SS: One Shot (2)

74.4K 4.2K 3.7K
                                    

Something Spectacular: One Shot (2)

Note: This one shot is not related to the original story whatsoever and for entertainment purposes only. I just miss them. My Arcadian.

Timeline: When Gavin was still part of Arcadian

Prompt: The time when Gavin asked Isabelle to write his notes for him.

//

Isabelle's POV

Pumasok si Gavin sa Arcadian office na nakakunot ang noo. Madalang ko lang makita ang ganitong expression mula sa kanya. Hindi ko napigilang magtaka pero hindi ko pinahalata sa kanya.

Nilabas niya ang isang manipis na notebook sa bag niya saka pinatong ito sa conference table, sa tabi ng laptop kung saan ako nagt-type. Himala, may laman pala ang bag niya?

Umupo siya sa swivel chair sa tabi ko at bumuntong hininga. I resumed typing my report in my laptop na tila walang naririnig. He scooted closer with the swivel chair and sighed, this time louder. Alam ko ang gusto niyang mangyari kaya lalo ko siyang hindi pinansin.

Lalo siyang lumapit at pinatong ang kaliwang pisngi sa malamig na table at muling bumuntong hininga habang pinagmamasdan ako. I inhaled, closed my laptop then faced him.

"Okay, what?" I asked, arms folded in front of my chest. "Kanina ka pa nagpaparinig, Gavin."

His lips pulled up in a pout like a naughty kid. "Dami ko kailangan isulat, babes," reklamo niya. "Ayaw na akong pahiraman ng notes ng mga kaklase ko."

"Ikaw ba naman kasi ang manghiram ng notes sabay palibre ng photocopy?"

His lips instantly pulled side to side in a grin. "Syempre, para sulit."

I rolled my eyes at his remark. Gavin was the type of student professors considered as trouble in class. Kahit nga wala sa klase, kung ano-anong kalokohan na ang ginagawa.

"Just start writing para matapos mo agad," I muttered.

"Tinatamad ako, babes." His face remained resting against the table surface, tamad na tamad.

"Seriously, Gavin? With all that sighing, you should at least have the initiative."

"Pangit sulat ko babes. Hindi ko maintindihan kapag binasa ko na."

"I can't be that bad," I insisted saka inabot ang notebook niyang nakapatong sa table. I opened and flipped the pages to see his notes, followed by a scrunch of my face.

"What the heck?" It's like the handwriting of a grade school students in all uppercase letters with no proper sizing. His notebook was lined pero maging sa linya lumalampas pa siya.

"Nag-picture nga lang ako sa board noong nagd-discuss prof namin kanina," patuloy niyang reklamo.

"Just start writing down. Matatapos mo din naman," I told him. But instead of doing what he was supposed to do, he started going around the room, playing with the swivel chair.

"Babes..."

"What?"

Muli siyang lumapit sa'kin. "Pangsulat mo ako."

Tinitigan ko siya nang masama. "Gavin, wala kang kamay?"

Inabot niya ang armrest ng swivel chair kung saan ako nakaupo para hilain ang sarili niya sa harapan ko. "Mas maganda sulat mo babes. Ikaw siguro ang pinagsusulat sa blackboard ng teachers noong grade school."

"Nang-uto ka pa?" irap ko sa kanya.

He chuckled. "Honest lang."

"What would I get in return?" I asked, arching an eyebrow.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon