CHAPTER 49

133 7 0
                                    

Gusto

"You don't need to beg Poseidon, I will always say yes to you" Kinuha ko kaagad ang singsing sa box at nilagay iyon sa daliri ni Haziran.

"O my God!"Kaagad na umilaw ang libo-libong bulaklak sa paligid namin, ang una kong nakita ay ang pagtingin ni Haziran sa singsing bago sumulyap saakin. Lumuhod ito para mayakap ako .

"Ang mahal nito"Natawa ako sa sinabi niya. Nagsigawan kaagad ang mga pamilya ni Haziran at ang mga kaibigan ko.

"Congratulations!"Kaagad na kumalas ng yakap si Haziran saakin , tinulungan ko siya sa pagtayo. Nilingon niya ang mga pamilya at kaibigan namin.

"Oh my God nandito kayo!"Lumapit sila saamin.

"Congratulations, grabe bilib na talaga ako sayo Poseidon!"Natawa ako sa mga sinabi nila. Nilingon ko si Haziran, yakap nito ang ina.

"Sa wakas matutuloy na talaga ang pangalawang kasal"  Si Victor, siniko ko iyon, akala niya ata hindi ko alam ang ginawa niya nong nawala ako .

"Kuya , I'm very happy"Niyakap ako ni May Ann ang pinapaaral ni mama , gusto ni mama na magkaroon ng anak na babae kaya nong hindi nasiya mabuntis  ay tumulong naito sa mga babaeng nangangailangan ng tulong at isa si May Ann doon na tinuring konaring kapatid.

Marami pa ang lumapit saakin para batiin ako, lumapit ako kay Haziran, yakap nito si Arlyn.

" Sa wakas Haziran, natupad na ang batang pangarap mo"

"I feel like I'm dreaming"Kumalas ng yakap si Haziran kay Arlyn kaya pinulupot ko kaagad ang braso ko sa baywang nito.

"Patingin nga ng singsing"Nilahad ni Haziran ang singsing kay Arlyn.

"Oh shit! Ilang carat iyan?!"Nilingon ako ni Haziran, I smiled at her, pulang-pula ang mukha nito dahil sa pag-iyak.

"I don't know him , ayaw ko nang alamin pa at baka mamulubi ako sa kasal namin"Hinalikan ko ang buhok ni Haziran.

"I would never allow that, hinding-hindi ako papayag na maghirap tayong dalawa, ibibigay ko sayo ang gusto mo Haziran at titiyakin kona hinding-hindi tayo maghihirap lalo na ang mga anak natin" Napakalas ang yakap ko sa kanya ng humarap ito, puno ng luha ang mukha nito habang tumatango-tango saakin. Hinawakan ko ang pisngi nito para mapunasan .

"Please stop crying hmmm"

"But I can't help it kasi" Mayamaya ay nalayo nanaman kami sa isatisa dahil sa mga kaibigan namin. Panay congratulate sila saamin, mabilis kung hinanap si Haziran, kausap nito ang mga kaibigan nito.

"Salamat"Mahinang sabi ko sa mga kasamahan ko sa industriya noon. Mabilis naakong naglakad papunta kay Haziran, lumingon ito saakin ng tinuro ako ng isa sa mga kaibigan niya. Niyapos ko kaagad ang baywang nito ng nakalapit na.

" Sa table natayo,baka gutom kana"

"Baka ikaw ang gutom, nakipag-away ka pa talaga saakin kanina"Ngumuso ako.

"I didn't, pinilit kolang at baka hindi pa matuloy"Tumawa ito, sabay nanaming tinahak ang mesa, hinila ko ang upuan para makaupo ito.

Hinila korin ang upuan ko para mailapit pa lalo kay Haziran, nakangiti itong nakatingin sa ginawa ko. Mayamaya ay lumapit na ang mga pamilya at kaibigan namin sa mesa.

"Kailan molang plinano ito, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala?"Binaba ko ang kubyertos para masagot si Haziran.

"Kanina lang ng umalis ako"

"Wow, kaya pala " Midnight na kaming natapos pero kumuha narin naman ako ng kwarto dahil alam kong matatagalan kami . Nakahiga na ngayon sa kama si Haziran, nakatutok ito sa cellphone.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon