Spectacular: Thirty One

303K 15.5K 3.5K
                                    

31.

Mahigit dalawang linggo ng wala si Gavin. The first week of the semester came and gone. Pero hindi na siya nakita pang muli sa university.

Pagdating ng araw ng Sabado muli kaming nagkita kita sa university gate. Noong isang araw napag usapan namin kung saan hahanapin si Gavin.

Dahil sa aming mga nalaman ay mas naging pursigido kami na mahanap siya. He is and will forever be part of Arcadian.

"Si Kuya Roy ay ang naging kaibigan ni Gavin bago ang Arcadian. Maaaring may alam siya tungkol sa kinaroroonan ni Gavin."

Ito ang sinabi ni Pia.

"Ang tanging problema, I lost contact of him years ago noong mag graduate siya."

"Pero may nakapagsabi na nagta-trabaho siya ngayon sa isang restaurant sa Tarlac," said Lawrence.

Hindi namin sigurado ang impormasyon na ito. Subalit nagkasundo parin ang grupo na magbakasali at pumunta. Kuya Roy Nieves, the former Editor in Chief who recruited Gavin to be part of Arcadian, was the closest contact we had of Gavin.

Maaga kaming nagkita-kita tulad ng dati. Tarlac was not far from here. But the restaurant they are referring to was at the northern part of it.

Charlie couldn't come with us because of a school activity. Kaya kaming anim ang pumunta.

"Isa sa mga dati naming kasama sa Arcadian ang nakapagsabi kung saan nagtatrabaho ang dati naming EIc," sinabi ni Pia.

Paalis na kami ng Pampanga noong mga oras na yon.

"Nakuha ko na ang contact number ni Kuya Roy. Sinabi ko na pupuntahan natin siya. It's better to hear it personally from him."

"Ang alam ko din, dating magkapit bahay si Kuya Roy at Gavin. Maaaring may alam siya kung saan natin siya makikita."

Isang oras ang lumipas bago namin narating ang siyudad ng Tarlac.

"He's one of the manager at a floating restaurant," informed Pia. "Medyo malayo pa dito."

Lumipas ang kalahating oras bago namin natanaw ang tinutukoy ni Pia. Sa tabi lamang ito ng highway. It's more of a theme park than a restaurant. There's gigantic buddhas and nipa hats, and statues. And a lot of water. The whole place was situated above an artificial lake or pond.

Huminto ang aming sasakyan sa parking lot. It was weekend so the place was a bit crowded. Pagbaba namin sa sasakyan dumerecho agad kami sa loob.

We walked through bamboo platforms. Below us are the pond and fishes where you can feed the fish or catch your own food. Hindi mapigilan na pagmasdan ni Rhea ang mga ito.

Sinalubong si Pia ng isa sa mga nagtatrabaho sa lugar. Sinabi niya kung sino ang aming pakay. Dinala kami ng staff sa isang maliit na kubo set as a dining area.

"Pahintay lang po sandali."

Iniwan kami ng staff upang tawagin si Kuya Roy. Habang naghihintay nagmasid kami sa lugar. The place was refreshing. Nakakawala ng pagod sa mahabang byahe.

Maya maya pa lumapit sa amin ang isang lalake. He looked like in his mid twenties. Nakasuot siya ng black uniform vest na may logo ng restaurant, at white long sleeve polo. Manager Nieves ang naka lagay sa nakapin na nameplate.

Ngumiti siya. You know he's approachable by the way he smile. He has this wide boyish grin.

"Aba, ano'ng ginagawa ng Arcadian sa malayong lugar na ito?"

Agad lumingon sina Pia. I've never saw Pia smiled this wide since Gavin left.

Minsan ng naikwento ni Pia na si Kuya Roy ang paborito niyang EIC. Isa siya sa mga nagturo at gumabay sa dati ay freshmen palang na si Pia, Lawrence, at Gavin.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon