Care
Dahan-dahan niya akong hiniga sa kama, pagkatapos niya akong kunin kina Arlyn ay dinaretso niya ako dito sa kama, kita ko ang pagtitig niya saakin ng nasa kama na kami.
"Matulog kana"Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad naitong lumabas sa kwarto, napatitig tuloy ako sa kisame.
Bakit pa niya ako kinuha doon kina Arlyn. Mabuti pa doon, makakatulog ako ng maayos kaysa dito.
Siya lang ang naiisip ko at ang binalita kanina. Gusto ko siyang komprontahin at tanungin tungkol sa kanila ni Quenny pero takot naman akong mag-away ulit kami.
Ang dami kong naiisip mabuti ay nakatulog din naman ako ng tuluyan dahil sa mga bumabagabag saakin.
Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo at katawan ko, marahan akong bumangon at umupo sa kama at hinilot ang noo dahil sa sakit.
"Ang sakit"Ungol ko habang hinihilot ang ulo. Lasing na lasing ako ka gabi kaya ngayon ang sakit ng ulo ko,parang biniyak.
Anong oras na kaya ngayon, kailangan ko ng bumangon at uminom ng gamot para makatrabaho ako,tatayo nasana ako para kumuha ng tubig at gamot nang bumukas kaagad ang pintuan , niluwa doon si Poseidon, napatitig ako sa dala niya.
Lumapit siya saakin . Mabilis ko namang pinunasan ang mukha ko at baka may dumi pa ito, bagong gising panaman ako .
"Inumin mo to "Binigay niya saakin ang gamot at tubig.
"Salamat"Ginawa ko ang gusto niya, kinuha ko ang binigay niya saakin,ininom ko iyon, pagbaba ko sa baso ay titig na titig parin siya saakin, naiilang tuloy ako.
"Bakit ka naglasing ng ganun?"Tanong niya kaagad.
Naalala ko tuloy ang balita kagabi, gusto kung sabihin sa kanya ang totoo pero alam kung hindi ko kaya , ayaw kung sumbatan niya ako, ayaw kung sabihin niya na fix marriage lang ito kaya anong pakialam ko sa love life niya , pinilit lang namin siya sa sitwasyong ito kaya dapat pagbayaran ko ang ginawa kong kasalanan.
"Nagyaya lang si Arlyn"
Kumunot ang noo nito na para bang hindi naniwala sa sinabi ko. Matalim ang tingin niya saakin.
"Speak it out Haziran"
He knew it !
Lumunok ako sa sinabi niya.Umiling ako at ngumiti ng hilaw .
"Wala , wala akong problema"
"I don't have girlfriend, Quenny is just my friend"Nagulat ako sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon ng deretsahan saakin.
Pagkatapos niyang sabihin iyon at lumabas naito sa kwarto.
Maniniwala baako sa kanya? Totoo ba ang sinabi niya na wala nanga sila ni Quenny?
Kahit nagdadalawang isip man akong maniwala ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya, umalis naako sa kama para maglinis ng katawan, gusto ko mang maligo ay hindi pwedi dahil sasakit ng ulo ko.
Nagdadalawang isip tuloy akong pumasok sa trabaho pero kailangan eh.
Kailangan kong pumasok lalo pa't tiyak na magiging busy ulit ngayong araw. Magbibihis nasana ako ng damit ng biglang umikot ang paningin ko.
Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit!
Kaagad akong bumalik sa kama at tinawagan nalang si Shenna ng maisip na hindi ako makakapasok.
"Pasensiya kana talaga Shenna"Pakiumanhin ko sa kanya ng tawagan ko siyang hindi ako makakapasok .
"Okay lang Haziran"
"Salamat Shenna , pasensiya na talaga"
Pagkatapos ng tawag ay binaba ko na ang tawag, hindi ako makapasok sa trabaho dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko pati narin ang katawan ko, first time kung maglasing nang ganun kaya naiintindihan ko ang katawan ko.
Lumabas naako sa kwarto at pumunta sa kusina para makakain, si Poseidon ang magluluto kada umaga dahil siya naman ang maagang gumising, kaya baka ngayon ay umalis naito para sa practice niya, kaya gulat na gulat ako ng makita siya sa kusina, hindi paito nakapagbihis.
Tiningnan ko ang orasan at halos nine am napala.
Tiningnan ko siya pabalik."Ahm, alas nuebe na pala baka late kana" Saad ko dito sabay pumunta ako sa faucet at naghugas ng kamay.
"Hindi ako pupunta sa practice"
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nito, ngalang naglakbay ang tingin ko sa kanya, sobrang gwapo nito sa white t-shirts at black shorts nito.
Simple lang suot niya pero umaangat parin ang mukha nito.
Marami sana akong itatanong sa kanya kung bakit siya hindi siya papasok ngayon,ang alam ko pa naman may practice sila pero tango lang ang nasagot ko at baka magalit ito kung magtatanong ako kaya huwag nalang.
Sumandok ako ng kanin at ulam, pumunta kaagad ako sa mesa, napatingin ako kay Poseidon ng kumuha ito ng isang malaking plato at naglagay ng maraming kanin, ganun din sa ulam. Nilagay niya ito sa gitna ng mesa, kumuha siya ng plato at kutsara at umupo sa tapat ko.
Hindi pasiya kumain? Late nangayon ah.Lumunok ako at nag-umpisa ng kumain . Napalingon ako sa bulwagan ng pintuan ng makita si nanay Lecia.
"Kain po tayo nay"Bati ko.
"Busog paako, wala kabang trabaho ngayon Poseidon?"
"Wala po nay"
Tumango si nanay at lumabas nasa kusina.Mga utensils lang ang naririnig kung ingay . Tumayo naako ng makaramdam ng busog. Kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito.
"You should eat more Haziran"
Umiling ako.
"Busog na busog naako"Pumunta naako sa sink at hinuhugasan ang kinainan. Aalis nasana ako sa kusina ng magsalita .
"Hindi ka papasok sa trabaho?"Marahan niyang tanong.
"Hindi, masakit kasi ang katawan ko at ulo."Tumango ito.
"Hindi kana dapat umiinom ng ganun"
Tumango ako sa sinabi niya.
"Wala kang gagawin mamaya?"Tanong niya na ikinagulat ko .
Umiling ako.
Bakit kaya?
"Pupuntahan kita sa kwarto mo mamaya, manonood tayo ng movies"Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya, mabilis na dumadagundong ang puso ko sa sinabi.
Totoo baito? Niyaya niya akong manood ng movies . Sa totoo lang isa ito sa mga pangarap ko sa kanya, ang manood ng movies kasama siya.
Toto ba talaga ito? Manonood ba talaga kami ng movies?
Bakit.............bakit kakaiba na ang kanyang pakikitungo saakin? Bakit nagbago siya ata bigla.
Kahit kailan hindi pa kami nagdate sa labas, o nagsine man lang. Busy kasi kami at nung kinasal kami ay trabaho kaagad ang inaatupag niya dahil ayaw niya akong makita kaya excited ako sa sinabi niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight
RomanceMATURED CONTENT! Haziran is very inlove with Poseidon, she do everything just to get him ,until the mother of Poseidon arrange a marriage with her, she's very happy, because finally Poseidon will be her.She thought that she will be happy, pero puro...