CHAPTER 43

142 6 3
                                    

I wait

Ilang minuto rin kaming nag-iiyakan doon, nasa sasakyan na kami ngayon, ihahatid kona siya sa shop at kikitain kona si Quenny.

"By the way, shop mo pala iyon"Nilingon ko siya at kinunutan ng noo .

"Nang naaksidenti ka ay ako na ang namamahala doon"Tinanguan ko nalang siya kahit hindi ko pa maalala. Nang nasa tapat na kami ng shop ay kinalas nanito ang seatbelt, ngumiti ito saakin at lumapit para mahalikan ako sa labi. Mabilis lang iyon.

"Maghihintay ako sayo"Lumabas naito sasakyan, napapikit ako dahil bumalik ulit ang sakit at puot nanararamdaman ko para kay Quenny, sa totoo lang hindi ko alam kung totoo batong nangyari. Hindi ako makapaniwala na may anak akong namatay at si Quenny ay maysala nito . Pinaharorot ko ng malakas ang sasakyan para mapuntahan nasi Quenny sa condo nito.

Padarag kung binuksan ang pintuan, lumingon siya saakin pati narin ang kasama nitong kaibigan.

"Poseidon!"Mabilis itong tumayo para yakapin ako pero bago pasiya nakalapit ay nasampal kona siya. Rinig ko ang pagtili ng kaibigan niya.

"Poseidon"Nanginginig ang boses nito habang hinahawakan ang pisngi na kung saan sinampal ko. Hindi ako bayolenting tao, ayaw koring nanakit ng babae pero ubos naako, naubos na ang pasensiya ko sa mga kasinungalingan niya. Kung pwedi lang patayin ang babaeng ito baka nagawa kona!

"You're a bitch!"Sigaw ko, umatras ito ng nilapitan ko siya, kitang-kita ko ang takot sa mukha nito.

"Poseidon!"Sigaw ng kaibigan niya at lumapit sa babae.

"Hindi kona  kaya ang ginawa mo Quenny, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo, pinatay mo ang anak ko at nagsinungaling kapa! Ano,  baka ikaw ang dahilan ng pagkaaksidenti ko kaya bigla nalang akong nawala ha!"Tinuro ko siya habang pinigilan ang sariling saktan siya ulit, umiiling-iling ito .

"Hindi ako ang dahilan ng pagkaaksidenti mo! Kaya huwag mo akong pagbintangan, tinulungan pangakita, kung wala ako sunog na ang katawan mo"Hikbi nitong sabi , natawa tuloy ako, kung ganun utang ko ang buhay ko sa kanya ha, ganun ba.

"At dapat ba kitang pasalamatan kong ganun, at sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo, puro kasinungalingan nalang ang sinasabi mo saakin!"

"Totoo ang sinabi ko , habang katawagan ka ay may narinig akong malakas na tonog kaya mabilis kitang nakita at kinuha ko ang katawan mo, sunog kana ngayon kung....."

"Shut up! At ano, inilayo mo ako sa asawa ko ha! Tinago mo ako ng dalawang taon sa islang iyon, ngayon may napala kaba?!"Puno na ng luha ang mukha nito , malambing ang mata nitong tumitig saakin, pero kitang-kita ko ang pagsisi niya at panghihinayang.

"Ang hirap mong mahalin ..... Poseidon"Matigas ang tingin ko sa kanya,kahit anong sabihin niya hindi na iyon tumatalab, siya man ang naaalala ng isip ko nakalimutan naman siya ng puso ko, hindi kona mahagilap ang nararamdaman ko sa kanya noon. Pinagsisihan ko kung bakit ko pa siya nakilala, pinagsisihan ko kung bakit pa naging kami.

"P-pagod naako"Ngumiti ito saakin at napaupo sa sofa.

"Pagod kana, pinatay mo ang anak ko, umalis ka at sinama ako!"Lumingon ito saakin.

"Sa tingin mo ginusto ko iyon! Sa tingin mo gusto kong pumatay ha, ilang araw akong hindi makatulog ng mabuti dahil sa nangyari, it's your fucking fault"Lalapitan kona sana siya ng lumapit si Jersey sa tapat ko.

"Mabuti nga at nakatulog ka pa sa ginawa mo Quenny! Nakakatakot ka"

"Ano naalala mona ang lahat ha! Naalala mona ang pagtaksil mo saakin,kung paano mo ako iniwan sa eri, masisi mo ba ako kung minahal kita at  magpahanggang ngayon mahal parin kita Poseidon, hindi kona alam ang gagawin ko!"

"Kung mahal mo ako, sana hinayaan mo ako!"

"Segi, ngayon hahayan nakita, pagod naakong magmahal , hindi ko deserve ang ganitong pagmamahal, I know my worth!"

"Sa tingin mo hahayaan kita , mabubulok ka sa kulungan!"Tumayo ito at mabilis ang lakad nito papunta saakin, sinampal ako nito ng malakas .

" Kasalanan mo ang lahat ng ito, sirang-sira naako. Tinalikuran ko ang showbiz dahil sayo, dahil gusto kitang makasama tapos ito iiwan mo nanaman ako at ipapakulong pa....."Hindi naniya natapos ang sasabihin ng bumukas ang pintuan ng condo, kitang-kita ko ang gulat nito sa mata, nilingon ko iyon at nandun na ang police.

"Poseidon, are you out of your mind!"Tiningnan ko nalang ang officer at tinalikuran nasila doon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng ilang beses itong tumunog, nakatitig lang ako sa register name ni Haziran doon, ilang weeks ko ng hindi sinasagot ang mga tawag ni Haziran saakin , dahil sa sobrang busy sa isyu naman ni Quenny. Nanalo ako sa kaso  , pero hindi kona siya pinakulong pa . Ang ginawa ko nalang ay hindi na siya pa magpakita saakin habang buhay .

Napasandal ako sa kama , pinatay kona lang ang cellphone at pumikit. Sa ilang linggo ay may mga naaalala naako, pero hindi ko alam  kung totoo baiyon o panaginip lang. Nakatulog ulit ako pero nagising ng tinawag ako ni manang.

"Nandito si Haziran, Poseidon"Napatayo kaagad ako sa sinabi ni manang. Mabilis akong pumunta sa banyo para maghilamos.

Pagkababa ko ay  sa hagdanan ay tumayo kaagad si Haziran sa sofa. Ngumiti ito saakin .

"Hindi mo sinasagot ang text at tawag ko kaya nag-alala ako"Tinguan ko siya at tinuro ang sofa para makaupo siya ulit. Lumapit siya doon at umupo, umupo narin ako sa tapat niya.

"Masaya ako dahil sa nangyari sa kaso, pero bakit hindi mo sinabi iyon saakin, bakit hindi mo sinabing kinasuhan mo pala siya ,nalaman kona lang iyon kay Arlyn"

"Ayaw kong mag-alala kapa Haziran"Ngumiti ito ng hilaw saakin, tumayo ito at tumabi saakin, napatitig ako sa mukha niya. Parang sinaksak ang puso ko ng makita ang mata niya, nakangiti man ito saakin pero kitang-kita ko sa kanyang mata ang sakit.

"I'm happy , na marami mang pagsubok ang nangyari saatin, nandito parin tayo nagkatitigan at malaya, alam kung hindi mo pa ako naaalala, but I just want you to know that  I'm here waiting for you Poseidon."Mahigpit ang hawak ng kamay nito saakin , magsasalita nasana ako ng nagsalita ulit ito.

"Maghihintay ako sa pagbalik ng alaala mo  Poseidon hanggang piliin mona ako "Tumayo ito at pinakawalan ang kamay ko, halos hindi naako makahinga ng mabuti ng tumalikod naito . Napapikit ako dahil sasakit, alam kung mahal ko siya ngayon pero gusto ko paring maalala ang lahat bago ako magsettle sa kanya .

I want to be a good husband and a worth it man for her, her eyes tells how lonely she is at gusto kong mapasaya  siya bilang isang mabuting asawa.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon