21.
Pinagmasdan ko si Gavin. My face flushed. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang normal lamang sa kanya ang kanyang sinabi. Umiwas ako ng tingin at bahagyang sumimangot.
“Don’t joke around. That was a serious question.”
Ngumiti lamang siya. “That was a serious answer, babes.” Sinabi niya na ginaya ang tono ko.
Mas lalo akong sumimangot. Nagpigil siya ng tawa nang makita ang reaction ko. Maya maya pa dumating si Manang Flor na may dalang juice. Hindi ako nakaimik. Lalo na nang napansin niyang namumula ang mukha ko. I tried to respond but failed. Mas lalong natawa si Gavin. Tinakpan niya ng kamao ang kanyang bibig at umubo kunwari para itago ang halakhak niya habang tinatanong ako ni Manang Flor. Pakiramdam ko sinadya niyang sabihin yon to get me out of track. Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.
“Kayo talagang mga bata kayo.” Nakangiting sinabi ni Manang Flor nang mapansin ang pag aasaran naming dalawa. “Sige na nga at maiwan ko na kayo. Mag enjoy kayo sa date niyo.”
Date? Doon hindi napigilan ni Gavin na humalakhak. Lalo na nang makita niya ang reaction ko sa sinabi ni Manang Flor.
“Syempre naman, Manang Flor.” Sinabi niya na sinakyan pa ang maling akala ni Manang Flor. “Iniingatan ko ‘to eh.”
Napailing nalang si Manang Flor habang nakangiti. Nag paalam siyang babalik sa kanyang stall. Nang makaalis na siya, humarap ako kay Gavin. Ngumiti lamang siya. Inalis niya ang kanyang braso sa mesa at sumandal sa upuan. It was a carefree gesture. The very opposite of my crossed arms and raised eyebrows. Doon ko napagtanto na matagal kong hindi nakita ang gesture na yon sa kanya.
“Nakakunot nanaman ang noo mo, babes.”
My frown deepened. Natigilan ako noong muling humarap si Gavin sa akin. Lumapit siya sa akin mula sa mesa saka inabot ang noo kong nakakunot. Hinawakan niya ito na tila ba pinapantay ang kunot nito. Napakurap ako at napatitig sa kanya.
“Hwag kang sumimangot, babes.”
Masyado siyang malapit. I can almost smell his cologne and the dampness of his hair. He is always been like this, too comfortable with people around him. But why does Gavin’s still a mystery for me? Maya maya pa tumayo si Gavin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo ako. Nagtatakang pinagmasdan ko siya.
“Where are we going?” tanong ko.
“Tototohanin ang sinabi ni Manang Flor.” he said.
I just stared at Gavin. Napaka unpredictable niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. One moment he’s messing around, and the next he’s completely serious.
“Pero hindi pa ako tapos—“
“We have no time.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Biglang dumako ang tingin ko sa kanyang wrist na hawak ako. May isang maliit na salita ang nalakagay doon. Nakasulat ito sa blue ballpen at tila ba ilang beses binura ang nakasulat dahil sa mantsa ng blue ink na kumakalat sa gilid.
NOW.
Pinagmasdan ko ang nakatalikod na si Gavin na naglalakad habang hawak niya ang kamay ko. Gavin has so many sides. I don’t know which one to believe. I don’t know which one to save.
—-
Halos seven na ako nakauwi ng bahay noong hapon na yon. Kung saan saan kami napadpad ni Gavin. Madami kaming sinubukan na stalls. Just casually strolling and messing around. Minsan hihinto kami sa madaanan naming stall, titingin ng kanilang paninda, bibili kapag may nagustuhan, makikipag kwentuhan sa nagtitinda, makikipagbiruan.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...