CHAPTER 17

154 7 0
                                    

Envelope

Naging masaya ang buhay naming mag-asawa ,sa isang buwan namin bilang mag-asawa ngayon lang ako nakafeel ng peace at comfort. Kahit gabi na ang uwi ni Poseidon dahil sa practice nila ay kuntento parin ako dahil araw-araw niya akong pinaaalahanan kung gaano niya ako kamahal.

Nawala ang takot at pangamba sa puso ko dahil sa pinaparamdam niya saakin.

"Mahal kita Haziran"Iyan ang palagi niyang binubulong saakin kada umaga. Maaga itong nagigising palagi kaya nagiging nalang din ako dahil sa mga halik niya sa leeg ko at sa mga kanyang haplos.

Sa araw na nag-confess siya saakin kada umaga ay nakakascore siya. Nadadala ako sa mga mabulaklak niyang dila ,plus mga haplos niyang bumaba na sa pagitan ng hita ko.

It was a magical moment for me.........and for us.

Kaninang umaga hinatid niya ulit ako dito ,pero hanggang sa sasakyan lang siya, marami na kasing mga costumer at hindi siya pweding makita .

"Just one kiss"Masungit nitong saad ng humingi ulit ito ng halik saakin. Natawa ako at umiling pero hinalikan rin siya.

He aggressively kiss me kaya ang simpleng halik ko sa kanya ay nagtagal, nagsilab tuloy ang katawan ko pero tinulak ko rin siya.

Nasa parking lot kami at hindi pweding may mangyari saamin dito, kahit na tinted paiyang kotse niya, hindi ko hahayaang magmamake out kami dito.

Malalate ako at malalate din siya.

"Lalabas naako"Saad ko habang inaayos ang sarili. Busangot ang mukha nito.

"Fine ,pero kukunin kita dito mamaya"

Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya.

"Huwag na alam kong malalate ka , nabasa ko ang text ni Jesyril, magprapractice daw kayo ng mabuti"

Bumuntonghininga ito.

"Fine, I love you"

"I love you too"Paos kong saad bago lumabas sa kanyang sasakyan.

Nakakapanibago ang lahat  pero sobrang sarap sa pakiramdam.

Nakangiting tumingin si Shenna saakin, kaya nginitian korin pabalik ito. Panay ang sulyap niya saakin, mukhang na ninibago ito sa ngiti ko.

"Blooming na blooming kana Haziran"Tumawa ako sa sinabi niya.

"Salamat"

Kapag masaya ang puso mo , masaya narin ang pakiramdam mo sa lahat kahit may mga problema ka pa naman.

Pero nawala din kaagad ang ngiti ko ng makita kung sino ang pumasok sa shop.

Sinisira niya ang araw ko.

"Hi"Malaki ang ngiti niya saakin, na akala mo close na close parin kami , bumuntong hininga ako.

Ano nanaman ba ang kailangan niya, hihingi ba siya ulit ng pera.Hindi ako bangko para wedruhan niya kung nangangailangan siya.

"Anong ginagawa mo rito?"Malamig kong saad.

"Haziran, ganyan kana ba magreet ng isang kaibigan"Tumatawa paito, inis ko siyang tiningnan, alam kung may rason ang baklang ito kaya na parito ito.

"Magkaibigan ba tayo? Ang alam ko kasi sa magkaibigan ay hindi ito nagtratraydor"

Ngumuso ito.

"Haziran, pwedi ba tayong mag-usap"Malambing nitong tanong pero mapanuya itong nakangiti saakin.

Kaagad na akong umiling, malaki ang perang binigay ko sa kanya noon, at tiyak na kung hihingi pa siya ay erereport kona talaga siya.

Sumusobra nasiya.

"Umalis kana Jersey"Rinig ko ang pagbuntong hininga nito pero lumapit parin ito saakin.

"Alam mo, naging kaibigan parin naman kita ,kaya nandito ako dahil nakakaramdam ako ng awa sayo"

Galit ko siyang tinitigan.

"Talaga Jersey, marunong ka palang maawa. Ang alam ko kasi hindi marunong maawa ang mga ahas, nanunuklaw kaagad ito "

Mahina itong tumawa.

"Pinagsiksikan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman talaga mahal, gumising kana Haziran, impossible ang mga iniisip mo, kahit kailan hinding-hindi ka mamahalin ni Poseidon"Deretsahan niyang sabi.

Umatras ako sa kanya, ano nanaman ba ang gusto ng baklang ito at nasabi niya iyan.

"Jersey, hindi ko kailangan ang simpatya mo , kaya mabuti pang umalis kana lang"Mahinang usal ko dahil marami ng mga taong pumapasok, ayaw kung marinig nila ang pinag-uusapan namin, gustong-gusto ko siyang sigawan at kaladkarin paalis, pero alam kong hindi ko kayang gawin iyon, hindi ako bayolenteng tao.

"Talaga Haziran. Magbulagbulagan ka nalang ba  sa asawa mong hindi ka naman mahal. Ang tagal mo ng baliw sa lalaking iyan ,you should grow up and be matured"

Napailing ako , sino ba siya?

"At kailan kapa nagkaroon ng concern saakin Jersey?"Tumulo ang luha ko,hindi kona kayang pigilan pa ang nararamdaman ko

Alam kung mahal ako ni Poseidon pero nasasaktan ako sa mga salita niya, tinuring ko siyang kaibigan, minahal ko siya bilang pamilya ko pero ano ang sinukli niya saakin? Ginagatungan niya ako, sinasaktan at binibitawan niya ng masasakit na salita.

Minahal ko siya bilang totoong kaibigan tapos ganito ang gagawin niya saakin. Ano ba ang nagawa ko sa kanya at ginaganito niya ako?

"Concern ako sayo kahit papaano"Malambing nitong sabi habang papalapit saakin, may kinuha itong isang envelope sa bag niya, inaabot niya iyon saakin.

Tinitigan ko lang ito.

"Gift ko iyan sayo Haziran, alam kung sobrang sakit na ang pinagdadaanan mo, gusto kung maging masaya ka"Ngumiti paito, inilingan ko siya, kahit pera pa iyan hinding-hindi ko iyan kukunin.

"Mabuti pang umalis kanalang Jersey, hinding-hindi ko yan kukunin"Bumuntong hininga ito, nilagay niya ang envelope sa isang mesa.

"Dito ko nalang ilalagay at baka maisip mong tingnan"Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad na itong umalis, bumuntong hininga ako dahil sa nararamdaman. Sana hindi na kami magkita pa, ayaw kung maglagay ng galit sa puso ko  pero hindi ko mapigilan.

Tiningnan ko ang envelope  na nilagay niya sa ibabaw ng mesa ,hindi ko iyon pinansin bagkos ay umalis naako para makapagtrabaho na.

Nakakapagod ang araw pero , okay naman , worth it ang pagod lalo nat nasasarapan sila sa mga pastries namin. Marami kaming customer ngayon kaya nakalimutan ko saglit si Jersey.

Gabi na kaming natapos.  Nasa sasakyan naako at paalis nasana  dahil si Shenna naman ang magsasara ng tindahan ng tinawag niya ako. Sinirado ko muna ang pintuan ng sasakyan at hinarap si Shenna, hinihingal paitong lumapit saakin.

Tiningnan ko ang inabot niya.

"Nakalimutan mo Haziran"

Ito yung envelope kanina na ibinigay ni Jersey,umiling ako.

"Itapon mo nalang iyan"Nagulat ito sa sinabi ko  pero tumango rin naman, naalala ko ang sinabi ni Jersey , ano naman kaya iyan?

Naaawa daw siya saakin kaya binigyan niya ako nito?

"Shenna , akin nalang"Bumalik si Shenna saakin at inabot ang envelope.

"Heto"Inabot niya saakin ang envelope.

"Salamat" Nagpaalam na ito saakin, napatitig ako sa envelope, ano naman kaya ito?

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon