Spectacular: Thirty

301K 16K 4.6K
                                    

30.

I waited for Saturday to arrive. Ito ang araw na pupuntahan namin ang address na nakalagay sa files ni Gavin. Ang bayan ng San Luis. It was an hour drive from the university.

Maaga kaming nagkita-kita sa harap ng university. Walang may alam sa lugar at umaasa lang kami sa address na binigay ni Gavin.

Katabi ko si Pia sa loob ng minivan. Naka-harap siya sa laptop. Maliban sa paghahanap kay Gavin isang bagay pa ang kailangan naming pagtuunan ng pansin. The magazine.

The issue we were working on was scheduled to be release early this semester. It was an issue Gavin was still part of.

Pinagmasdan ko ang labas ng bintana. Kalahating minuto na ang nakakaraan mula nang magbyahe kami. These houses, the trees, the people. These are the scenery Gavin passed by everyday. These are all familiar to him. This is home for him. Are you here, Gavin? Would you greet us with your familiar grin?

Pagdating namin sa bayan ng San Luis nagtanong tanong kami sa mga taong nadaanan namin. Sinabi nila na nasa dulo ng bayan ang address na tinutukoy namin. Oras ang lumipas sa aming pag hahanap. Minsan ay paikot ikot kami sa isang lugar o tumitigil ng ilang beses upang magtanong.

Hininto namin ang sasakyan sa gilid ng daan. Halos walang ibang sasakyan na dumadaan sa parteng ito ng bayan. Ang huling napag-tanungan namin ay ang tindera ng prutas sa gilid ng daan at dito niya kami tinuro.

"Tingin niyo may mga kabahayan pa paglampas natin dito?"

Nakatanaw kami sa walang katapusang bukid sa tabi ng daan. Nakatayo kami sa labas ng minivan. Lawrence was eating a type of sticky candy we bought at a store along the way.

"Dito tayo tinuro." Sagot ni Charlie.

"Tama tayo ng daan."

Napalingon kami kay Stephen. Inayos niya ang kanyang glasses.

"May nasabi sa akin noon si Gavin na may ginagawang daan sa kanila kaya siya madalas malate. Tingnan niyo."

Tiningnan namin ang kanyang tinutukoy. Isang sign sa di kalayuan ang aming natanaw.  Road construction ahead.

"Kung ganoon nasa tamang lugar tayo."

Inubos ng mga kasama ko ang kinakain bago pumasok muli sa sasakyan. Nagbyahe muli kami. Hindi ko mapigilan na umasa. Malapit na kami, Gavin.

Magtatanghali na noong marating namin ang eksaktong address na tinutukoy sa files. The neighborhood was not what we expected. Beyond the empty field was actually a decent neighborhood. Isang tahimik na subdivision.

Pinagmasdan namin ang bahay na nasa aming harapan. The house was modern, painted in slick cream and black accent, with a lot of green plants.

Gavin.

Lumabas si Lawrence, Pia at ako mula sa minivan. Lumapit kami sa bahay. Si Pia ang pumindot ng doorbell. Naghintay kami na may lumabas mula sa bahay. Ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Muli itong pinindot ni Pia saka sinamahan ng marahan na katok sa itim na gate.

"May kailangan ba kayo?"

Napalingon kami sa gate ng kabilang bahay. Mula dito ay lumabas ang isang matandang babae.

"May hinahanap po kaming kaibigan."

Tinitigan kami ng matanda.

"Wala ng nakatira sa bahay na yan."

Napakurap ako. "Ano po?"

"Mag iisang buwan ng walang nakatira sa bahay na yan."

Umiling ako. Hindi.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon