13.
They are not joking. The Foundation Week for university organizations like The Arcadian is no joke. For the first few hours of Monday I was culture shock. Hindi ko alam ang gagawin.
Dumating ako sa university ng six o'clock ng umaga. Mas maaga ito kesa sa regular classes namin dahil sa naka schedule na parade at street dance performance. Nagtataka man sila Mama sa pag alis ko nang maaga, nagpaalam ako na dadalo sa buong lingo ng Foundation Week.
They asked me some questions dahil alam nilang hindi ako mahilig pumunta sa university activities. Pero sinabi ko na may attendance ang pag dalo namin kaya hindi na humaba pa ang usapan. They know attendance somehow has credits and I'm not exactly lying.
Dumating ako na nakasuot ng running shoes, comfy pants, at cotton shirt tulad ng sinabi sa akin ng mga members. Dala ko din ang fully charge phone ko at ilang notes ng events para sa buong week.
Naka-assign kami ni Rhea na mag cover ng parade. We also have to take a few pictures of it. At first it was fun and easy. Nagstart ang parade sa harap ng main building. May mga floats na binabalutan ng bulaklak kung saan nakasakay ang mga kasali sa Ms. Foundation. Makukulay ang suot ng mga street performers na Filipino Fiesta ang theme, ganoon din ang drum and lyre groups na nangaling pa sa high school unit ng university.
The atmosphere was fun, colorful, and lively. Madilim palang ay nakaset up na ang parade sa harap ng university. Kinuha namin ang pagkakataon para mag interview at manguha ng pictures. Eight o'clock nang magsimula ang parade. At doon ko naramdaman na hindi biro ang task namin.
Tirik ang araw. Mabagal ang takbo ng parade dahil sa dami ng floats at traffic during rush hour, madaming naging aberya sa daan at ilang motorista. Naglakad kami sa side kasabay ng parade. The parade lasted for two straight hours. Mabuti nalang at may dala kaming tubig and Rhea is wearing a shirt with hoodie.
Hindi namin nakita ang ibang kasama namin maliban kay Gavin at Stephen. Dumating sila at naabutan kami nang halos nasa gitna na ng route ang parade. Sila ang naka-assign sa booths na kasalukuyang sine-set up sa university para kapag natapos ang parade ay may pupuntahan ang mga estudyante. Dinaanan lamang kami nina Gavin para kamustahin bago dumerecho sa university.
Napansin ni Gavin na halos namumula na ang mukha ko dahil sa init ng araw. Tinawanan niya ako at kinurot ang pisngi ko. Bago umalis inalis niya ang cap na suot niya at nilagay sa ulo ko.
"Sa susunod babes, magdala ka ng pananga sa init." nakangiting sinabi niya bago umalis. Pinagmasdan ko ang paglayo nila bago ako hinila ni Rhea dahil umuusad na ang parade.
--
Ten o'clock na noong makabalik kami sa university. At halos magulat ako sa pagbabago ng itsura nito mula noong iniwan namin two hours ago. Ang mga inaayos nilang streamers ay nakasabit na, maging ang tarpaulin sa harapan. May mga signs tungkol sa mga available booths at open house ang Foundation kaya pwedeng pumunta maging ang mga taga ibang school.
Sa likod ng university dumerecho ang mga floats at mula doon nagkalat na ang mga estudyante na sumama sa parade. Nang pumasok kami sa loob ng school nakita ko ang ilang mga kaklase ko at nag sign ng attendance. Nagtaka ang class president namin dahil mukhang kanina pa ako dumating. She has no idea how early I am and how tired considering it's just ten in the morning.
Nagkalat ang booths sa quadrangle at bawat maluwang na space sa university. May iba't ibang booths kasi para sa bawat department. Kadalasan ay nasa tapat ng mga college building ito. Kaya naman matapos ang mga booths sa harap ng university ay may dadatnan ka pa sa loob.
Nagpahinga kami ni Rhea sa office. Halos mag dive siya sa sofa at i-full ang aircon. Wala kaming nadatnan na tao doon. Pero base sa mga gamit na nasa kwarto, nandito na ang halos lahat at malamang nasa labas na para mag cover ng upcoming events na naka-assign sa kanila. Nagpaalam si Rhea na iidlip ng ilang minuto. I told her na lalabas ako.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...