CHAPTER 46

144 7 3
                                    

Pakasal

Sabay nakaming kumain ng tanghalian ni Haziran, sabay kaming tumayo nang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa doon si Arlyn.

"Poseidon"Mabilis itong lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya, I don't remember being close to her. Nilingon ko si Haziran, ngumiti ito saakin.

Dahan-dahan namang kinalas ni Arlyn ang yakap , ngumiti ito ng hilaw saakin na para bang nahiya siya sa kanyang ginawa, umatras ito .

"I'm very happy that you're alive, sana okay nakayo ni Haziran?"

"Yes, we're okay" Nag-usap pa sila.  Nang magsara na ang studio, lumapit kaagad si Haziran saakin.

"Umuwi kana , hindi ba't may lakad pa tayo mamaya?"

"Ihatid mona kita sa inyo"Ngumiti ito at tumango, habang nasa byahe ay ramdam ko ang kaba niya kaya nilingon ko siya .

"Is there any problem Haziran?"Kinagat nito ang labi.

"Ahm, hindi pakasi alam ng pamilya ko na buhay ka, hahahahah baka magulat iyon kapag nakita ka" Naaalala ko ang mama niya , pati narin ang kanyang kapatid, maybe I should have a dinner date with them.

"Then, hindi nalang ako lalabas"Tumango ito.

"Segi"

"But I want to talk to your mom, is that okay?"Inangat nito ang tingin saakin.

"B-bakit, okay lang hindi kapa naman nakarecover"Gusto ko sanang makipagkita sa pamilya ni Haziran pero tama siya, hindi ko naaalala ang lahat .

"Okay then, kukunin nalang kita dito mamaya, sabay na tayong pumunta sa restaurant"

"Huwag na ,kaya ko naman Poseidon"Nilingon ko siya, kinuha ko ang kanyang isang kamay ay dinala iyon sa labi ko.

"Kukunin kita dito , mamaya"Lumunok ito at ngumiti.

"O-okay"

"What's the subdivision Haziran?"Tanong ko sa kanilang bahay, tinuroan naman niya ako . Nang nasa tapat na ng kanilang bahay ay lumapit na ako kay Haziran, sobrang lapit namin, ramdam ko ang kaba niya. Kinalas ko kaagad ang seatbelt at tiningnan ang maganda nitong mukha.  Nilapat ko ang labi sa kanya , ilang minuto rin kaming naghahalikan doon .

"P-posiedon baka malate tayo"Umatras kaagad ako, pulang-pula na ang mukha nito .

"Aalis naako"Binuksan kaagad nito ang sasakyan.

"Oka then, I will fetch you"Tumango ito lumabas na, tiningnan ko ang pagpasok niya sa kanilang gate. Pinaharorot ko kaagad ang sasakyan ng nakapasok naito sa kanilang gate .

Pagkadating sa bahay ay naligo kaagad ako. Nang natapos ay pumunta kaagad sa walk in closet para maghanap ng susuotin .

"T-thank you"Umupo kaagad ako ng matapos kung maiseltbeat si Haziran.

"Your're very beautiful Haziran"Sumulyap ako sa kanya, pumula kaagad ang pisngi nito.

"Thank you"

"Anong gagawin mo bukas?"

"Sa shop lang naman ako, bakit?"

"Gusto ko sanang bisitahin si May Ann , kasama ka"Kinagat nito ang labi at dahan-dahang tumango.

"S-segi sasama ako" Nang nasa restaurant na ay sabay na kaming lumabas sasakyan, kaagad akong lumapit sa kanya , hinawakan ko kaagad siya sa kanyang baywang.

Nang nasa room na kami ay kaagad na tumayo ang mga kaibigan ko, napapikit tuloy ako dahil biglang sumakit ang ulo ko. Shit!

"Poseidon, are you okay?"Hinawakan ni Haziran ang mukha ko, dumilat din naman ako nginitian siya. Nakaramdam ako ng hilo dahil may biglang nagpop sa utak ko .

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon