Spectacular: Twenty Eight

324K 17.4K 3.6K
                                    

28.

Nagkaroon kami ng meeting ilang araw matapos ang convention. Noong mga oras na yon wala parin kaming balita tungkol kay Gavin. There was no call or text from him. Nanatiling nakapatay ang kanyang cellphone.

Arcadian wasn't the same without him. Naging tahimik ang mga kasama ko. Umiiwas sila na pag usapan ang bigla niyang pagkawala. We were trying to think positively by hoping he would come back from wherever he was any day from now.

In the office there were still traces of Gavin everywhere. Ang penmanship niya sa mga papel na nagkalat, ang mga gamit niya tulad ng mug at nakadikit na mga random notes sa locker niya, maging ang pabango niya sa t-shirt na kanyang naiwan ay nandoon parin.

I missed him. I badly missed him. Noong nagka-sagutan kami ni Dad siya ang una kong gustong tawagan at kausapin. I want to tell him that that I finally built a bridge. That I already answered his question. When will you be brave? Now. I'm brave now. Pero noong araw na nasagot ko ang kanyang tanong ay ang araw ng kanyang pag-alis. He was the guy who saw through me. The moment I chose to be brave was the time he decided to be gone.

Alam kong hindi dapat ako nag aalala ng ganito. Pero ako ang huling nakasama niya bago siya umalis. I should have known. I should have felt it. Ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga halakhak at biro. Ngayon ko napagtanto na may kakaiba sa mga ito. He was smiling but the expression on his eyes seemed detached, vacant. All this time he was bidding a silent goodbye.

"Enrolment na next week. Ilang linggo nalang mare-release na ang issue ng Arcadian na pinaghirapan natin."

Alam kong masakit para kay Pia ang maging kalmado sa mga oras na ito. Someone has to lead the meeting.

"Kailangan natin magfocus sa final draft."

Tumahimik ang aking mga kasama.

"Guys, Gavin will show up in the enrollment. He has to. Final semester namin ito."

Pero maging si Lawrence ay nag alangan bago sumang ayon.

"Can't we visit him?" I asked. "Hindi ba natin siya pwedeng puntahan kung saan siya nakatira? Maaring nandoon siya hindi ba?"

Nagkatinginan ang mga kasama ko.

"Wala pang nakakapunta sa bahay nila."

Natigilan ako. I've been with Arcadian for more than six months. Halos lahat ng bahay nila napuntahan ko na. I know their story. But not Gavin.

"Even once?"

"Kapag nagtatanungan kung saan pwedeng mag overnight kapag kailangan magrush ng issue hindi namin naiisip na pumunta sa kanila dahil malayo." Sinabi ni Pia.

"Isa pa kapag tinatanong si Gavin kung pwede pumunta sa kanila lagi niyang sinasabi na magulo at maingay sa lugar nila." Sinabi ni Charlie.

"Ang tanging alam namin taga San Luis siya. At nakatira siya kasama ng pamilya ng Aunty niya." Dugtong ni Lawrence.

I never thought Gavin would be a stranger to me... to the group.

"He's always been like this. Kahit noong una pa." Sinabi ni Pia.

"He's open but detached. Alam mo bang sa buong Arcadian siya lang ang hindi dumaan sa interview? He was not supposed to be here."

Napansin ko na tuluyang nanghina ang boses ni Pia. Maging si Lawrence ay bumuntong hininga. Among the current Arcadian silang tatlo nila Gavin ang pinaka matagal na nagkasama.

Sa pagkaka alam ko freshmen year noong sumali sila sa Arcadian. Si Pia at Lawrence ang magkasabay sa application process. Nakapasok si Pia bilang staff writer at si Lawrence naman bilang junior photojournalist.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon