20.
Pinagmasdan ko si Gavin na nasa harapan ko. Ang bahagyang pinagpapawisan na noo, ang medyo magulo niyang buhok na dumidikit sa kanyang noo, at ang ngiti sa kanyang labi.
“Gavin.” I exclaimed.
Halos mapatayo ako mula sa bench. Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang mascot head sa kanyang lap.
“I knew it was you.”
Bahagya siyang humalakhak saka muling pinatong ang kaliwang braso sa ulo ko, nangaasar.
“Nakita mo sana ang mukha mo kanina, babes. Am I that cozy?” ngisi niya habang nakaharap sa akin.
I just stared at Gavin. He’s being his usual self with his playful remarks. Pero pakiramdam ko may nagbago sa kanya. Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. I really miss Gavin.
“You should have told me earlier.” sinabi ko.
Ngumisi lamang siya. This is his part time job na nabanggit niyang magsisimula ngayong araw. Naalala ko ang uneasiness sa boses siya kagabi noong nakausap ko siya. Pero ngayong nasa harap ko na siya tila nabura ang pag aalalang yon sa kanyang mukha.
Who are you, Gavin? What are your secrets?
Napansin ko na natigilan siya nang makita na bahagyang nawala ang mga ngiti ko. “May problema, babes?”
Mabilis akong umiling. Muling bumalik ang ngiti ko. Hindi ko dapat na sirain ang ngiti niya dahil sa pag aalala ko. Muli kong napansin ang malambot na teddy bear sa harapan ko. Hindi ako mahilig sa stuffed toys. But this life size teddy bear mascot in front of me is too cute.
“Oy, anong tingin yan babes?” natatawang tanong ni Gavin. “May masama ka nanamang binabalak ‘no?”
Hindi ko napigilan na muling yakapin ang teddy bear. Pareho kaming nakaupo sa bench. Bahagyang natigilan si Gavin.
“The most charming teddy bear in town.” sambit ko.
Sumimangot lamang siya. “Yong mascot lang? Kamusta ang nasa loob?”
Mas lalo akong napangiti. “Yeah, and the most charming mascot man.” I said with a grin.
Kumalas ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap. Ngunit natigilan ako nang maramdaman na mas hinila ako ni Gavin upang manatiling nakayapak sa kanya. Bahagya akong tumingala.
“Uhm, Gavin?”
Hindi siya nakatingin sa akin. Instead, he was staring straight ahead. Tila ba may malalim siyang iniisip. And that’s where I noticed that his eyes seemed clouded.
“Are you okay?”
“Five seconds.”
Kumunot ang noo ko. “What—“
“Five.”
Nagsimula siyang magbilang habang yakap parin ako.
“Four.”
Napakurap ako. I can feel the mascot’s warm body against me. But it was Gavin, his voice, the feel of his neck on my cheeks, ang kamay na kinukulong ako sa kanyang bisig.
“Three.”
It was an unexpected gesture; some people are now staring at us. Merong mga napapangiti.
“Two.”
But why do I feel sad about this?
“One.”
Kumalas ang kanyang mga braso mula sa pagkakayakap. Bumaba ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti.
“It’s called Gavin's five-second hug.” biro niya. His smiles. It was always been friendly, charming, and warm.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...