Mahal
Pagkatapos ang nangyari saamin sa banyo ay gusto ko sanang umalis nalang dahil sa panlalagkit na nararamdaman pero inaya rin kasi kami ni JK at nakakahiya namang tanggihan.
"Matatagalan kami Haziran kaya sana hintayin mo itong si Poseidon"Si Jesyril.
Ngumuso ako, piang-uusapan nila ang tour nila, ang isa sa dahilan kung bakit kami mag-away ni Poseidon.
"Sus, mahal na mahal kaya ni Haziran Si Poseidon kaya tiyak na maghihintay iyan"Biro ni JK.
"Naku baka mafall-out of love itong si Haziran, Poseidon"Si Victor.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, inis na nilingon siya ni Poseidon bago ito lumingon saakin.
Inis niya akong tiningnan pero inilingan ko siya. Fall -out of love? Impossible. Hindi iyan mangyayari saakin, mahal na mahal ko si Poseidon kaya impossibleng mawala ito .
Pero what if?
"Isasama ko siya kung ganun"
Napalingon ako kay Poseidon. Isasama niya ako?
"Naku, alam mong impossible iyan Poseidon, hindi morin naman siya mapagtutuunan ng pansin doon at siyaka bawal iyan baka may makakita pa"Si Jesyril.
Isasama niya ako talaga ako? Bakit niya ako isasama?
Hindi ba't ayaw niya saakin kaya dapat maging masaya siya kapag mafafall -out of love ako sa kanya ,dahil makakasama narin niya ang babaeng mahal niya.
Ilang oras din silang nag-uusap habang kumakain ng lunch. Nang matapos ay naisipan naming mauna na sa kanila.
Lumabas na kami sa kompanya nila,akala ko papatungo kami sa parking lot pero nagulat nalang ako ng hinakawan niya ng mahigpit ang kamay ko naglakad papuntang isang parke .
Habang naglalakad ay maraming bumabagabag saakin lalo na ang nangyari kanina sa banyo.
Parang nakalutang paako dahil sa nangyari saamin. Siya narin ang nagbihis saakin kanina dahil halos tulala naako sa banyo .
I can't believe it, I let him to do there. Nakakahiya, ganun naba kami kalibog na pati ang banyo ng kanilang dance room ay hindi namin tinantanan.
Sana naman walang CCTV doon, sobrang tagal pa naman namin sa banyo .
Ngayon ay nasa labas na kami nakahoodie siya at nakaglasses habang hawak ang kamay ko .
Tiningala ko siya. Gusto kung tanungin sa kanya kung okay naba kami, kung mahal na ba niya ako at may chance ba ang marriage namin?Kaso natatakot naman ako.
Sa ilang araw na nagdaan ay pinaramdaman niya saakin na mahalaga ako, iba narin ang kanyang paraan ng pakikipagtalik saakin, may care na ,hindi kagaya noon na kapag tapos nasiya ay iiwan kaagad ako sa kama.
Ngalang natatakot akong tanungin siya at baka masaktan lang ako sa sagot niya. Pero kung hindi ko naman siya tatanungin, aasa naman ako.
Lakad lang ang ginawa namin sa parke ,dahan-dahan niya akong giniya sa isang upuan at umupo doon, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Nakatitig ako sa kanya habang siya naman ay nasa harap ang tingin ,na kung saan ang mga bata ay naglalaro.
Kitang-kita ko ang kumikislap nitong mata habang nakatitig sa mga batang naglalaro. Tiningnan ko ang kanyang tiningnan at napangiti nalang din ako ng makita ang mga cute na bata na naghahabulan.
Hmmmm,I wonder kung gusto narin ba niyang magkaanak. He's already in he's age,pero baka ayaw pa nito lalo pa't hindi pa mabuti ang relasyon namin.
Inalis ko ang tingin ko sa mga bata at nilingon si Poseidon,nagulat ako ng mabilis itong lumingon saakin dahil sa pagtitig ko .
"Ayaw mo pabang magkaanak?"Tanong nito.
Gulat na gulat ako sa tanong niya, napatitig ako sa mga batang tumatakbo. Gusto ko naman ,kaso hindi pa ngayon, marami pa kaming dapat na linawin sa isatisa at ayaw kung masali ang anak ko sa mga problema namin, kung magkakaanak man ako ,gusto kung ready na kaming dalawa at walang problemang iniisip.
Bakit niya natanong iyan, gusto niya bang magkaroon ng anak? Pero impossible.
"Bakit, gusto mo narin ba?" Kinakabahan kong tanong, bumuntong hininga ito sa tanong ko.
"Gusto"Maikli nitong saad na ikinagulat ko.
Napakagat ako ng labi, gusto niya! Anong gagawin ko? Gagawin ko ba ang gusto niya, what if Haziran kung mamahalin ka naniya talaga kung magkakaroon kayo ng anak?
Umiling ako sa naisip, pagkakamali ang gawing rason iyon. Ayaw kung mabuntis dahil lang sa gusto kong mahalin niya ako pabalik. Mahal ko siya at desperada nga ako pero hinding-hindi ako gagawa ng hakbang na pagsisihan ko .
"Poseidon, natatakot ako.............."Gusto kung sabihin sa kanya ang saloobin ko pero natatakot naman ako at baka magalit siya.
"Haziran, tumingin ka saakin"Inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit ka natatakot?"Tanong nito.
Kinagat ko ang labi ko , bumuntong hininga ako para mabigyan ng lakas ang sarili, tinapangan ko ang tingin ko sa kanya.
"Poseidon, gusto ko na kung magkaroon man tayo ng anak dahil iyon mahal natin ang isatisa, ayaw kung magluwal ng bata kung bibigyan ko lang siya ng problema, ayaw ko nang broken family ang mayroon ng anak ko, gusto ko kung magkakanak man ako, mahal ako ng lalaki..............mahal namin ang isatisa "Halos napapaos kung saad,nakakahiyang magconfess.
Humarap siya saakin at hinigpitan ang paghawak ng kamay ko .
"Ayaw mo bang magkaanak saakin?"
Umiling ako, gusto ko. Gustong-gusto ko syempre pero hindi niya ako mahal.
"Poseidon,gusto ko syempre. Alam mo kung gaano kita ka gusto. Alam mong kaya kung gawin ang lahat para sayo, kaya kung ibigay ang lahat ng gusto mo pero sa bagay naito, gusto ko munang pag-isipan ito ng mabuti lalo pa't malaki ang responsibilidad na ito para saatin"
Huminga ito ng malalim at tumango.
"H-hindi mo ako...........m- mahal kaya huwag muna tayong magkaanak"Saad ko habang nakatitig sa harapan, sa mga batang masasayang nagtatakbuhan.
"Mahal kita Haziran"
Mabilis ko siyang nilingon,parang nabingi ako sa sinabi niya.
Ano ?
Mahal niya ako?
Totoo bato? Hinakawan niya ang pisngi ko at mariing tiningnan ako.
"Mahal kita "
Umawang ang labi ko at nag-uunahan kaagad na tumulo ang luha sa pisngi dahil sa sinabi niya.
Ito iyon eh,ito iyong gusto kong gustong makuha sa kanya. Sobrang tagal ko itong pinangarap at akala ko hindi na mangyayari ito.
He love me!
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight
RomanceMATURED CONTENT! Haziran is very inlove with Poseidon, she do everything just to get him ,until the mother of Poseidon arrange a marriage with her, she's very happy, because finally Poseidon will be her.She thought that she will be happy, pero puro...