House
Dahan-dahan itong lumapit saakin , bumuhos ang malakas nitong luha. Nang nasa tapat naniya ako ay hinawakan nito ang pisngi ko.
"I'm hoping that this is not a dream"Parang tinusok ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"Haziran"Mahigpit niya akong niyakap.
"H-hndi ako naniwalang patay kana, pero labis rin akong nasaktan Poseidon"Mahigpit ang yakap nito na halos hindi ako makahinga, hindi ko siya maalala , kaya hindi ko alam kung paano siya tratuhin.
Kumalas ito ng yakap, pero nakakapit parin ito sa dulo ng damit ko, puno na ng luha ang mukha nito, habang ako nakatitig sa maganda nitong mukha .
"Mahal k-kita, hanggang ngayon"Tumingkayad ito para halikan ako sa labi, napapikit ako dahil sa nararamdamang sensasyon, noon napapanaginipan kolang ito , ngayon hindi ako makapaniwala na naghahalikan na kami . Yayapusin kona sana siya ng bigla itong bumitaw sa halik .
Nakatitig naito sa mata ko .
"Totoo kanga"Niyakap niya ulit ako at halos hindi naako makahinga sa ginawa niya, ilang oras din kami sa gitna ng mga paintings.
"If I'm just dreaming sana hindi naako magising"Mahinang usal nito .
"Haziran I want to talk to you"Kumalas ito ng yakap at tumatango habang pinunasan ang luha.
"Sa opisina tayo"Hinawakan nito ang kamay ko at pumasok nasa isang pribadong opisina, umupo ito sa sofa kaya tumabi ako sa kanya . Nakatitig na ulit ito saakin .
"Bakit ngayon kalang nagpakita?"Iyak ulit nito, bumuntong hininga nalang ako, gustong-gusto ko nang bumalik ang alaala ko, marami akong tanong. Minahal ko ba siya? Nagmamahalan ba kami?
"Nawalan ako ng alaala, at bago kolang iyon nalaman"Tumatango-tango ito, pero umiiyak parin.
"Saan ka galing kung ganun?"
"Kasama ko si Quenny"Suminghap ito at umiling.
"At bakit kayo magkasama?"Kitang-kita ko ang pait nanararamdaman niya, galit at puot ang nakikita ko sa mata niya.
"Siya ang tumulong saakin"Umiling ito at tumawa.
"Talaga, kasama mo ang taong pumatay sa anak natin?"Natatawa ito, habang ako naman ay nayanig ang mundo ko sa sinabi niya.
"Anak?"Dumadagundong ang puso ko sa sinabi niya. Lumunok ito at galit akong tiningnan .
"Nakunan ako dahil sa babaeng iyon, Poseidon. Paggising ko ay hindi nakita nakita at nalaman ko nalang na naaksidenti ka . Nasunog ang katawan mo ,relo at cellphone nalang ang nakita sa kotse mo. Hindi mo alam kong gaano ka sakit iyon Poseidon, nagluluksa ako sa aking anak at sa asawa ko"Natulala ako sa sinabi niya, may anak kami. Nakunan siya dahil kay Quenny.
"Wala paakong naalala kaya hindi ko alam kung nagsasabi kaba ng totoo"Malamig kong sabi kahit alam ko sa puso ko na totoo ang sinabi niya, hindi kolang maisip na nawalan kami ng anak at dahil iyon kay Quenny. Hindi ko siya maalala pero kahit ganun naniwala ako sa sinabi niya, pero kahit ganun ayaw ko paring magpadalos-dalos. Marami paakong mga tanong at alam kung ako lang ang makakasagot nun. Basang-basa na ang mukha nito dahil sa luha .
"K-kina Quenny kaba ngayon tumira? A-ano magpapakasal nakayo? Akala ko ba nawalan ka ng alaala bakit siya parin Poseidon at bakit mo ako nakilala, kung ganun ha?"Inis ko siyang tiningnan, she thinks that I lied.
"Kung nagdadalawang isip ka saakin,hindi kona iyon problema"Tinalikuran kona siya, pupuntahan ko ang p*tang babaeng iyon! Ginago niya ako, ginawa niya akong tanga! Baka mapatay ko pa iyon! Pero bago ako makalabas ay may humawak sa braso ko, nilingon ko iyon at nakita ko ang maamong mukha ni Haziran, parang may humaplos sa puso ko ,I wonder kung minahal ko ba siya kahit fix marriage lang iyon.
"S-saan ka pupunta?"Namumuo ulit ang luha nito .
"Aalis naako"Umiling ito at humikbi.
"Mababaliw naako Poseidon sa mga nangyayari, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ilang taon akong naglukasa Poseidon....... please.....h-huwag mona akong iwan"Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya, ramdam na ramdam ko ang sakit nanaramdaman, imbes na umalis ay niyakap ko siya . Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang gusto kong gawin, seguro hindi ko man siya naalala, naalala naman siya ng puso ko. Ang tanong ko kanina ay nasagot narin ngayon.
Mahigpit ako nitong niyakap at sinobsob nito ang mukha sa dibdib ko at dahan-dahang akong hinampas sa braso.
"Malapit naakong mabaliw dahil sayo, iniwan mo ako noong namatay ang anak natin, akala ko hindi mona ako sasaktan pero halos mabaliw ako nong nalaman na nasunog ang katawan mo kasama ng sasakyan, hindi mo alam kung gaano iyon kasakit.Maawa ka , huwag mona akong iwan, sobra na ang sakit nararamdaman ko, gusto ko namang sumaya ...... Poseidon"Napapikit ako at bigla nalang tumulo ang luha ko.
"I'm sorry"Nagagaral kong sabi, humikbi lang ito. Gusto ko mang puntahan si Quenny dahil sa mga nalalaman pero bigla namang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi.
Nasa aking sasakyan nasiya ngayon, nakatulala ito sa harapan. Ilang minuto rin kaming nagyayakap, sabi nito gusto daw niyang umuwi kaya ihahatid ko siya ngayon sa kanila .
"Saan?"Mahinang tanong ko, tinuro nito ang kanang daan, isang subdivision.
"Diyan lang"Hininto ko ang sasakyan at tiningnan ang malaking gate, napalingon ako kay Haziran , namumuo ulit ang luha nito,hilaw itong ngumiti saakin.
"B-bahay natin iyan"Tinuro niya ang gate, napatitig ako sa itim na malaking gate.
"Dalawang taon narin akong umalis sa bahay nayan, ngayon lang ako nakabalik. Ayaw kong tumira diyan ....kasi naaalala ko ang mga masasayang karanasan natin diyan......"Humikbi ito at umiling .
"At naaalala ko diyan ang nangyari sa bata, kung paano.....ako tinulak ng babaeng iyon, kung paano nag-uunahang dumaloy ang dugo.....sa hita ko"Napapikit ako, kahit hindi ko naaalala ang lahat parang sinaksak parin ang puso ko ng kutsilyo.
"Ngayon, gusto kong pumasok sa bahay nayan.....kasama ka Poseidon"Ngumiti ito saakin at hinakawan ang kamay ko, napatitig ako doon habang pinagsiklop niya iyon.
"Gusto kong pumasok sa bahay na kasama ka,dahil naging parte narin natin ng buhay ang bahay nayan Poseidon, diyan tayo nakatira noong hindi mo pa ako minahal, saksi ang bahay nayan kung gaano kita ka mahal ...magpaghanggang ngayon"
"Pumasok tayo kung ganun"Ngumiti ito at tumango.
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight
RomanceMATURED CONTENT! Haziran is very inlove with Poseidon, she do everything just to get him ,until the mother of Poseidon arrange a marriage with her, she's very happy, because finally Poseidon will be her.She thought that she will be happy, pero puro...