CHAPTER 11

170 6 0
                                    

Movie

Halos hindi kona malunok ang kinain ko dahil sa sakit ng lalamunan ko.

Kanina paako kumalma, pagkatapos kong umiyak kanina ay huminto rin ako. Hindi pweding iyak lang ako ng iyak dito.

Malamyos ang titig ni Arlyn saakin ngayon habang kumakain ako.

Panay ang balik sa utak ko ang binalita kanina, gustong lumabas ng  mga luha sa mata ko pero pinigilan ko lang, ayaw ko nang umiyak, pagod na ako. Ilang beses paba akong masaktan? Ilang beses paba akong iiyak dahil sa kanya? Worth it paba ito?


Tiyak na hindi nagkamali ang balitang iyon, matagal ko nang naiisip na baka nagkikita parin sila ni Quenny , kaya hanggang ngayon hindi parin niya ako minahal.

Tumingala ako dahil nag-uunahan na ang mga luha ko na umagos, kahit anong pigil ko hindi kona talaga kayang hindi umiyak ulit.

"Haziran"Niyakap ulit ako ng mahigpit ni Arlyn.

"Baka hindi naman iyon totoo, matagal nasilang hiwalay , baka ngayon lang nalaman na may relasyon sila pero noon panaman talaga iyon. Please stop crying, nasasaktan ako kapag nakikita ka ng ganyan Haziran" Pang-aalo ni Arlyn saakin.


Kumalas ako sa yakap ni Arlyn , ngumiti ako sa kanya kahit puno na ng luha ang mukha ko.

"Hindi eh, sa tingin ko nagtatago lang sila, kaya seguro hindi naako ginugulo ni Quenny ngayon kasi sila parin ni Poseidon. Kaya......hindi ako kayang mahalin ni Poseidon kasi sila parin"

"Hindi naman seguro ganun si Poseidon, tiyak na hindi kayo pagsasabayin nun"

Umiling ako. Alam kung mabait naman talaga si Poseidon, pero hindi niya ako mahal, anong laban ko sa babaeng mahal niya kung ganun ?



"Hindi ko na alam Arlyn, pagod na pagod na ako, pagod naakong masaktan, pagod naakong umiyak dahil sa paulit-ulit na rason, pero mahal ko siya,mahal na mahal ko siya. Gustong-gusto ko nang makipaghiwalay , pagod naako........... Pero hindi ko kaya , hindi ko kayang makita siyang masaya sa ibang babae, hindi ko kayang pakawalan siya"Iling-iling kong saad.

Matagal naakong pagod sa kakahabol sa kanya at kung pwedi lang iwan siya matagal ko ng ginawa pero hindi eh! Hindi ko kayang iwan siya, masmabuti na seguro ganito,huwag kang siyang mapunta sa iba,lalo na kay Quenny.


Nagkatitig ako kay Arlyn ngayon, umiiyak narin ito , hinahaplos niya ang buhok ko.


"Masakit makitang nanasasaktan ka, masakit makita na iyan ang nangyari sa buhay mo Haziran, pero gusto kung sabihin sayo na kung pagod kana at sa tingin mo hindi kaniya ipaglalaban........... makipaghiwalay kana, you deserve everything in this world at hindi worth it si Poseidon kung sasaktan kalang niya palagi"Seryuso niyang saad.

Sumihot ako .

Kahit hindi man sang-ayon sa sinabi niya ay tumango ako, pinunasan niya ang pisngi ko na puno ng luha.


"We should stop crying, manood nalang tayo ng movie"Saad nito.

Tumango ako. Tiningnan ko ang screen ng TV habang namimili siya ng movie.


"Nakapanood kanaba ng fifty shades of grey?"Nilingon ko si Arlyn at umiling, kitang-kita ko ang pagkagulat sa mata niya, umiling ito at tumawa.



"Really,ang inosente mo naman Haziran"Tumawa narin ako dahil sa gulat ng mukha niya.


"Alam mo namang The Band lang ang pinapanood ko, bakit maganda bayang movie nayan?"

Tumawa ito at tumango.


"Segi iyan nalang"


"Talaga?"


Tumango ako, umupo siya ng maayos , binalik ko ang tingin sa screen.

"Okay kana?"Malambing niyang tanong. Huminga ako ng malalim at tinanguan siya kahit hindi naman talaga ako okay .

Mayamaya ay nagstart nanga ang movie. Binigyan ako ng isang baso ng soju ni Arlyn, kinuha korin naman iyon at ininom.

Sana ngayon gabi makalimutan ko ang nangyari.


Nahihilo naako dahil sa ininom pero kaya panaman, gulat na gulat ako ng maisip na may pagkamature pala ang movie nato. Hanggang sa may sex scene na, tumingin ako at baka pala hindi ito detailed pero gulat na gulat ako ng detailed ito, tinapik ko ang hita ni Arlyn, lumingon ito saakin.


"Papatayin kona , bastos pala iyan"Saad ko.


"Huwag na, masyado kanamang inosenti, manood tayo"

Umiling ako, ayaw kong manood ng mga ganyang movie. Kahit kailan hindi paako nakapanood ng mga ganyang movie at kahit na may asawa ako wala parin akong balak na manood ng ganyang movie, hindi ako sanay.

"Manood kaniyan at e apply mo kay Poseidon at nang hindi ka iwan nun"Mahinang usal nito, kumunot tuloy ang noo ko sa sinabi niya.


"Kung gusto mo talagang hindi kaniya iwan dapat maging magaling ka sa kama, remember talo ang inosenting babae sa mga higad na babae"

Napailing nalang ako,lasing natalaga ang babaeng ito.

"Dapat na makinig ka saakin Haziran, dapat may knowledge karin about sa kama life ninyo. You should come out to your shells. May asawa kana kaya kailangan mong manood ng ganyan"

Tumawa ako at umiling. Kahit na seguro ako ang pinakamagaling sa kama hindi niya parin ako mamahalin.


Hihiga nasana ako sa couch ng tumunog ang cellphone.


Matagal ko iyong nakuha dahil halos hindi naako makatayo pa.

Lasing narin ata. Masakit narin ang ulo.


"Hello"Mahinang usal ko.


"Where are you Haziran, it's almost midnight!?"Galit nasabi ni Poseidon.

Nasa bahay basiya? Diba may practice sila?


"Saan ka ngayon?"Mahinang tanong ko.


"I should be the one asking that, where are you, are you drunk?"Matigas nitong saad saakin.


Bumalik ako sa couch, nakita kung tulog na doon si Arlyn, tumabi ako sa kanya ng higa.


"Haziran!"Kulog na saad ni Poseidon ng hindi naako nagsalita pa.


"Nasa kina Arlyn ako"Napatitig ako sa screen ng TV, hindi parin nakapatay ang pinapanood naming movie kanina, kaya napangiwi ako ng sex scene parin iyon.


"Pupuntahan kita diyan"


Nagising ako sa sinabi niya.


"Ha , huwag na dito nalang ako matutulog"Naalarma kong saad. Lasing ako at siyaka galit din ako lalo nasa nabalitaan kanina. Ayaw kong mag-away ulit kami. Kaya dito naako matutulog.


"Pupuntahan kita diyan, alam mong hindi tayo magkikita ng ilang buwan tapos ikaw diyan natutulog sa ibang bahay"Malamig niyang saad saakin.



Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya.



"Pupuntahan kita diyan" Pinal nitong saad.

Ngingiti nasana ako pero pero bigla kong naalala ang balita kanina.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon