32.
Halos manlamig ang buo kong katawan dahil sa aking nakita. I stood there, staring at the empty bottle in my hand. Bumukas ang pintuan ng office. Halos mapapitlag ako. Rhea came back from throwing the trash outside the building.
"May mga gamit palang naiwan si Gavin," puna niya nang makita ang nakabukas na locker.
Muli siyang bumalik sa paglilinis ng pantry.
"I've never expected any of this to happen, you know. Isa siya sa mga taong hinahangaan ko, hindi lang dito sa office kundi sa buong university. Why would he leave us?"
Napansin ko na tumigil ang kanyang kamay mula sa pagpupunas. Nakatalikod siya sa akin ngunit ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Gavin treated Rhea as his little sister in Arcadian.
"Do we suffocate him?"
Humigpit ang hawak ko sa bote. No, Rhea, no. We didn't... That's what I want to believe. Humarap siya sa akin na may pilit na ngiti.
"But I'm sure he's waiting for us, isn't he Isabelle?"
At noong mga oras na yon alam kong hindi ko maaaring burahin ang ngiting yon sa mukha ni Rhea. Not until I'm sure of what is it for. Kaya pilit kong tinago ang bote at ngumiti.
"Hinihintay niya tayo."
--
Noong gabing yon pagdating ko sa bahay agad kong binuksan ang aking laptop. I searched for the name of the medicine on the label.
Procarbazine.
Madaming link ang lumabas ngunit isa lamang ang nakakuha ng attention ko. Inulit ko ang pagbabasa. Tila ayaw rumihistro sa aking utak ang mga nakita.
"Procarbazine is a chemotherapy medication used for the treatment of Hodgkin's lymphoma and brain cancers."
Napasandal ako sa aking upuan. Namalayan ko nalang na sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. This can't be happening. This is a nightmare right? He's healthy... wala siyang sakit. He just love playing these mind games. Please, stop this.
Tahimik akong umiyak. Tila tuluyang naubos ang aking lakas. Hindi ko magawang tumigil. There must be something here... to alter this. Gavin... he can't be sick.
Hindi ako nakatulog. I kept replaying the times I was with Gavin, and searching for the moment where everything went wrong. I stare at his pictures on my phone. He has a lot of them. He loves taking goofy pictures with me and with the group. Ang phone ko ang naging gallery niya ng mga pictures.
Almost all of his pictures were smiling, goofing around. There's no traces of him being sick, there's no-
Isang bagay ang napansin ko habang nakatitig sa isa sa mga pictures. Dumako ang tingin ko sa kanyang wrist. There were letters and numbers scribbled on his wrist using a pen. Bigla kong naalala ang mga pagkakataon na nakita ko ang mga ito sa kanya.
"Reminders." He once said to me. "To live."
We might know where to find Gavin, but we never know what we might found.
--
Lumipas ang mga araw. Hindi ko alam kung tama ba na itago ko ang nalaman ko sa aking mga kasama. I was still hoping I was wrong. Umaasa ako na may iba pang dahilan kung bakit meron siya ng bagay na yon sa kanyang gamit.
I would rather lie to myself than face this. Hindi ko kayang tanggapin ang mga posibilidad na pumapasok sa aking isip.
Hindi ko gustong dumating ang araw ng Sabado. Hindi ko gustong kompirmahin ang aking hinala. Just let me stay here in the middle where things stays neutral, and where hope of finding him still shines through our eyes.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...