Spectacular: Nineteen

356K 17.7K 7.2K
                                    

19.

Noong hapong yon ay nagtext ako kay Gavin. Tinanong ko kung bakit hindi siya nakapunta sa meeting ng Arcadian. Pero sumapit ang gabi ay wala parin akong nakuhang reply mula sa kanya.

Nagsimula na akong mag alala. Kadalasan kapag nagtetext ako kay Gavin ay sumasagot ito sa oras na makita niya ang message. Sinubukan din namin siyang tawagan kanina pero nakapatay ang phone niya.

Nakahiga ako sa kama, with my pizza printed pajama habang nakaharap sa ceiling habang hawak ang phone ko at tinititigan ang screen nito. Maya maya pa halos mahulog ang phone sa mukha ko nang biglang tumunog ito.

Bahagya akong napadaing bago tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Charlie. Sinagot ko kaagad ang tawag. I wonder kung kamusta ang naging out of town ng pamilya niya.

“Hey.” bati ko.

Napansin ko agad na nasa loob siya ng sasakyan, maybe on their way home. Mahahalata ito sa boses niya at sa boses ng kanyang kapatid sa background tinatanong kung pwede silang mag stop over sa 7/11.

“Kamusta ang meeting?” tanong niya. “Did I miss something?”

It’s typical of Charlie to be concerned about missing the meeting since he’s the Associate EIC. Medyo strikto din siya minsan. Sa mga lalake, siya ang isa sa pinakamatinong kausap.

Sinabi ko ang ilan sa mga pinag usapan sa meeting. We talked about it for a while. Maya maya pa nasabi ko na hindi nakapunta si Gavin tulad niya. Sandali siyang natahimik dahil sa narinig.

“Hindi ba nagpaalam sa inyo?” takang tanong ni Charlie matapos tila nag isip. “Nakita ko siya bago kami umalis sa bayan. Ang aga niya nga eh. May bibisitahin ata sa Hospital.”

Hospital? Bigla akong nag alala. Walang sinasabi si Gavin tungkol dito. “Kamag anak niya ba?”

Hindi agad nakasagot si Charlie tila may inaalala. “Walang siyang sinabi eh. Basta pupunta sa Hospital.”

Tumagal ng ilang minuto ang pag uusap namin ni Charlie bago kami parehong nagpaalam. Nang ibaba ko ang phone hindi ko mapigilang matigilan. My thoughts drifted to Gavin. Noong mga oras na yon ay napagtanto ko ang isang bagay.

Gavin knows so much of me. Even those emotions and thoughts na kadalasan ay ako lang ang nakakalaam. Pero ako, wala akong alam tungkol sa kanya. Napansin ko hindi niya madalas mabangit ang mga personal na bagay tuwing nag uusap kami.

Maliban sa pagiging parte ng Arcadian, sino nga ba si Gavin Nicholo Delos Reyes?

—-

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nagbabasa ng libro. Inabot ko ang phone ko sa side table habang bahagya pang nakapikit. Nahulog sa sahig ang librong binabasa ko bago ako nakatulog. I groaned. Sinilip ko ang orasan sa pader. Past twelve ng gabi.

“Hello?” I asked sleepily whoever is on the phone.

“Babes.”

Tuluyan akong nagising dahil sa narinig. “Gavin?” I checked the screen of my phone to be sure. It was indeed Gavin.

“Nagising ba kita?”

Gavin’s voice was low, husky even, beneath a noiseless background. Tingin ko nasa loob siya ng kanyang kwarto.

“Nakatulog ako habang nagbabasa ng libro. But it’s fine.”

Sinindi ko ang lamp shade sa bed side table saka pinulot ang libro mula sa sahig at pinatong ng maayos sa mesa.

“Nag advance reading ka nanaman ba?” tanong niya. I imagine Gavin’s eyebrows furrowed. “Bakasyon, babes.”

Napangiti ako. I held the phone tighter into my ears. Muli akong humiga sa bed. “It’s a fiction book.” Maya maya pa tuluyang nawala ang ngiti sa labi ko. “Where are you? Bakit wala ka kanina sa meeting?”

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon