CHAPTER 24

152 8 0
                                    

Fix



Nag-island hopping kami , at dahil marami kami ay nawala ang lungkot ko. Gabi na ng  kami ay nakauwi sa hotel. Pagod na pagod naako ,kaya tinanggihan ko na si Kleen nang inaya niya akong magdinner .

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad sa room ko, pagod na pagod ako at gusto ko nalang matulog. Hinakawan ko ang door knob ko at nagulat ako ng bigla iyong bumukas.

Nakaramdam kaagad ako ng kaba. Bakit bukas ito? Nilock ko ito kanina ah!

O baka hindi ko nalock ito. Bumuntonghininga ako at pumasok nalang. Open din ang lights nito.

"I think I lock it"Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang lights. And I think I switch it off.

"Haziran"

Mabilis kong nilingon ang kama at napalaki ang mata ko ng makita si Poseidon doon! Nakaupo siya doon habang nakatitig saakin!

O my goodness! Why is he here?

Tumayo ito ng makita ako habang ako naman natuod sa kinatatayuan ko. Am I dreaming? Dahil ba sa pagkamiss ko sa kanya ay nanaginip nalang ako ng gising.

Napatitig ako sa gwapong mukha nito, parang sinaksak ang puso ko ng makita ang pagod niyang mukha.

How I missed him!

Gusto kong kirutin ang sarili kong totoo ba ito, kung nasa harapan ko ba talaga siya.

"Poseidon" Mahinang tawag ko dito habang nakatitig sa kanya.

"Haziran"Tawag niya ulit.

Pumikit ako at dumilat ,nang makitang totoo nga ay tinuro ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?"Sigaw ko, paano niya nalamang nandito ako? Paano niya nabuksan ang room ko?! At bakit pa siya nandito?

Marami akong tanong pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. My heart recognize him badly!

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo, umalis ka ng walang paalam?"

Galit ko siyang tiningnan.

"Dapat lang,gusto ko ng makipaghiwalay sayo at bakit kaba nandito? Babalik din naman ako doon at aayusin ko ang annulment natin, kaya huwag kang mag-alala"

Madilim ang titig nito saakin.

"Hihiwalayan mo ako?"Kunot noo nitong tanong.

"Oo, e pa- process ko rin ang annulment natin, kaya huwag kang mag-alala"

"Walang annulment na mangyayari ,Haziran"Malamig niyang saad.

Natawa ako sa sinabi niya kahit sa totoo lang kabang-kaba naako.

"Makikipaghiwalay ako sayo! At pwedi bang umalis ka dito! Bakit ka pa pumunta dito, paano mo nalamang nandito ako? Paano mo nabukasan ang kwarto ko?!"

Bumuntonghininga ito , problemadong-problemado.

"Haziran, kailangan kita, mahal na mahal kita . Please, mag-usap tayo "Pagmamakaawa niya, parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko dahil sa nakita .

"Hindi kita kailangan at ayaw kong makita ang pagmumukha mo, naaalala ko ang mga pinagagawa mo saakin !"

"Haziran, ganyan kaba talaga. Nakikipaghiwalay ka kaagad, hindi mo manlang ako kinausap tungkol dito"

"Ohh goodness Poseidon, alam mong sawang-sawa naako, hindi tayo nagkakaintindihan sa maraming dahilan at tiyak ito naman talaga dapat ang gagawin natin , maraming mga fans ang madidissapoint sayo!Kaya nga itinanggi mo ako sa media kahit sinampal na sila ng mga  pictures nating dalawa , pero itinanggi mo parin kaya, mabuti pang maghiwalay nangalang tayo!"

"Haziran, hinding-hindi kita itatanggi kung hindi lang masasali ang mga kasamahan ko, mahal nila ang banda at ganun rin ako. Ilang taon naming hinintay ang narating namin ngayon, hinding-hindi kita itatanggi kong wala akong kasama"

"So anong gusto mong iparating na kasalanan kopa, sorry kung pinilit ko ang sarili ko sayo Poseidon. Hindi na sana ito mangyayari kung hindi tayo magpakasal ,hindi ba. Oh edi kasalanan kona! Kaya segi na umalis kanalang, ito naman talaga ang gusto mo diba? Ang maghiwalay tayo!" Sigaw ko.

"Can you please lower your tone, gusto kung mag-usap tayo ng mabuti at hindi nagsisigawan Haziran at hindi ba sinabi ko na sayong mahal kita, ayaw kong maghiwalay tayo"

Marahas kong pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Ayaw ko nang makipag-usap pa sayo, alam kung busy kanaman kaya bakit nandito ka pa? Tiyak na hinahanap kana ngayon!"

Huminga ito ng malalim.

"Please mag-usap tayo, promise I will make it up to you right now, mahal kita Haziran"

Gusto ko pa siyang awayin kaso nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Bakit kapa nagtataka sa pagmamahal mo sa kanya Haziran, ganyan ang epekto niya saakin ,bigla-bigla nalang nawawala ang inis at galit na naramdaman ko sa kanya, nakakatakot talagang magmahal , nakakabubo. Iyong feeling na sinaktan kana at ginawang tanga pero okay lang sayo kasi mahal mo.

Lumapit ito ng marahan saakin, sobrang lapit na namin ngayon.

"Matagal na kaming hiwalay ni Quenny, ilang beses niya akong tinakot nung nalaman niyang kasal naako sayo. Wala akong nagawa kundi sundin ang mga gusto niya pero matagal ko na siyang hindi mahal,Haziran"

Marahan kong pinunasan any luha sa pisngi ko, namumungay ang mata nito habang nakatitig saakin .

"Simula nung nakilala kita Haziran na gustuhan na kita"

Umiling ako sa sinabi niya. Really,gusto niya ako? Impossible!

"Ayaw ko lang magpahiwatig sa nararamdaman ko sayo noon dahil may relasyon pakami noon ni Quenny, pero nung kinasal tayo ay doon nadin kami naghiwalay . Nasaktan man kita sa mga ginagawa ko sayo pero ganun ako Haziran, ganun ako magmahal, minahal kita at alam kung nasaktan kita. "Suminghap ito na para bang nasasaktan sa kanyang susunod na sasabihin saakin.

"P-pwedi mo ba akong hintayin ulit? I will fix  all my problems , aalis ako sa banda,mahal ko ang musika pero mas mahal kita Haziran"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, aalis siya sa Banda para saakin?

"Hndi kona kayang ilihim pa ang damdamin ko sayo"Halos wala naakong makita dahil sa luhang dumadaloy sa pisngi ko. Sobrang bilis ng puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Totoo ba ito?

Totoo batong mga pinagsasabi niya? Lumapit siya lalo saakin at hinawakan ang kamay ko.

Napalunok ako.

Hinakawan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Mahal kita Haziran, pwedi bang hintayin mo ako ,we fix this marriage please, babalik ako sayo at mamumuhay tayo sa paraang gusto mo, please. Mahal kita"Pagmamakaawa niya saakin.

Kaagad kona siyang niyakap, siya lang ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ng puso ko . Kayang-kaya kong kalimutan ang mga kasalanan niya saakin at mamuhay ng normal, binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Bahala na kung maging tanga ulit, alam kong bobo talaga ako pagdating sa kanya, minsan lang ako mabuhay sa mundo at  gusto kong lubisin ang pagmamahal ko sa kanya.

"Maghihintay ako sayo basta bumalik kalang"Mahinang usal ko, niyakap niya ako ng mahigpit, napahikbi ako ,basang-basa na ang damit niya dahil sa luha ko.

"Babalik ako sayo Haziran"Bulong niya saakin.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon