-I'm Dead-
[Year 2014]
Kenneth's PoV
"Aldrin! I-abot mo nga sa akin yung sandok" pinahiran ko ang noo kong pinagpapawisan. Kasalukuyan akong nagluluto para sa pananghalian ng mga kapatid ko. Wala si Nanay na kina Tita Kelly habang si Tito naman ay nakikipag-inuman sa kanto.
"Aldrin! Bilisan mo." Ibinaba ko ang kamay ko hinihintay na iabot niya ang sandok. Nakarinig ako nang yapak kaya sinenyasan ko siya gamit ang kamay ko na lumapit. Nakatuon ang buong atensyon ko sa niluluto ko.
Haharap na sana ko nang biglang may humawak sa kamay ko.
"Ang sarap naman ng pananghalian ko" nagbigay ng kakaibang kiliti ang boses ni Luke. Nasa likuran ko siya, hawak niya ang kamay ko.
"Puro ka kalokohan" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang iabot niya ang sandok na agad ko namang inabot. Nakiliti ako nang parang inamoy niya ang braso ko papuntang leeg.
"Magtigil ka nga" saway ko sa kaniya at humarap sa kaniya. Tila nakakulong ako sa magkabila niyang kamay na nakapatong sa lamesa. Napatingin ako sa mata niyang nakatitig sa—labi ko?
Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok sa loob lamang ng limang segundo habang iniisip kong ano ang sunod niyang gagawin. Pinilit kong makaalis sa pagkakakulong ngunit mas pinaglapit lang niya ang magkabila niyang kamay dahilan para mapaatras ako papalapit sa kaniya.
"I'm curious how your lips would taste like" napalunok ako sa sinabi niya na sinundan ng mabilis na kabog ng puso ko. Naramdaman ko ang pamamawis ko nang unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kaba at saya. Ang hirap iexplain parang nablablangko ang isipan ko at ang atensyon ay nakapukol lang sa labi niya. Napapikit ako nang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.
"Kuya" Agad kong iminulat ang mata ko kasabay ng pagtulak ko kay Luke. Napalingon ako kay Aldrin na ngayon ay nakatayo sa harapan namin. Hindi ko magawang makapagsalita at hinintay lang ang sunod niyang sasabihin. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Naiisip ko palang ang maaring mangyari pagmalaman nina Nanay ang tungkol sa amin ni Luke ay kinakabahan na ako.
"Ito na yung—ah may sandok kana pala kuya" gumuhit ang pagkalito sa mukha ko sa sinabi ni Aldrin. Hindi ko alam kong umaakto lang siyang hindi niya nakita yung sa amin ni Luke o wala talaga siyang nakita.
"Bakit ka nandiyan Kuya Luke?" Napalingon ako kay Luke na ngayon ay nasa sahig. Mukhang napalakas ang pagkakatulak ko sa kaniya. Hindi ko napigilang hindi tumawa dahilan para pukulan niya ako ng nakakamatay na tingin.
Inis siyang tumayo.
"Alam na niya" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Luke. Makahulugang kong tiningnan si Luke tinatanong kong ano ang ibig niyang sabihin. "Alam na ni Aldrin yung tungkol sa atin" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napalingon sa kapatid ko.
"Ah na magboyfriend kayo? Oo Kuya noong isang linggo pa." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Paanong hindi ko malalaman eh ang landi landi niyo sa bahay ni Kuya Luke" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Luke.
"Itong kuya mo kasi palagi akong nilalandi." Lumapit si Luke sa akin at ipinulupot ang kamay niya sa balikat ko at iginiit palapit sa kaniya. " Kaya bata huwag mong ipahalata masyado na mahal mo ako. Mabubuking tayo. Akala ko ba dirty little secret natin to." Kinindatan niya ano. Agad ko siyang siniko dahil sa inis.
