Spectacular: Twenty Five

373K 16.7K 6.3K
                                    

25.

We were late. Natapos na ang orientation ng mga kasama sa convention noong dumating kami. They were already heading to their respective hotel rooms. Nagtakbuhan kami papunta sa multi purpose hall sa tabi ng kidney shape pool. Nasalubong namin ang ibang kalahok. We smiled sheepishly and told a few we got lost. Some of them offered amused smiles.

Nakipag usap si Pia sa coordinator ng convention. Nagpaliwanag siya kung bakit kami late dumating. The coordinator, Miss Grace, was kind enough to give us the important points we missed during the orientation.

Matapos ang briefing ay binigay ni Miss Grace ang susi ng aming kwarto. The money was forwarded a few days back for our accommodation. Nagpa alam kami at muling bumalik sa minivan kung saan namin iniwan ang aming mga gamit. Naiwan doon si Gavin at Stephen.

Nang makalapit kami nakita namin ang dalawa na nakatanaw sa malawak na dagat sa harapan ng resort. Nakaparada ang van sa buhanginan sa ilalim ng dalawang puno ng niyog. Hindi namin napansin ang tanawin kanina dahil nagmamadali kaming makalabas. But looking at the place, the warm salty breeze kissing our city skin, the foreign noise of the waves hitting the sand, the mid morning rays of the sun reflected on the calm water, and my friends staring at its magnificence, it dawned on me how far we are from home.

Ang tanawin na ito, ang mga kasama ko, the convention itself. Everything was what the old Isabelle had wish for. Now I'm here, feeling the breeze on my skin, smiling with my friends.

Charlie and Lawrence were smiling, probably relieved that we finally made it. Pia stretched her arms beneath the warm air. Rhea was beside me grinning widely. Tinanaw ni Stephen ang karagatan habang tinatakpan ang kanyang mata mula sa sikat ng araw. And Gavin was leaning on the tree trunk.

"Sabi na.Boss, makakarating din tayo ng buhay."

Nasira ang atmosphere dahil sa sinabi ni Lawrence. Kumunot ang noo ni Pia. Natawa ang mga kasama ko.

"Tara na nga. Kunin niyo na ang mga gamit. Baka mapagalitan pa tayo."

Ngingiti ngiti si Lawrence nang pumunta siya sa sasakyan at kinuha ang mga gamit dito. Ganoon din sina Gavin. Naglakad kaming muli papasok ng resort. The resort was indeed one of the best in the area. Kompleto ito sa amenities. From pool, restaurant, multi purpose hall, gym and they even offer outdoor activities.

Ang aming kwarto ay makikita sa huling palapag, sa fifth floor ng resort malapit sa rooftop. We learned that there are only one other group on the floor with us. The university publication from Baguio.

Kasama ko sa room si Pia at Rhea. Nagsisikan sa kabilang room ang apat. Narinig namin silang nagbabangayan tungkol sa higaan bago kami nag paalam sa isa't isa upang makapag pahinga na. We were given until after lunch to rest.

Pabagsak akong humiga sa malambot na kama. The room was an average hotel room. A king size bed and a single bed occupies most of the space. There's a door for a bathroom, and another for a cabinet, a flat screen TV, and a few appliances like coffee maker and flat iron.

Nagsimulang mag empake ng gamit si Pia. Rhea's attention turned to the sliding door on the far side of the room. Lumapit siya dito saka ito binuksan. Naramdaman ko ang pagpasok ng maalinsangan na hangin sa kwarto. The air smell of sea salt and ocean grass.

Bumangon ako. Maging si Pia ay tumigil sa ginagawa at lumapit. Lumabas kami sa terrace. Bumungad sa amin ang malawak na karagatan at ang baybayin nito. Makikita ang ilang isla di kalayuan at ang bulubundukin na nasa likuran ng resort.

Lumingon kami sa katabing kwarto. Nagkataon na nasa terrace din sina Gavin. Pia frowned. Lalo na noong makita niyang walang suot na pang itaas si Lawrence maliban sa pulang cap na nasa ulo nito. Lawrence could easily become comfortable in a place.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon