Spectacular: Five

539K 20.7K 4.5K
                                    

5.

Sabado. Ang araw ng pag decision.

Alam ni Dad na niyaya ako ni Melanie Aragon sa meeting nila ngayong araw. Nasabi niya yon sa dinner kagabi. Noong mga oras na yon ay fixed na ang isip ko na wala akong ano mang sasalihan. Pero dahil sa nalaman ko, nagbago ang lahat ng ito.

"Totoo ba na ininvite ka sa general meeting nila?"

"Yes, Dad." tanging sagot ko habang nasa gitna ng pag cut ng steak.

"So, anong oras ka pupunta?"

"I'm not going." I said firmly yet calmly. "I told you, hindi ako sasali sa kanila."

"You're wasting a rare opportunity. Hindi madali ang makapasok sa isang Student Council. Lalo na sa partylist na nasa mismong position. Madami ang gustong makuha ang chance na meron ka pero hindi sila kasing palad mo."

Napahinto ako sa pag cut ng karne. "You're right, Dad. They are not me. And I'm not them. They may want this, but I don't. So how can I feel privilege?"

Lumingon si Mama sa direction ko na para bang tinatanong kung may sakit ako.

"Hindi ako sila, o kayo, o si Melanie Aragon. So this may not be as important to me as to you or everyone you know who will love to have this opportunity." Tumikhim ako para itago ang masamang pakiramdam na bumara sa lalamunan ko. "Please, understand, Dad."

Pinagmasdan lang ako ni Dad. Tila ba sinusubukang basahin ang nasa isip ko. "Okay then. Just focus on your studies." Dad said with a firm tone.

"Hindi niyo ba tatanungin kung ano ang gusto ko?" I asked.

This time kumunot na ang noo ni Mama. "Isabelle, napag usapan na natin ang tungkol doon, hindi ba?"

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Gavin. Trapped. Hindi mo na alam kung paano lumabas.

"Yes." Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring nagpatuloy sa pagkain. "And I don't remember agreeing with you."

—-

Hindi ako nakatulog. Nanatili akong nakahiga sa bed at nakatingin sa ceiling habang inaalala ang huling sinabi ni Dad noong dinner. Kung ano man ang gusto kong mangyari ay mabuti pang kalimutan ko na. Dahil wala itong maidudulot na maganda para sa akin.

But unfortunately, this time wala akong pakialam. Pareho lang. Magkakamali rin lang ako sa mga bagay na hindi ko naman ginusto, kaya mas mabuti nang magkamali sa pinili kong decision.

—-

Saturday morning, lumabas ako sa kwarto ko at bumungad sa akin ang tahimik na bahay. Maaliwalas ang paligid at maliwanag. Walang tao dahil kahit Saturday ay may pasok si Mama at Dad.

Bumaba ako sa kusina at natigilan nang makita si Nana Lourdes. Isa siya sa mga kasama namin sa bahay na halos nagpalaki na sa akin. "Good morning, Nana." bati ko. "Anong oras ka nakauwi?"

Nitong nakaraang lingo kasi ay nagpaalam siya kina Mama para bisitahin ang mga kamaganak niya sa Aurora na ilang taon ding hindi nakikita. Tumigil siya sa pagpupunas ng sink nang marinig ang boses ko.

"Kaninang madaling araw, hija. May mga pasalubong pala ako sayo. Gusto mo ng buko pie?"

Ngumiti ako. "Later, Nana. Pagdating ko."

Pinagmasdan niya ako. "May lakad ka?" tanong niya nang napansin ang ayos ko.

I'm wearing faded jeans, red Vans, and a dark blue printed shirt that says 'Team Awesome', with my hair in a messy bun. Dala ko din ang maroon na backpack ko. Umupo ako sa isa sa mga stool sa counter kung saan nakaharap ako sa kusina. "Actually meron."

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon