CHAPTER 27

135 8 0
                                    

Kalimutan

"Haziran, nag-iilusiyon kalang, marami pang problema si Poseidon ngayon kaya hindi ka muna niya naiisip"




Gustong-gusto ko nalang siyang paalisin , alam ko naman kasing useless lang  kung sasagutin ko pa siya. Pero gusto ko rin kasing matapos ang mga problema naming dalawa, gusto kung intindihin siya at sana maiintindihan niya rin ako.

Alam kong nasaktan siya dahil saakin, alam ko ang kasalanang nagawa ko sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan ang sariling mainis at magalit sa kanya.

"Quenny, okay na kami ni Poseidon, mahal niya ako at mahal ko siya , hinding-hindi kami maghihiwalay, mag-asawa na kaming dalawa. Please umalis kanalang at huwag kanang pumagitna saamin, galit na galit ako sayo dahil sa mga pananatakot mo sa kanya pero kaya kung kalimutan iyon basta umalis kanalang, nagmamakaawa ako sayo"


Tumulo ang luha nito sa pisngi ,natatawa pa itong umiiling-iling.


"Hindi mo kasi alam kung gaano ako nasaktan Haziran!"Sigaw nito sabay turo saakin.

"Matagal ko siyang pinangarap kaya nung naging kami sabi ko sasarili kona hinding-hindi ko siya iiwan, mahal na mahal ko siya Haziran kaya nalugmok ako ng malamang ikakasal siya, mahal namin ang isatisa pero wala akong nagawa nang ang mama na niya ang may gustong ikasal siya ,sayo!Nasaktan ako pero pumayag parin akong maging kabit! Ako ang totoong mahal niya pero ginawa akong kabit! Kaya ngayon nagmamakaawa ako sayo Haziran, please let him go, mag-annull nakayo, kung mahal mo talaga si Poseidon hiwalayan muna siya, ako ang mahal niya"



Napagakat ako ng labi sa sinabi niya. Alam ko ang kasalanang nagawa ko sa kanya pero hindi  rin niya ako masisisi,gaya niya nagmahal lang din ako.


"Mahal namin ang isat-isa Haziran, iwan mona siya. Ako ang mahal niya, ako ang buhay niya at gaya mo mahal na mahal korin siya. Iwanan mona siya para saakin, masmahal ko siya ,masmaaalagaan ko siya. Please,I'm begging you iwan mona siya ,ipaubaya mona siya saakin"



Ramdam ko ang sakit ni Quenny, alam ko naman ang mga sinasabi niya pero kahit kailan hindi ko naisip na nasasaktan rin siya,ang alam  kolang ay ang maikasal kami ni Poseidon, alam kung may girlfriend siya kaya gustong-gusto kung ikasal kaagad siya saakin, hindi ko naisip ang sakit nanaramdaman ni Quenny noon.


Sa panahong iyon ang sarili ko lang ang iniisip ko.


"Si Poseidon ang kausapin mo Quenny at huwag ako"Malamig kong saad.

Mabilis itong umiling.

"Nagmamakaawa ako sayo Haziran, hiwalayan mona siya , mahal na mahal ko siya"Napapaos nitong saad.

Bumuntong hininga nalang ako at inilingan rin siya.

"Mahal ko rin si Poseidon at hinding-hindi ko siya bibitawan, sa kanya ka makipag-usap, wala kang mapapala saakin"Mabilis nitong pinahid ang luha at galit akong tiningnan.




"Walang hiya ka Haziran, dadating ang panahon na maghihiwalay rin kayo!"Sabi nito sabay alis.

Naapabuntong hininga nalang ako at pumasok nasa bahay.




Pumasok parin ako sa shop kahit nawalan na ng gana dahil sa nangyari. Mahigpit ang yakap ni Shenna saakin ng makarating ako sa shop.

"Miss na miss na talaga kita Haziran , akala ko hindi ka ulit papasok"

Natawa ako sa kanya, kinalas ko ang yakap at matamis na nginitian siya.




"Pasensiya na talaga at bigla-bigla nalang akong nawala"



Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon