8.
I survived the Accounting test. Hindi ganoon kaganda ang result pero mas okay yon kesa sa inaasahan ko. Madami din ang nakapasa sa amin and nag tie kami ni Daphne sa highest score.
Umalis si Gavin sa Library fifteen minutes bago ang oras ng subject namin. Akala ko nga hindi niya ako gigisingin on time. Nagbiro pa siya na isang oras na akong nakatulog. Halos masigawan ko siya sa loob ng Library. Mabuti nalang at sinabi niya agad na joke yon dahil handa na talaga akong saktan siya noong mga oras na yon.
It was Friday afternoon once again. Halos maghapon na umuulan. Wala ang last subject namin pero pinili kong manatili muna sa university. Maliban kasi sa wala din akong dadatnan sa bahay maliban kay Nana, masyado pang malakas ang ulan sa labas.
Nasa office ako nang mga oras na yon at nasa harapan ng computer. Kalasukuyan kong ginagawa ang article ko kung saan mag-collaborate kami ni Pia. Hangang ngayon wala pa kaming maayos na draft.
Kasama ko si Rhea sa office na nakaupo sa sulok ng sofa at inaasikaso ang sarili niyang article. May klase na ang iba sa amin. Si Charlie at Lawrence na pinabili ni Pia ng ink para sa printer, na-estranded yata sa National Book Store.
“Hinaan natin ang aircon?” tanong ko kay Rhea dahil bahagya na akong nilalamig. Ngumiti ito sa akin at sumang ayon. Tumayo ako mula sa harap ng computer at pumunta sa switch malapit sa bitana. Ni-lower ko ang buga ng hangin. Pabalik na ako sa upuan ko nang biglang bumukas ang pintuan.
“Lakas ng ulan.”
Pumasok sa office si Gavin na halos basa ang kalahati ng katawan. Agad siyang dumerecho sa loob habang tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok. Mabuti nalang at kahit paano ay nakasuot siya ng jacket.
“Anong nangyari sayo? Nagpakabasa ka?” tanong ko.
Kahit paano kasi may mga pathways sa campus na pwede niyang magamit. Ngumisi lang si Gavin. Magsasalita sana si Rhea nang may marinig kaming kakaibang ingay.
Meow.
Natigilan ako at napatingin kay Gavin. “What’s that?” tanong ko.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya. May nilabas siya mula sa kanyang bahagyang nakabukas na jacket. Napa awang ang labi ko dahil sa nakita. It was a kitten. A tiny black, shivering, kitten.
Nilapag ni Gavin ang basang pusa sa mesa. Nanlaki ang mata ni Rhea. “Oh my gosh!” excited na sabi nito. “Oh my gosh! Ang cute niya. Look, nanginginig siya. Kawawa naman.” Pinet niya ang ulo ng pusa bago kumuha ng pamunas sa ilalim ng utility drawer.
“Nakita ko sa poste malapit sa field.” sabi ni Gavin. “Dito muna to, ah.”
“Dito nalang siya.” sabi ni Rhea na hindi parin makapaniwala. “Sabihin nalang natin kay Pia.”
Nagkibit balikat lang si Gavin. “Kayo bahala, babes.” Kumuha ito ng pamunas para punasan ang ulo niya.
“Hindi mo ba aalisin ang damit mo?” tanong ko na inalis ang tingin sa cute na pusa. “Basang basa ka, oh.” I observed.
Napa-paused siya sa pagpupunas at ngumiti sa akin ng nakakaloko. “Concern ka, babes? Gusto mong makita ang katawan ko?”
Binato ko siya ng crumpled paper. “Nababasa mo kasi ang sahig.” turo ko sa ilang patak ng tubig.
Hindi naalis ang ngisi ni Gavin. Pang asar talaga ang ngisi niya. Wala pa siyang sinasabi, naaasar na ako. Inalis niya ang jacket niya. May shirt siya sa loob nito pero maging ito ay bahagyang basa.
“Wala ka bang dalang extra shirt?” tanong ni Rhea habang busy parin sa itim na pusa.
Umiling si Gavin.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...