17.
It was Friday, the last day of the first semester. Isa sa pinaka tensed at pinakamasayang part ng isang buong sem. Katatapos lamang ng final exams at makikita sa mga mukha ng mga estudyante ay either relief or frustration. College is a crazy roller coaster of emotions like that.
Sa hallways nagkalat ang mga estudyante na katatapos lamang ng kanilang huling exams. May makikita kang halos maiyak, nakasandal sa pader ng hallway at nakatunganga sa kawalan, mga magkakaibigan na inaalo ang isa’t isa, mga confident na ngiti ng ilan, mga Professor na nakangisi, at kung ano ano pang eksena.
Matapos ng exams ay simula na ang pagdadasal. Prayer vigil, biro nga ng ilang estudyante. Dahil ilang araw lang matapos ang exams ay mapo-post na ang mga grades sa school website at malalaman na kung saan ka bumagsak at saan ka nagexcel.
Pumunta ako sa office noong hapon na yon at naabutan ang mga kasama ko. Kanya kanyang pwesto sila sa bawat sulok ng office. Nakahiga sa sofa si Lawrence at nakatingin sa ceiling, si Rhea naman ay nakatunganga habang hawak ang pusang si Arki, si Gavin nilalaro ang isang ballpen sa kamay habang nakaupo sa silya at nakapatong ang binti sa conference table.
Naalala ko ang pag uusap namin noong nakaraang lingo. Lagi, tuwing natatapos kaming mag usap hindi niya na ito pinapaalala pa. Bumabalik kami sa pagiging masayahin o seryosong estudyante. And I prefer it that way. Tulad ito ng napansin ko sa grupo noong pumunta kami kina Lawrence.
We are keeping the issues of one another. We knew and we accept it, we didn’t talk about it, bring it out, or ask questions. We understand. Maybe that’s what being with The Arcadian is all about.
“Kamusta ang exams?” tanong ko.
Naging usual na bati namin ito this week. Ang kamustahin ang exams ng bawat isa kapag nagkakasalubong kami sa pathways or sa gate. Lawrence only grunted in response.
“The usual final exams result.” said Rhea with a sigh.
“Simulan mo ng magdasal sa lahat ng santo baka pagbigyan ka.” pagpapatuloy ni Lawrence.
Napatingin ito sa akin. “Ikaw, Isabelle? Kamusta ang exams?”
Sighing, umupo ako sa sofa na katapat ni Lawrence. “Fine, I guess. I’m not satisfied with the finals pero nakapag invest naman ako ng grades this past exams kaya macompensate naman siguro.”
“Alien language ba yan, babes?” tanong ni Gavin. “Invest, compensate.” sinabi niya saka humalakhak.
I frowned. He’s back at it again with his playful remarks. Madalas niya akong asarin tungkol sa business terms na nagagamit ko on daily basis.
Matapos ang asaran ay pare-pareho kaming napatunganga sa kawalan. Pumasok si Stephen at Charlie sa office at maging sila ay tila ba lutang din. Hey, welcome to college where final exams make you question every decisions you made in your entire life. Halos sabay sabay kaming napabuntong hininga.
Maya maya pumasok si Pia sa office. Kahit pa siya ang pinaka energetic sa amin madalas, tinablahan din siya ng curse of the finals week. Pabagsak siyang umupo sa isang silya.
“Hey, guys. Ano na? Tapos na ang exams oh. Tama na ang pagmumokmok.” natatawang sambit niya nang mapansin ang mga mukha namin.
Lumipas kasi ang ilang minuto na tahimik parin kami. This is very unusual of us. Unusual and sort of funny when you look at it.
Nakaupo si Lawrence sa sofa at nag stretch. “Ahh.” he groaned. “Tama na nga to. Magunwind nalang tayo.”
Nagkatinginan ang grupo at napangiti. “The usual?” tanong ni Charlie.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...