CHAPTER 23

153 5 0
                                    

Palawan



"Segurado ka naba talaga dito Haziran?"Nag-alalang tanong ni mama saakin.

Dahan-dahan kung binitawan ang bag at nilingon ang pamilya ko, nginitian ko sila. Ilang beses ko nang inisip ito at sa tingin ko ito ang tamang desisyon.


"Segurado na po ako dito mama"

Lumapit si mama saakin at niyakap ako ng mahigpit, ganun rin naman si Hazel.


"Tumawag ka anak,sana mahanap mona ang sarili mo sa gagawin mong iyan"

Tumulo kaagad ang luha sa pisngi ko, kaagad kong pinunasan iyon.

"Aalis napo ako mama, malapit napo ang  flight ko"

Ayaw ni mama sa desisyon ko pero wala rin naman siyang magagawa.Gusto niyang kausapin ko si Poseidon ng mabuti, gusto niyang magbati kami pero nakapag-isip naako sa gagawin ko.

Nakakapagod narin kasi talaga, yung feeling na mahal mo naman yung tao pero dahil sa sakit na pinaramdam niya sayo, napagod kanalang . Kaya naiintindihan ko ang mga taong naghihiwalay, iba-iba man ang rason pero naiintindihan ko sila , nakakapagod narin kasi na paulit-ulit ka nalang nasasaktan.

Hinatid ako ni Arlyn sa airport.

"Maraming salamat"Saad ko habang niyakap siya ng mahigpit.

"Nandito lang ako palagi Haziran, tawagan mo kaagad ako kapag na karating kana doon"

"Oo"

Tinalikuran ko kaagad siya ng matapos ko siyang yakapin, bumuhos kaagad ang luha ko, sa totoo lang umasa ako. Umasa ako nadadating si Poseidon , pero alam ko namang impossible iyon dahil may problema pa siyang hinarap.

Sa totoo lang nakakalito ako. Nakapag-isip naako ng mabuti pero gusto kong dadating siya dito at pigilan ako.


Sobrang pagod ko pagkadating sa hotel kaya binagsak ko ang katawan ko sa kama at natulog. Sobrang ganda ng hotel lalo na ang dagat pero inaantok na talaga ako.

Gumising ako ng makaramdam ng gutom,naligo muna ako sa shower at nagbihis bago pumunta  sa restaurant ng hotel at nag-order na.

Nakakapanibago, kahit isang araw palang ako dito ay naninibago naako.

I will surely used  it, magtatagal ako dito at tiyak na mamahalin ko ang lugar nato.

Sa isang araw ko sa Coron Palawan ay tulog lang ang ginawa ko, bukas naako gagawa ng mga activities ko, pagod na pagod paako ngayon.

At sa susunod nga na araw ay nasa dagat lang ako, nakatitig lang  sa malawak na karagatan, I wonder kung kumusta nasiy?

Ilang araw naako dito pero si Poseidon parin ang naiisip ko, I avoid social media, iyon kasi ang sinabi ni Arlyn dahil kalat na kalat na daw ang mga pictures namin ni Poseidon.

Hindi siya tinantan ng mga tao, lalo na ang kompanya nila. Malaki ang kinakaharap nitong problema.

Nasa lounger ako ngayon,nakahiga habang nakatitig sa malawak na dagat.Kanina paako dito kaya  tumayo nalang ako galing the lounger ng makaramdam ng gutom.

Habang naglalakad papuntang restaurant ay may lumapit saakin para.

Huminto ako dahil baka may itatanong siya.


"Excuse me Miss, ahm I'm Kleen, I'm sorry but  can I accompany you, sa ilang araw mona kasi dito hindi kita nakitaan na may ibang kasama , so I wonder if you want it though?"Saad n matangkad na lalaki sa harapan ko, gwapo ang lalaki, I think he's FilAm.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon