CHAPTER 14

160 7 0
                                    

Banyo


Nagpahinga muna kami sa sofa ng ilang oras dahil sa nangyari. Nakatulog ako sa sofa at nagising nalang ng nasa kama naako.

Nasa kama lang kami buong araw we resume watching movie at kahit touchy siya ay hanggang doon lang ang ginagawa niya dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko.


Kinabukasan ay sinama niya ako sa kompanya nila kung saan sila nagprapractice. Nasa likuran niya ako habang naglalakad papasok sa entrance ng kompanya. Maraming staff ang nakatitig kay Poseidon na para bang na huhumaling parin sila kahit araw-araw  na nila itong nakita.


Ako naman nasa likuran niya na akala moy isang assistant niya.

Huminto kami sa elevator, pumasok kami ng bumukas ito, katabi ko siya habang nasa unahan naman ang tatlong bodyguards niya, napasinghap ako ng mahina ng maramdaman ang kamay niya saaking kamay.

Nilingon ko siya at tiningala, nagtama kaagad ang mata namin dahil nakatitig na pala ito saakin. Dahan-dahan niyang sinikop ang mga daliri ko at hinawakan ito ng mahigpit.

Napalunok ako dahil sa simpleng ginawa niya pero nagbigay naito ng kakaiba sa puso ko.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay kaagad kung kinalas ang kamay ko sa kanya at baka may makakita pa, kitang-kita ko ang pagkakairita ng mukha niya sa ginawa ko. Nauna naitong naglakad , binuksan ng isang lalaki ang pintuan, kaagad kaming pumasok doon , lumingon kaagad ang mga nandun saamin.


"Haziran!"Mabilis na lumapit si Victor saakin, niyakap niya ako.

Natawa ako sa ginawa niya.

"Mabuti at nakabesita ka!"Nagagalak nitong sabi, ngumiti ako.

"Isinama ako ni Poseidon"

"Haziran"Binati ako ni Jesyril at JK, nginitian kolang sila.

"From the top guys!"Sabi ni Jesyril.

"You  should catch up our choreo Poseidon, malapit na ang tour"Tumango naman si Poseidon sa sinabi ni JK.

Hinakawan ni Poseidon ang kamay ko at giniya sa parisukat na upuan. Dahan-dahan akong umupo doon at tiningala si Poseidon.

"Dito ka muna"Tumango ako bago siya tumalikod saakin papunta kina Jesyril.

Panay ang tingin ni Poseidon saakin gamit ang malaking mirror, kaya napagalitan siya ni Jesyril dahil mali-mali ang choreo nito. Kahit banda sila kailangan parin nilang sumayaw dahil iyon ang gusto ng mga fans nila.

They have a big fandom, malaki ang mga expectations ng mga tao sa kanila kaya dapat hindi sila pweding magkamali.

Ngalang ngayon nababahala ako kay Poseidon, sana naman makasunod siya kaagad sa choreo, ngalang wala ata ito sa sarili dahil panay ang pagkamali nito.



"Dude, hindi naman aalis si Haziran kaya pwedi bang  magconcentrate kamuna dito"Inis nasabi ni Jesyril.

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Kinakabahan tuloy ako , kanina ko rin siya napapansing nakatitig saakin habang sumasayaw sila .

"Tsk"Sungit nitong sabi .

"Haziran, baka gusto mong maglibot sa kompanya"Suhestiyon ni JK.

Naisip kong gawin iyon,para naman makakoncentrate si Poseidon at para makita konarin ang ganda ng kompanya nila.

Sasagot nasana ako ng naunahan ako ni Poseidon.

"No, dito lang siya" Mabigat nasabi ni Poseidon, kitang-kita ko ang inis nito. I

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon