CHAPTER 6

163 8 0
                                    

Pressured



Nasa labas palang ako ng bahay ay nagulat ako ng marinig ang ingay sa loob ng  bahay, binuksan ko ang pintuan, bumungad saakin ang mga kabanda ni Poseidon .


"Haziran!"Lumapit si Victor saakin, niyakap niya ako, sa nagdaang buwan rin ay naging close kona si Victor, lumapit din si JK ,at ang asawa ni Jesyril saakin nasi Glena.



"How are you"Yumakap ito saakin.


"I'm good, ikaw?"


"I'm very happy , doon tayo sa swimming pool niyo, nandun si Poseidon at si Jesyril"



"Segi magbibihis lang ako"Tumango ito.


"Sumunod ka Haziran"Tumango ako kay Victor, pumasok naako sa kwarto at naligo. Umabot din ng kalahating oras ang pag-aayos ko, marami kasi akong naiisip lalo na tungkol kay Jersey.

He disappoint me.

"Ang tagal mo naman"Si Victor ng napaupo ako sa pang-isahang sofa .


"Pasensiya na"I smiled at him, nilingon ko si Poseidon, mariin ang tingin nito saakin, lumunok nalang ako .

"How's your business Haziran?"Si Jesyril.

"Okay lang" Tumango ito.

"Hindi kaba naboboringan dito, sobrang laki ng bahay ninyo ?" Si JK.

"Hindi naman , busy ako sa shop at ganun rin naman si Poseidon"

"Pero alam mo Haziran, sobrang sarap kapag may anak kana, Stormy is already two years old but it felt like it's just tommorow when I gave birth to him, mawawala ang stress mo kapag may anak kana"Tumango ako sa sinabi ni Glena, my mom pressured me  in this topic, kung ako, gusto korin namang magkaanak , kaso alam kung bata paako, alam kung marami paakong mga responsibilidad na dapat gawin ,mga opportunities at tiyak na ayaw din iyon ni Poseidon.

"Yeah, kids gives light in your dark days"Si Jesyril.

"Naku,you shouldn't  pressure Haziran, bata panaman siya"I smiled at Victor.

"Ayaw mo pa bang magkaanak Poseidon, ngayong taon wala nasa kalendaryo ang edad mo"Biro ni JK, tiningnan ko si Poseidon.

"Kung anong gusto ni Haziran"Tumango ako, gusto ko naman pero alam kung hindi pa pwedi lalo nat bago palang ang kasal nato at marami pang dadating na problema, ayaw kung masali ang anak ko sa mga problema namin ngayon at takot rin ako.

"Hmmm, bago panaman kayong mag-asawa , sulitin niyo muna"Si JK.

"Kumusta pala ang meet and greet ninyo ?"Masayang tanong ko.

"As usual, maraming mga tao parin ang pumunta"Tumango ako, napalingon ako kay Glena ng tumayo ito, ngumiti ito saakin.

"May niluto si manang Lecia na barbecue baka gusto mong tulungan natin siya"Tumayo ako sa sinabi niya .

"Oo naman"Tiningnan ko si Poseidon, nakatingin ang mabibigat nitong mata saakin. Lumapit ako kay Glena at pumunta nasa garden , nakita kung nandun nga si manang Lecia.

"Magandang gabi po manang, kami napo niyan"

"Okay lang ba sainyo, baka pagod ka Haziran galing kapanaman sa trabaho"Umiling ako kay manang .

"Okay lang po"Tumango ang matanda at umalis na, kumuha ako ng isang luto at kinain. Si Glena naman ay naglalagay nanang bago.

"Ahm, okay kalang ba Haziran, parang may problema ka ata?"Nilingon ko si Glena, mabait siya saakin at palagi niya akong tinatanong sa mga problema ko. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya . Kita ko ang pag-alala nito.

"Haziran huwag monang isipin si Quenny, ahm nag-usap lang naman sila ni Poseidon, iyon lang naman"Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?"Lumaki ang mata nito .

"Ahm, wala iyon, ano ngapala ang problema mo?"Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya .

"Si Quenny, nagkita sila ni Poseidon?"Kinagat nito ang labi.

"Iyon lang naman Haziran"Napabuntong hininga ako, noon ang buong akala ko walang nobya si Poseidon, pero meron pala at itinago niya rin ito dahil artista si Quenny, at siya naman sikat na banda. Matagal konang hindi narinig ang pangalan ni Quenny, nagkita kami noon at pinagsasabihan niya ako ng masasama, tinakot niya paakong ipagkakalat niya na kasal kami ni Poseidon pero , hindi naman niya ito ginawa.

"Huwag kang mag-alala Haziran, matagal nasilang hiwalay"Tumango ako kahit sobrang bigat nanang pakiramdam ko, nilingon ko si Poseidon nanasa malapit sa swimming pool, nakatingin ito saakin kaya mabilis kung iniba ang tingin ko.

Okay lang yan Haziran ang importante ikaw ang asawa.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon