berto.
"Oo nga Lando, bakla yang pamangkin mo! HAHAHAHAHA" segunda ng isa sa kainuman nila. Nakaramdam ako nang labis na inis dahilan para maikuyom ko ang kamay ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa gitna ng kabi-kabila nilang pagbato ng insulto tungkol sa kasarian ko.
"Kenneth, bakla kaba?" tila bombang sumabog sa harapan ko na nagpatigil sa buong katawan ko ang naging biglaang tanong ni Tito. Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa noo at batok ko. Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko. Hindi ko magawang tumanggi o sumang-ayon dahil tila napipi ako.
"Tol!" agad akong napalingon sa likod ko nang may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiting si Luke na may hawak na bola. Mukhang magbabasketball siya dahil nakasuot siya ng unipormeng pambasketball.
"Luke?"
"Hi Tito Lando!" masiglang bati ni Luke kay Tito at nakipagfist bomb. Nakipag-apir naman sa kaniya ang kainuman ni Tito na animo'y kabarkada lang niya.
"Bakit ang tagal mong bumalik sa court?" seryosong tanong ni Luke. Napakunot ang noo ko at makahulugan siyang tiningnan, tinatanong kong ano ang ibig niyang sabihin.
"Ano bang gagawin niyo Luke?"
"Niyaya kasi ako nito na magbasketball. May bibilhin lang daw siya pero ang tagal ko nang naghihintay doon sa court hindi parin bumabalik kaya sinundo kona." paliwanag ni Luke na mas lalo lang nagpagulo sa akin. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko magawang tumingin kina Tito dahil baka mahalatang hindi ko alam ang sinasabi ni Luke.
"Hindi pala bakla itong pamangkin ni Lando. Narinig mo iyon, nagyaya pang magbasketball." Tila nabunutan ako ng malakaing tinik sa dibdib nang sabihin iyon ng kainuman ni Tito.
"Syempre! Walang bakla sa pamilya namin." buong pagmamalaking anunsyo ni Tito. "Sige Luke, kunin mo nayang si Kenneth nang makapaglaro na kayo"
"Sige po. Alis na po kami." Hinawakan ni Luke ang kamay ko at hinila palayo kina Tito.
Pasimple akong napatitig sa mukha niya kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang pangiinit ng katawan ko kasabay ng pamumula ng pisngi ko. Did he just save mefrom that nerve-racking situation?